Chapter Eight

2377 Words
Ashley Wala akong nagawa kundi sundin nalang siya. Para namang may pagpipilian pa ako. Umangkas ako sa likod niya habang inaalalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. Inasahan ko na bibitawan niya na ito nang makasakay na ako pero sa halip ay iginiya niya pa ang braso ko na yumakap sa bewang niya. Nag-init ang magkabila kong pisnge, nagpapasalamat ako na hindi niya nakikita ngayon ang mukha ko. "Are you okay back there," he asked, looking at me over his shoulder. I shyly nodded while saying, "yes," and cleared my throat. "O-okay lang ako rito." "Mabuti naman, ituro mo lang ang direksyon papunta sa bahay mo." "Sige, sige." "Relax, Ash." Mahina siyang tumawa, "nararamdaman kong kinakabahan ka d'yan." Mas lalo akong nahiya at namula. "Make sure that your thighs are covered," he instructed. "Oo na, please, Emmanuel, tara na— Ahh!" Napayakap ako nang mahigpit sa bewang niya nang bigla niyang paandarin ang motor niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa likod niya habang nagbibibrato ito dahil sa pagtawa niya. ... Hinatid ako ni Emmanuel sa bahay, tama nga ang tinuran niya na mabilis siyang magpatakbo ng motor, halos liparin nga ako sa sobrang bilis, nakalimutan niya yatang may babae siyang angkas. Napilitan akong yakapin siya para lang hindi mahulog. "Hintayin mo na lang ako, rito. Baka kung ano pang isipin ni Mama kapag makita ka niya." Inalis ko ang jacket niya nakapalibot sa bewang ko at binalik ito sa kaniya. "Ano bang iisipin niya?" he asked with a playful smirk. "Marami akong mga kaibigan na lalaki, akala ni Mama parehas kami ng ginagawa." Malungkot kong paliwanag habang nakababa ang tingin. "My... my mother's a p********e b-but I'm not like her, I swear." He hummed, nodding his head. "I can see that." Nakahinga ako nang maluwag. "Mabuti naman, marami lang naman akong kaibigang lalaki kasi mas komportable ako sa kanila. Karamihan kasi sa mga babae ay gusto lang akong kaibiganin dahil sa mga kaibigan ko at 'yong mga kinakahiligan nila hindi ko gusto." Sinuot ko ang kamay ko sa magkabilang bulsa. "Magbibihis muna ako." Tinalikuran ko siya at tumuloy sa bahay ko. Wala si Mama sa sala na pinagpasalamat ko, nagtungo ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot. Pinili kong suotin ang simpleng ripped jeans at faded yellow spaghetti top. Gusto ko sanang maligo ngunit ayokong paghintayin nang matagal si Emmanuel sa labas. Sinuot ko ang Nike ko na sapatos, pinahiran ng alkohol ang kili-kili sakaling mabaho ito at nagpabango na rin. Nilagay ko sa mataas na ponytail ang buhok ko at saka sinuklay ang bangs ko. Sinigurado ko na presentable ako bago bumaba ng hagdanan dala-dala ng shoulder bag ko. "Hey!" bati ko agad kay Emmanuel nang makalabas ako ng bahay. Tinulak niya ang sarili mula sa pagkakasandal sa kaniyang motorsiklo, umayos siya ng tayo habang naglalandas ang mga mata niya sa kabuuan ko. "Hindi ka man lang ba maglalagay ng jacket?" Mahina ang boses niya ngunit hindi mahinahon, bakas dito ang pagka-irita. "Okay lang naman ang suot ko, ah? Anong masama rito?" "Para sa akin hindi." Hinawi ko ang bangs ko habang nakakunot ang noo. "That's just your opinion, I'm comfortable with my clothing." I'm aware that I left my guitar at home, but that's fine. Alangan namang dalhin ko pa 'yon sa date—este sa lakad namin ni Emmanuel. Tumikhim ako. "So saan na punta natin?" He shook his head, "f**k it," he muttered underneath hus breath "Ano bang problema mo? Minumura mo ba ako?" Napanguso ako sa kaniya. Ganoon niya ba hindi kagusto ang suot ko? "Nevermind, Ash." Sinuot niya ng sariling jacket niya, siya ang nang sumakay at inalalayan ako nang ako na ang sunod. "Saan nga ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit ko sa kaniya. "Honestly? Wala talaga tayong pupuntahan, hindi ako makaisip, gusto lang kitang makasama. Hindi ko naman naisip na papayag kang sumama." Natahimik ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa matamis niyang dila. Lahat yata ng sabihin niya ay matatamis, nakakapagtaka tuloy kung pati sa ibang mga babae ay ganito rin siya. "Saan mo ba gustong pumunta? Duon tayo pupunta." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at giniya ito na yumakap sa bewang niya. Nanatiling nakahawak sa mga kamay ko ang kaniya habang hinihintay ang sagot ko. "K-kahit saan, okay lang naman sa akin na dalhin mo 'ko sa kahit saan basta safe lang ang lugar." "Give me an exact place, Ash." "U-uh..." Pinikit ko ang nga mata ko, nag-iisip kung saan pwedeng pumunta. "Wala akong maisip eh, basta sa magandang kainan nalang. Nagugutom na 'ko eh, hindi pa ako nakakakain simula kaninang umaga. "At bakit hindi ka kumain?" "Wala akong time na ipaghanda ang sarili ko eh." "God, Ash, dapat kumakain ka sa tamang oras." Sa wakas ay naisipan niya na ring bitawan ang nga kamay ko at nakahinga na ako nang maluwag. I braced myself when he started the engine of his bike. As expected, he drove fast but my embrace around his waist wasn't that tight anymore. Tumatama sa mukha ko ang hangin, nasisinghot ko rin ang pinaghalong sigarilyo at cologne sa damit niya. Surprisingly, hindi ako nandiri dahil mas lamang naman ang amoy ng cologne niya. Or is it his natural scent? Hindi ko na namalayang nakahinto na pala siya, inalis ko ang pagkakayakap ng braso ko sa bewang niya at dali-daling bumaba ng motor niya. Tinignan ko ang lugar kung nasaan kami, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantuhan na nasa harap kami ng isang malaki at susyal na restaurant. "Emmanue!" Humarap ako sa kaniya. "D-dito tayo kakain?" "Yes," he answered with a confused look, "is there a problem?" "Of course, there is! Wala akong pambayad dito!" "Ash, why would I bring you here kung ikaw lang din naman ang pagbabayarin ko? Ako ang nag-aya na lumabas tayo kaya syempre ako ang magbabayad." He put his hand on my chin and tapped it with his thumb. "Understood?" I pouted, "pero—" "Shh, don't you dare reason with me." He gave me a warning look. "Pumasok na tayo." "Dito lang motor mo?" "My Dad owns this restaurant so you don't have to worry. I can do whatever I want here." He smiled, his arms stretching to put it over my shoulder and guided me inside the fancy restaurant. Right, his dad is the mayor. Salamat talaga na naisipan kong magsuot nang maganda at hindi ko na dinala pa ang gitara ko. Napalunok ako nang bumungad sa paningin ko ang magagandang disenyo ng restaurant. May malaking chandelier na nakasabit sa kisame, mga malalaki rin ang mga upuan at lamesa, at bukod duon ay marami ring mga tao. "Emmanuel..." "Hang on, I will ask reservation in the VIP room para maayos tayong makakain at hindi ka mailang sa mga tao." Hindi na ako nagsalita pa, nagbaba lang ako ng tingin dahil sa hiya. Kung alam ko lang na dito niya ako dadalhin, sana hindi na ako nagrequest na kumain muna. Giniya niya ako patungo sa silid kung nasaan ang VIP table. The table was far away from everyone, the ground was also a bit high and the design was fancier than normal. "Huy, hindi na ako gutom. Umalis na tayo rito!" "Ash, kakain lang naman tayo." "That's the point! Yes, kakain lang tayo pero bakit may pa-VIP pa? Bakit dito pa sa restaurant? Pwede namang sa karinderya nalang tayo kumain. Kung crush lang talaga kita baka napagkamalan kong date—" Natigilan ako sa pagsasalita, nagkaroon ako ng pagsisisi sa mga sinabi ko. "Uhuh? So hindi mo 'ko crush?" Halata ang pang-aasar sa boses niya. "H-hindi sa ganun—" "So crush mo ako?" "Hindi, hindi! Emmanuel naman oh!" Napakamot ako sa ulo ko. "Huwag ka ng magreklamo, umupo ka nalang." He pulled out a chair, he reached for my hand pulled me to him. "Sit down or I'll make you." "Uupo na, uupo na po!" Nakanguso akong umupo, pinagkrus ko ang braso ko at nilandas ang tingin sa mga kagamitang nakalatag sa lamesa sa harapan namin. May champagne rin at iba't ibang klaseng baso na nakikita ko lang noon sa mga movies. I expected Emmanuel to sit on the seat across me but instead he pulled the chair and placed it beside me "H-hey!" "Magrereklamo ka na naman?" Humarap siya sa akin, bahagyang malapit ang mukha niya sa akin. Napalunok ako at wala sa sariling umiling. "Wala naman pala eh." Nagkibit balikat siya. May dumating na waiter sa table namin kahit na hindi pa kami tumawag. Nakilala siguro nito si Emmanuel dahil habang nakaharap ito sa amin ay bakas sa mukha niya ang kaba at takot. Kahit na mas nakatatanda ito ay siya pa ang gumagalang dito. Mabilis lang na dumating ang mga pagkain na in-order ni Emmanuel para sa amin dahil hindi ko kilala ang mga pangalan pagkain na nakalagay sa menu. Nagkaroon lang ako nang matikman ko na ang mga pagkain ngunit pinanatili kong mabagal at maayos ang pagkain ko dahil ayokong mapahiya sa harapan niya lalo na't alam kong nakatitig siya sa akin. "K-kumain ka na din, Emmanuel." Mahina ko siyang siniko sa tabi ko. "Why don't you call me Nuel instead?" "Nuel..." It rolled smoothly on my tongue, "I like that, hindi na mahaba." He hummed, he put his elbow on the table and rested his chin on his hand as he stared at me. "I'm just wondering..." "What is it?" "I know you wanted to ask something since yesterday," he said suddenly while smiling, "why don't you ask me now?" I stopped eating and looked at him. "Is it that obvious? Will you give me permission to ask?" "I'm giving your permission to ask anything you want and I'll answer it honestly." Binaba ko ang eating utensils sa lamesa, inikot ko ang katawan paharap sa kaniya at hindi na nagdalawang isip na itanong ang tanong na pinakanangunguna sa isip ko. "Ano mo si Jezer?" Ngumisi siya at mas naging masidhi ang paraan niya ng pagtitig sa akin. "Iyan lang ba ang gumugulo sa isip mo?" Maingat akong tumango. "Gusto ko lang malaman kung mabait ka lang ba sa akin kasi iniisip mo na pwede kitang tulungang makausap si Jezer." "Kung si Jezer lang ang pakay ko, hindi ko na kakailanganin pa na gamitin ka. Hindi ba pwedeng na-love at first sight lang ako sayo?" May pilyong ngisi ang gumuhit sa mapupula niyang labi. Kinagat ko ang babang labi ko, sinusubukang pigilan ang ngiti na gusto ring gumuhit sa labi ko. "Love at first sight mo mukha mo! Parang ang sungit mo nga nung una tayong nagkita." Huminga ako ng malalim. "Hindi mo pa pala nasasagot ang tanong ko. You said you'll answer honestly pero kung ayaw mong sumagot, okay lang din naman—" "I'm just Jezer's ex-friend, may nagawa akong mali sa kaniya at gusto kong humingi ng tawad. I have connections and sources here and there, but I don't want to disrespect her privacy and I want to ask permission to her and Kosovar, her boyfriend." Walang bahid ng pagsisinungaling sa mga mata niya. Nababahala ako sa sinasabi niyang kasalanan niya kay Jezer ngunit kinumbinsi ko ang sarili na wala na akong pakialam duon. Sa kanilang problema na iyon at wala na akong kinalaman duon. Labas na ako duon. "Do you... like her?" I asked carefully. He removed his eyes from me, he didn't answer my question and the look in his eyes was already enough to answer my question. "You know, you should be happy for her. Kosovar and her seem really happy together, I can see it in Var's eyes whenever he talks about his relationship with her." "I know that and I already accepted that." Nagkibit-balikat siya. "Wala akong plano na sirain sila." "Naku, ang hirap yata ng sitwasyon mo." Napailing ako. "Thanks for telling me though, wala ng gumugulo sa isipan ko." He chuckled, "why do you always look cute?" "S-stop it, huwag mo na 'kong bolahin." Nagpatuloy ako sa pagkain para itago ang pamumula ng magkabilang pisnge ko. ... Pagkatapos naming kumain sa restaurant ay dinala niya ako sa isang sikat na public park. Ako ang humiling noon dahil baka dalhin niya na naman ako sa isang kugar na magara at pangmayaman, bukod duon ay gusto ko ring gumala rito dahil nasasabik na ako na makakita ang mga kabataan na naglalaro at naghahabulan. Pagkadating sa parke ay hinila ko siya sa isang ice cream vendor, nilibre niya ako nito at hindi ko na siya tinaggihan pa dahil matagal-tagal na rin nung huli akong nakakain ng ice cream. Umupo kami sa isang bench at walang umimik sa aming dalawa. We just enjoyed our ice-cream and enjoyed the carefree sight of the children playing around the part with smile on their faces. "Do you like kids?" Emmanuel asked. Nakangiti akong tumango. "Yes, I always wanted a little brother or sister that I can take care of. I'm lucky that I have Addison, she may be 2 years older than me but I still consider her as my little sister and I love her." "May mga kapatid pa si Addison, hindi ka ba malapit sa kanila?" "They hate me, si Papa at Addi lang ang may gusto sa akin." "And your Mom?" "I don't wanna talk about her," I said with a sad smile. "I'm sorry." I turned my head to look at him, I can see the sincerity in his eyes while he's staring back at me. I think I'm getting used to his stares. "Ang lamig," sabi ko pagkatapos kong isubo ang paghuling sandok ng ice cream ko. "Sabi ko sayo mag-jacket ka eh." Mahina akong tumawa. "Hindi naman 'yong katawan ko ang nilalamig, 'yong labi ko." "Ah... Pwede rin kitang tulungan d'yan." Humarap siya sa akin at tinabi ang ice cream niya. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "At paano naman?" May pilyong ngiti na gumuhit sa labi niya, bumaba ang mga mata niya sa labi ko at bahagyang ngumuso. Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ko ang ibig sabihin niya, pinandilatan ko siya ng mga mata at umusog palayo sa kaniya. "Manyak!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD