Chapter Six

2565 Words
Ashley Hindi ako makalunok nang maayos ang sarili kong laway at tila mabibilaukan pa yata ako nito. Mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa simpleng ginawa ni Emmanuel na 'yon, nag-iinit ang magkabila kong pisnge dahil sa hiya. Nahihiya ako na nakita niya ako sa ganoong sitwasyon kanina, mabuti at hindi niya ako pinag-isipan ng masama. Tumikhim ako at tumingin sa baba, "nahihiya ako." "Nahihiya ka?" nagtataka niyang tanong. "Nahihiya ako na nakita mo ako na nasa ganoong sitwasyon, i-ilang beses naman na nangyari 'yon sa akin kasi hindi naman talaga 'yon maiiwasan, pero iyon ang first time na pinuwersa ako. I'm sorry that you have to see that, that you needed to save me." "I wanted to save you and he deserves that punch. Actually, he deserves more than just a punch for forcing and harassing you." He pointed out, sounding irritated all of the sudden. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero agad ko rin iyong iniwas. Hindi ko kaya na tumingin nang matagal sa kaniya, may kung anong meron sa mga mata niya na nagpapatibok sa puso ko nang hindi normal. "What happened there?" Then his voice became soft after being irritated. "I was just serving drinks and they did that to me, just a bunch of assholes I guess. Those kind of guys creeps me out. I hate them." "Why don't you resign your job then?" Malungkot akong napangiti at umiling. "I can't, I need the money." There was an awkward silence between us, his presence only already makes me anxious and nervous. But at the same time, it was a bit comforting since he just saved me from being harassed. Maybe he really is a good person and just thinking about that makes me want to get to know him even more. Dahil ang tingin ko ay nakatuon sa baba ay hindi maiiwasan na mapansin ko ang mga tato niya sa kanang braso niya. Konting balat nalang ang makikita mo duon dahil halos natatakpan ito lahat ng tato. Iba't ibang style, larawan at disenyo. Imbis na madumihan duon ay napahanga pa ako at nagandahan duon. "Hinahanap ka na nga pala ng mga kaibigan mo, nasa backstage na sila." Mabuti nalang ay naisipan niyang ibahin ang usapan kaya nakahinga ako nang maluwag. Ngumiti ako at tumango. "You're going to perform with us, right? Are you going to sing?" "Depends." "Sing with me, please? Gusto kong marinig ang boses mo sa pagkanta." Hindi ko namalayan na lumalambing ang boses ko dahil nakasanayan ko na sa mga kaibigan ko tuwing humihingi ako ng pabor. Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi ko inasahan na mapapangiti ko siya dahil lang duon. Ang babaw naman pala ng kaligayahan nito, magpapa-cute lang siguro ay ngingiti na siya. Masubukan nga sa ibang araw kung gagana ulit. "I'll think about it." Kahit na hindi oo ang naging sagot niya ay napangiti pa rin ako. Pumasok muli kami sa bar at sabay naming tinahak ang daan papunta sa backstage kung saan naghahanda ang mga bandmates ko. Napapailing nalang tuwing hinihila ako ni Emmanuel para iiwas ako sa mga taong nagsisidaanan at nagsasayawan. Pagkadating namin sa backstage ay naabutan naming nag-uusap lang at nagkekwentuhan lang ang mga tao rito. Ang una kong nakita ay si Reece na nakaupo sa plastic green chair na siyang pinakamalapit sa akin. Siya rin ang unang nakakita sa amin at agad niyang binuksan ang braso para sa akin. Walang pag-aalinlangan ko namang ginawad ang hinihingi niyang yakap. "Aba, nagpapalambing yata ang Ashley ko, sarap naman ng yakap." He teased me, hugging me tightly around the waist. "Ikaw 'tong nanghingi ng yakap eh, hindi ako makahinga!" He just laughed at me as he unwrap his arms around me. Ginawa namin ang special hand gestures namin, pagkatapos ay pumunta naman ako kay Addison sa nakaupo sa couch katabi si Alonzo. "Addi!" mahigpit kong niyakap si Addison "My god, Ashley, baka nakakalimutan mong sabay tayong pumunta rito. Makayakap ka para bang sampung taon tayong hindi nagkita." Pagrereklamo niya at tinulak ako palayo sa kaniya. Maldita talaga ng kapatid ko. "But I still missed you." "Aww..." she chuckled, "huwag ka ngang pa-cute." "What about me, Ash? Hindi mo 'ko namiss?" May pagtatampo ang tono ni Alonzo, nang bumaling ako sa kaniya ay nakakrus ang braso niya at nakanguso siya na parang bata. "Of course, I do! Ikaw pa ba?" Lumipat ako sa tabi niya para yakapin din siya. Natatawa siyang binalik ang yakap ko at humalik pa sa ulo ko, parang bata tuloy ako, nakakahiya kay Emmanuel. Baka isipin niya pa na feeling bata at pabebe ako. "Mamaya pa naman tayo magpeperform, nasa labas ang girlfriend ko kaya pupuntahan ko muna." Tumayo si Alonzo at inunat ang braso niyang nakalabas dahil naka-tank top lang ito at nakahubad ang jacket na nakapalibot na sa bewang niya. "Is that the girl kanina sa plaza?" Si Addison ang nagtanong. "Yep, so I'll catch you guys later!" He didn't even acknowledge Emmanuel's presence and just walked past him to the exit. "Hey, dude! Buti nakita mo si Ashley." Bati ni Reece kay Emmanuel, tumayo siya mula sa kinauupuan at nakipag-fist bump dito. Emmanuel looked at me, "mabuti nga dahil may mga lalaking nambabastos sa kaniya kanina." "What!?" Napatayo si Addison at tumingin sa akin. Napanguso ako, "hindi naman maiiwasan 'yon sa trabaho ko eh. Pero okay na ako, tinulungan ako si Emmamuel." "What did they do to you?" "They just forced me to stay with them and they wanted me to entertain them." I answered honestly. "And they were touching her inappropriately," Emmanuel added. "Tapos na naman 'yon, huwag na nating balikan. Kaylangan ko na pala munang bumalik sa trabaho kasi hindi pa tapos ang shift ko eh. Baka mapagalitan pa ako." "Will you be okay? Baka mabastos ka ulit," nag-aalalang paalala ng kapatid ko. "I'll be okay, sanay na 'ko sa trabaho ko." I assured her before leaving the backstage. Inalis ko ang jacket sa balikat ko at maingat itong pinagpag para hindi ito magusot. Naamoy ko ang cologne nito sa jacket, panglalaki na panglalaki talaga ang amoy niya. "Why did you remove the jacket?" Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si Emmanuel at sinabayan ako sa paglalakad. "Oh, nakakahiya kasi sayo, baka madumihan pa kasi dahil sa trabaho ko eh." Huminto kaming dalawa sa paglalakad at nagharap. "Wear it around your hips." "Bakit?" "To cover you... Uh, you know what I mean." "Oh, just like what Alonzo did to his!" napatango-tango ako, "to cover my thighs. Got it. Thanks!" Tulad ng gusto niya ay pinalibot ko sa balakang ang jacket at itinali sa isa't sa ang magkabilang sleeves nito. "Is it okay if I join you?" I was confused by his question, I looked at him and c****d my head to the side in confusion. "What do you mean by that?" "Help you with your work, hindi naman siguro problema 'yon 'diba? Ako na ang bahala sa manager mo kapag nahuli niya tayo." "Why do you wanna do that?" "I want to talk to you more." Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ako makapagsalita at hindi ko mabuka ang bibig ko. Para akong nauubusan ng hininga dahil sa mabilis at malakas na pagkabog ng puso ko. I cleared my throat and looked away from his hardened eyes. "Mabo-bored ka lang sa akin kapag kausap mo 'ko. Tahimik ako at hindi palasalita sa mga taong kakakilala ko pa lang at sa mga strangers. Medyo nahihiya pa 'ko sayo." "So I'm still a stranger to you?" "No, ilang beses na rin naman kitang nakita eh at mukhang mabuting tao ka naman. And you'll be playing with us from now on, right?" There was an amused smile on his face while watching me talk. "So you do recognize me?" he asked, changing the subject. Mahina ako tumawa, "hindi naman mahirap na mamukhaan ka. Kaylangan ko lang ng confirmation and then I saw your motorbike and its plate number. Iyon na 'yong confirmation ko." "Why didn't you ask then?" "I hate asking." Sandali pa siyang tumitig sa mga mata ko, kung hindi lang ako nag-iwas ay baka tumagal pa ang staring contest namin. Baka atakihin pa 'ko sa puso dahil sa kaniya at sa apekto niya sa akin. "Let me help you, para na rin walang may mangbastos sayo." "Aww, that's nice of you, pero paano naman 'yon mapipigilan? Hindi naman pwedeng suntukin mo nalang sila." "I can tell them to back off..." I looked at him warily, "and?" "And tell them that I'm your boyfriend." Jusko Lord, bakit napaka-sweet at napakabait naman yata ng lalaking 'to? Para na akong hihikain nito sa bilis ng t***k ng puso ko dahil sa matatamis na salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko siya matanggihan sa gusto niya at hinayaan siyang tumulong sa akin. Halatang hindi siya marunong sa ginagawang pagse-serve ng drinks pero hindi siya sumuko. Tuwing may mga kalalakihan ay hindi siya umaalis sa tabi ko at nakakatuwa na effective 'tong naisip niyang plano dahil hindi na ako nababastos. Pagkatapos magtrabaho ay pinauna ko na si Emmanuel sa backstage at nagbihis ako sa simpleng puti at plain na T-shirt at pantalon, nanatili ang jacket ni Emmanuel na nakapalibot sa bewang ko. Binaba ko na ang nakatali kong buhok at sinuklay ito habang nakaharap ako sa salamin. When I'm already satisfied with how I look, I exited from the restroom and went straight to the backstage. Naabutan ko silang naghahanda pati na si Emmanuel. Lihim akong napangiti nang maalala ang ginawang pagtulong niya kanina. "May naisip ba kayong pwedeng kantahin?" I asked them to catch their attention. "Anything, just tell us," sagot ni Reece. "Emmanuel, do you wanna suggest a song?" I asked him whose sitting on the couch beside Addison. "Yeah, newbie, do you have any song suggestion?" Tanong ni Alonzo na nakasandal sa pader. Lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya, naghihintay ng sagot nito. He folded his arms over his chest and hummed like he's in deep thought. "Why don't we sing together, Ash?" "Really?" I couldn't help but smile at him excitedly. "Do you know the song Bad Things by MGK and Camila Cabello?" "Yeah, I know that one, but there's a rap there. Do you know how to rap?" He just shrugged, "we'll see." "Ikaw na mag-rap, sa part lang si Camila Cabello ako kakanta. This will be the first time that we'll perform a rap song." Bumaling ako sa mga kasamahan namin at tinignan sila isa-isa. "Carry niyo naman 'yon 'diba?" "Of course, kami pa ba?" pagmamayabang ni Alonzo, "kaya kong tugtugin kahit ano." Lumapit siya sa akin at pumwesto sa likod ko para yakapin ako at ipatong ang ulo niya sa ulo ko. Weird, kapag mga kaibigan ko ang sweet at malambing ay hindi naman ako kinakabahan at naiilang, pero kapag itong si Emmanuel ang nagsasalita ay tila sasabog puso ko sa lakas ng t***k nito. Siguro nga ay dahil ngayon ko pa lang siyang maayos na nakilala. Binalik ko ang mga mata ko kay Emmanuel, nakatingin na siya sa akin at nadis-appoint ako nang mawala na ang friendly smile niya sa mukha, nakasimangot na ito at kunot ang noo. Para siyang naiinis habang nakatingin sa akin, nakakatakot ang tingin at awra niya. Iyon pa naman ang dahilan kung bakit hindi ako komportable sa kaniya noong una. The more I stare at him, the more I realize that he wasn't looking at me exactly, he was looking at Alozo's arms around me. Did he misinterpret my relationship with Alonzo? Kahit si Reece at si Ryder ay ganito rin naman sa akin at nasanay na akong bine-baby nila. Wala naman sigurong masama duon, 'diba? Ilang saglit pa ay oras na para mag-perform kami sa entablado. Lumabas kami ng backstage at tumungtong sa entablado. Habang inaayos ko ang mikropono sa stand ay hindi ko maiwasang isipin ang relasyon ni Emmanuel sa girlfriend ni Kosovar. God, my curiosity! But I don't wanna ask him because it's none of my business. Pinilig ko ang ulo ko at pinikit ang mga mata. Dapat hindi ko iniisip ang mga ganoong bagay dahil wala naman akong kinalaman duon. Maling pagdudahan ko ang isang tao lalo ka kung hindi ko pa ito lubusang kilala, siguradong mabait siya dahil sa mga pinapakita niyang kabaitan sa akin. Dapat duon ako mag-pokus. Wala pa ang atensyon sa amin ng mga tao, busy pa ang mga ito sa kanilang kasalukuyang ginagawa tulad ng pag-inom at pagsayaw sa tinutugtog ng DJ. Matagal na rin kaming kumakanta rito, siguradong kapag kumanta at tumugtog kami ay mapupunta rin sa amin ang atensyon nila. "You have a phone number, right?" My bumulong sa tenga ko, nagsitaasan ang balahibo sa batok ko dahil sa hininga nitong tumama sa tenga ko. "B-bakit?" Lumingon ako kay Emmamuel. Ngumisi siya at nagkibit balikat lang. Napanguso ako, "bakit nga?" "Ano ba ang dahilan kung bakit kinukuha ng lalaki ang number ng isang magandang babae?" Sandali akong natahimik dahil hindi ko pa rin nakukuha ang ibig sabihin niya. "I appreciate that you called me pretty but I still don't know the reason why you want my phone number. Ano bang gagawin mo don?" Mahina siya at tumawa at umiling-iling. "Wala pa bang lumalapit sayo para hingin ng number mo? Imposible naman yata 'yon." "There are some but I didn't have a cellphone that time," I replied shyly. His smile fell and he looked at me in disbelief. "You're serious?" Tumango ako bilang sagot, "yep, wala akong alam kung paano gamitin 'yon at wala akong perang pangbili. I heard it's expensive and I don't wanna spend my money over nonsense things." "Didn't your parents bought one for you?" Natamaan ako sa tinuran niya, nagbaba ako ng tingin at hindi sinagot ang tanong niya. Why does he have to ask that? "Okay..." he seem to understand that I don't want to talk about that topic, "itatanong ko na lang kung anong sagot mo sa tanong ko kanina." "Anong tanong?" nakahinga ako nang maluwag at nag-angat na ng tingin. "You have a phone now, right?" "Uhuh?" "Can I have your number?" Napakurap-kurap ako, para hindi na siya mangulit ay ginawa ko nalang ang gusto niya. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at binigay ito sa kaniya. "Ikaw na bahala, hindi ako marunong." "This is Ryder's phone," he suddenly said with confusion in his voice. "He gave it to me since his dad got him a new one." Hindi na ako nagtanong kung paan mo niya nakilala si Ryder. I'm sure he met him through Addison. "New sim?" "Ang sabi niya oo raw." Tumango-tango siya at may kinalikot sa dalawang phone, nang natapos ay binalik niya ito sa akin at binalik ko ito sa bulsa ko. "I also saved my number in your phone. "Oh, okay I guess?" Nakakahiyang aminin pero wala talaga akong alam sa paggamit ng phone o kahit iba pang mga gadgets. Baka isipin niya na weirdo ako, required ba na magkaroon ng phone ang lahat ng tao? Importante ba 'yon? Should I start using it now for him? "If I call, answer it okay?" Ngumuso ako at tumango sa kaniya, mukhang napasaya ko naman siya sa sagot ko dahil sa ngiting gumuhit sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD