Ashley
What we played was amazing, it was another one of our best performance of all time. Emmanuel was so good at rapping, his voice sounded so strong and smooth that I wanted to hear him sing a soft and gentle song. Bagay sa kaniya ang kinanta namin kanina ngunit gusto ko rin siyang marinig kumanta nang hindi rap. Mukhang tama nga ang desisyon ko na tanggapin siya bilang pamalit panandalian kay Ryder.
Nakakahimatay ang boses nito dahil sa sobrang ganda, hindi ka magsasawang pakinggan. Hindi ko sinasabi na mas magaling pa siya kay Rryder. The first time Ryder sang, I was really amazed too. Magkaiba lang ang style ng pagkanta nila at parehas itong magaganda.
I even tried to change my voice while I was performing with him, trying to match it with his tone and thankfully I succeeded matching the right one. He even did well while playing with his guitar, I almost stopped singing and performing to give him the spotlight because he deserves it for his talent.
Nang matapos kami sa pagtugtog ay naghiyawan ang mga tao, pinupuri si Emmanuel dahil sa magandang boses nito, kahit ang mga kalalakihan ay napanganga sa kaniya.
Bumaling ako sa gawi niya, hindi ko inasahan na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang mga tingin niya. Tumalon ang puso ko nang magsalubong ang mga tingin namin lalo na nang ngumiti siya. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at nag-thumbs up para ipakita na nagustuhan ko ang performance niya.
"Should we make the category to 'bad?'" Alonzo asked from behind me.
"I think we should, may naisip akong isa pang kanta." Si Addison na ang sumagot habang pinapaikot sa mga daliri niya ang drum stick at bumaling kay Emmanuel kapagkuwan. "Gangsta by Kehlani, alam mo ba 'yon?" she suggested.
He shrugged, "I did watch Suicide Squad."
"Good, let's play that!"
"Okay then, let's start," I nodded while smiling. "One... two... three... Go!"
I was the first one to sing the first part of the song, but my mind was screaming and excited to hear Emmanuel's voice without rapping and he did not disappoint. His voice was like a lullaby singing me to sleep despite the theme of the song, it was so cold and soft.
When we sang together to the song, chills ran down my spine because of the perfect mixture of our voice.
I most definitely want to sing with him again.
...
Nakakapagod ang pagtatrabaho lalo na kung doble-doble ang mga ito, pinipilit ko nalang ang katawan na kumilos at ang mga binte na makatayo. Tulad ngayon, sobrang dami ng customers dito sa cafe at ako lang ang nag-iisang waitress dahil isang maliit na cafe ang naman ang pinagtatrabahuan ko, nagkataon lang na dumami ngayon ang mga customers.
Pabalik-balik ako counter at sa mga lamesa, magtatatlong oras na yata akong kumikilos. Tagaktak ang pawis ko, walang kapahi-pahinga ang katawan ko. Nasa kalagitnaan pa ako ng pagte-take ng order ng magpamilya nang may mamatahan akong pamilyar na pigura sa bandang likuran ng cafe.
Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. "Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito?"
Emmanuel was sitting at the back of the cafe beside the glass wall. He's sitting alone on the table, his eyes fixed on me with a serious expression on his face as if he was thinking deeply.
Binilisan ko ang ginagawa, hinatid ko ang orders ng magpamilya sa counter at bumalik ulit sa mga tables. Naroon pa rin si Emmanuel at walang pagdadalawang-isip ko siyang nilapitan.
"Anong ginagawa mo rito, Emmanuel?"
"Ano bang ginagawa ng mga tao sa lugar na 'to?"
Nagulat ako sa ginamit niyang tono at mas sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Napakurap-kurap ako, hinahalukay ang utak kung may ginawa ba akong masama kagabi para magmukhang galit siya sa akin. Subalit sa isang iglap lang ay bigla itong ngumisi at nawala ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha niya.
"Nandito ako para kumain." Naging malumanay ang boses niya. "Bakit wala ka kanina sa Plaza?"
"Emmanuel, I would love to talk to your more pero may trabaho pa ako at maraming customers."
"I'll wait for you then."
"No, no, no!" Umiling-iling ako, "matatagalan pa ako kasi mag-o-over time ako!"
"I'll have a choco float and a sandwich, please."
"Emmanuel..."
"I'll wait," he said, final.
Napabuntong hininga nalang ako dahil wala na akong magagawa para baguhin pa ang isip niya, mukha itong desidido na sa desisyon niya.
Bumalik ako sa pagtatrabaho, tinitignan-tignan si Emmanuel at nahihigit ang hininga tuwing nakikita itong matiim na nakatitig sa akin. Napangiwi ako nang naging oras na para ihatid dito ang order niya, napabuntong hininga ako at isang kamay na binitbit ang tray ng in-order niya papunta sa lamesa niya.
"Here's your order, sir." Pinatong ko ang tray sa lamesa niya, nabigla ako nang hawakan niya ng kanan kong kamay, nabalibag ko ito dahil sa gulat. Imbis na magalit dahil sa ginawa ko ay natawa pa siya.
"You work too hard, sa pagod mo hindi mo nabibigyan ng atensyon ang cellphone mo kahit ilang minuto o segundo man lang."
"O-oh." I held my hand that he touched. "Did you call?"
"No, I sent you a message," he answered, "but I understand, it's not your obligation to reply to my messages."
"I'm really sorry, Emmanuel. I was just really busy."
"I understand," he said but his eyes says the otherwise. I can tell that he's disappointed and maybe also pissed at me.
"B-babawiin ko nalang ang over time ko kay Ma'am, sasabihin ko nalang na bukas nalang ako mag-o-over time kasi ayokong paghintayin ka rito." For some reason, ayokong naiisip na galit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito at kung ano ang kaylangan at pakay niya sa akin pero ayoko itong paghintayin at gusto kong makabawi rito.
....
Pagod akong lumabas ng cafe, hinahabol ang hininga. Nakaparke ang motor ni Emmanuel sa harap ng cafe, nakasandal siya rito at hinihintay ako roon. Nagsisisi tuloy ako na hindi ako nakapag-ayos, kahit pagpunas man lang ng pawis at pagpapabango. Siguradong amoy pawis ako, ang buhok ko ay naka-clams lang at ang bangs ko ay basa na sa pawis. Nakasuot pa rin ako ng pang-waitresss na uniform ko, tulad ng sa bar ay palda rin ito at mahigsi, sa katunayan nga ay mas mahigsi pa ito.
Hinila ko ang pababa ng palda ko nang mapansin na bahagya itong tumaas. Sana ay nagpalit man lang ako, ayoko lang naman na paghintayin siya.
"Hey, I'm so sorry, matagal ba kitang pinaghintay?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Hindi siya sumagot, tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagkadigusto niya sa nakikita, halata na naiinis at naba-badtrip siya. Hinubad niya ng jacket niya na pinagtaka ko, lumapit siya sa akin at tinali ang jacket niya sa balakang ko nang matakpan kahit papaano ang mga hita at binte ko.
Ilang jacket na nga ba niya ang nasa akin?
"Delikado ka, Ashley. Look around you," he whispered to my ear as he was tying the the sleeves of the jacket together.
Tumingin ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang mali at kakaiba rito.
"Pinagtitinginan ka ng mga lalaki," dagdag niya pa.
Tinignan ko lahat ng mga lalaki na makikita ko sa paligid, tama nga siya dahil nakatingin nga ang mga ito sa akin. I wonder why.
"Nagmamadali kasi ako eh, hindi ko naisipang magbihis. Ayokong paghintayin ka ng matagal sa akin."
"Kaya kong maghintay ng matagal." Inabutan niya ako ng nakatuping panyo na galing sa bulsa niya. "Wipe your sweat with this."
Wow, he was prepared.
I pouted, "okay, as you say so." Tinanggap ko ang panyo niya at pinahiran ang pawis ko sa mukha at sa leeg. Nagsalamin ako gamit ang salamin sa motor niya at inayos ang bangs ko.
Para akong dinilaan ng kalabaw sa itsura kong 'to. Ang panget-panget ko, kaya siguro nakatingin ang mga kalalakihan sa akin dahil panget ako. Mali ang iniisip ni Emmanuel na dahilan.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko kapagkuwan.
"You weren't with us this morning, I got curious and asked Addison, she told me na bumabawi ka sa trabaho mo dahil sa pag-absent mo kahapon," he explained. "Nakaabala ba ko?"
Nagkibit balikat ako. "Oo, pero okay lang kasi ginusto ko naman na maabala mo. Ayokong paghintayin ka nang matagal, ahm... Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka naparito?"
"Nah, my main reason is I want to hang out with you."
Bumilis ang t***k ng puso ko, tilala sasabog din ito sa lakas dahil lang sa katagang sinabi niya.
"G-gusto mong makasama ako?" Napakamot ako sa batok at hindi makatingin sa kaniya.
"Yep, I like hanging out and talking to you. I like your personality and you amuse me."
"Parang ang bad naman yata non, compliment ba 'yon o hindi? Nakakatawa ako in a good way, right? Hindi dahil awkward ako?"
"Of course, it's a compliment. And I want to know you more 'coz I find you interesting." His eyes dropped down to my lips, the side of his lips rose once again as he returned his gaze on my eyes.
"And where do you want us to hang out?" I folded my arms over my chest and raised my eyebrows.
"You'll see," he winked.
I ignored his wink and continued with the conversation. "I didn't bring any clothes, dumaan muna tayo sa bahay."
"Sure." May kumislap sa mga mata niya, lumapit siya sa kaniyang motor at tinapik ang cowl cover nito. "Ihahatid na kita."
My eyes widened, I looked at him and to his motorbike then back at him.
"Ihahatid?"
"Sabi ko sakay na, dadaan tayo sa bahay mo."
My jaw dropped. "S-sasakay?"
"Why are you repeating everything I say?" he asked while chuckling. "Huwag kang mag-alala, basta higpitan mo lang ang pagyakap mo sa akin. Mabilis akong magpaandar ng motor, Ashley."
"H-higpitan ang yakap?" I was close to fainting! "Mabilis ka magpaandar ng motor? Tell me, Emmanuel, bakit hindi ako mag-aalala sa mga sinabi mong 'yan? Tighten my hug to you? You drive fast? Are you joking me?"
He smirked, shaking his head lightly. "Trust me, you'll love it."
Napalunok ako, nanatiling nakatingin sa mga mata niya, nagbabakasakali na nagbibiro lang siya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sasakay ako sa isang motor. Nakasakay na ako sa motor ni Kosovar at ni Ryder, hindi naman ako natatakot sa pagsakay, mas natatakot ako sa sinabi niyang yumakap nang mahigpit sa kaniya dahil mabilis siyang magpaandar.
Nang makasakay na siya sa motor niya ay nilahad niya ang kamay sa akin at nang hindi ko pa tanggapin ito ay may pagbabanta siyang tumingin sa akin.
"Sasakay ka o isasakay kita?"