Chapter Five

3242 Words
Ashley Hindi ako makakibo dahil sa kakaisip sa pansamantalang member ng banda namin. Hindi ako makapaniwala na siya nga iyon, hindi nagkamali ang hinala ko. Unang-una ko pa lang na kita sa kaniya ay may ideya na ako kung sino ito, kumpirmasyon na lang ang motorsiklo at ang plate number nito. Siya si Emmanuel na palaging nag-aabang sa labas ng bahay ni Kosovar upang pakiusapan ito na makausap si Jezer na girlfriend nito. Kasalukuyan kami ngayon ni Addison sa kotse niya, pinadaan ko siya sandali sa bahay nang makuha ko ang cellphone ko at pati na rin ang alkansya ko. Pinagpapasalamat ko na walang tao sa bahay, wala si Mommy at hindi niya na ako mapapahiya sa harap ng kapatid ko. Pagkatapos ay nagtungo kami sa mansyon ng mga Guirero. Kinakabahan ako kahit na hindi naman ito ang unang beses na naparito ako sa kanilang tahanan. Tuwing bumibisita ako rito dahil inimbita ako ni Addison o ni Papa ay tila tambol ang puso ko dahil sa bilis ng t***k nito sa kaba. Natatakot ako kay Tita Ellen, ang asawa ni Papa. Masyadong matalas ang dila niya sa pang-iinsulto at pagpapahiya sa akin. But between her and my own mother, I would prefer her. At least, she's capable of loving her children unlike Mama. "Huwag kang kabahan, Ash, hindi ko hahayaang saktan ka nila Mom." She put her hand on my back and stroked it in a circular manner. "Saka nandito naman si Dad, ikaw kaya ang paboritong anak non. Sa ating magkakapatid, ikaw lang ang matino." Why don't I believe that? Bumaba kami ng kotse niya nang maiparada niya ito sa parking area ng mansyon nila. May mga katulong na kumuha ng mga gamit namin nang makapasok kami sa loob ng mansyon, inutos ni Addison na dalhin ito sa kwarto niya dahil duon ang tungo namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa kalakihan ng mansyon nila. Isa na rin sa dahilan kung bakit tinanggihan ko ang alok ni Papa na tumira rito. Hindi ako nababagay sa ganitong klaseng bubong at magiging sampid lang ako sa pamilya nila kung tatanggapin ko ang alok niya. Maganda ang kwarto ni Addison at kumpleto ang mga kagamitan at furnitures. Dalawa ang kama sa kwarto nito, parehas ang laki at disensyo ngunit magkaiba lang ang kulay. Inaasahan kasi ni Papa na magbabago ang isip ko na tanggihan ang alok niyang manirahan dito. "I think you should remove this other bed out of you room, hindi mo naman 'to ginagamit 'diba?" Umupo ako sa kama ang tinutukoy ako. Ang 'dapat' na kama ko sana. "No, I like this bed in my room para kapag bumibisita ka ay may hihigaan ka, minsan pipilitin kitang makipag-sleep over sa akin." She sat down on her own bed and sighed. "I'm lonely here because everyone in the household are busy to have time for me, even my siblings are busy." "Addison, we talked about this." "I know, I just feel like I'm alone," she pouted. "Can't they have time for me? Ikaw lang ang palaging nan'dyan pa sa akin but why do I feel like you're not enough? That I also need my parents' attention?" Naging malungkot ang mukha niya, nagbaba siya ng tingin habang may luhang tumutulo sa pisnge niya. "Addi..." I moved on the floor in front of her, kneeling, "why don't we tell Papa about this?" "No, no, no..." she shook her head in disagreement, "hindi ko sasabihin sa kanila. Wala silang pakialam sa akin, wala rin silang magagawa. Mas importante sa kanila ang trabaho nila kaysa sa akin na anak nila." "Alright, hindi kita pipilitin, Addison, pero marami kang pwedeng makausap. You have me and our friends, we care about you." Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. "Talk to me when you feel sad and lonely. You can call me anytime, huwag kang magpakain sa negative thoughts mo and whatever you do, don't so something bad." She chuckled bitterly, "I can't help but do something bad. I'm already like this, Ash, masama na talaga ako. That's why people hate me and why my parents hate me." "Addison, listen to me! Don't let your thoughts eat you. Talk to me, reach out to me. I will always be here for you, okay?" Pinahiran ko ang luha sa pisnge niya at ngumiti sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisnge niya at tumango sa akin. Mabuti nalang ay nakikinig siya sa akin, minsan ay natatakot na ako sa mga pinagkikikilos at pinagsasasabi niya. Addison's also suicidal, she once tried to kill herself in a public restroom, thankfully Ryder saw her and managed to save her and talk some sense to her. "I'm sorry, I worried you. Forget all I said, alright? Okay na ako ngayon na nandito ka na." "At palagi lang ako nandito sa tabi mo kapag kaylangan mo ako," I assured her. "But after this lunch, uuwi na ako, ha?" Tumitig lang siya sa akin, nawala ang emosyon sa mukha at naging blanko ito. "I heard you're sleeping over to Kosovar's house sometimes, he never done that to me." Napakurap-kurap ako at natawa dahil may ideya na ako kung anong nasa isip niya. "Hoy, hindi ko type si Kosovar, ano ka ba? May girlfriend na 'yon at masaya silang dalawa." Napalabi ako, bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at pinanliitan siya ng mga mata. "Ikaw nga eh may male friend na hindi ko kilala, that Emmanuel." "Emmanuel's just a friend, nothing more and nothing less. I'm just helping him for a bit, he's been stressed out this pass few days." She sighed, standing up and lending her hand for me. "Let's go downstairs, hahanapin tayo nila Dad." Nakangiti kong tinanggap ang kamay niya, hinila niya ako paalis ng kwarto niya. Habang bumababa kami ng hagdanan ay may tanong na pumasok sa utak ko na hindi ko sadyang masabi. "What's Emmanuel's relationship to Var's girlfriend?" Nakababa na kami nang huminto siya at humarap sa akin, nanlalaki ang mga mata. "What are you talking about?" "Madalas kasing nasa labas si Emmanuel ng bahay ni Var, gustong makausap si Jezer pero gusto niyang humingi ng permiso ni Kosovar para gawin 'yon." Pinanliitan niya ako ng mga mata, pumamewang siya at biglaang ngumisi sa parang demonyita. Nagsitaasan balahibo ko duon ah, kahit na wala akong ideya kung bakit ngumisi siya. "What?" I asked, worried. "Ikaw ah, lumalandi ka na ah! Sumbong pa kita kay Dad, eh!" Sinundot-sundot niya ang braso ko ng daliri niya. "A-anong lumalandi? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" "Kilala kita, Ash, hindi ka basta-basta naki-curious, at kung totoong curious ka man ay hinding-hindi ka magtatanong. Ilang beses mo ring binabanggit pangalan ni Emmanuel, pwede mo namang sabihing 'siya' or 'him' pero Emmanuel ka nang Emmanuel." "Anong masama duon?" Nagtataka kong tanong at napailing dahil sa pagiging walang saysay niyang kausap. "Ayan, gan'yan ka ka-slow kasi wala kang cellphone!" "Oh, oo nga pala, Addi! Look oh!" Tinanggal ko ang pagkakasukbit ng backpack ko sa balikat at kinuha mula rito ang cellphone ni Ryder. "Ryder gave me his old phone for me pero hindi ako marunong kung paano gumamit nito." "Oh my gosh, Ash, may cellphone ka na!" Tumili siya sa excitement at hinablot sa kamay ko ang cellphone at binuksan ito. "Hala, ang dami mong miss calls kay Ryder, sis!" "Talaga? Patingin nga 'ko." Umupo kaming dalawa sa huling baitan ng hagdanan habang nakatingin sa phone ko na hawak niya. "Tawagan mo siya, please! Miss ko na siya!" Tumango siya, pinakita niya sa akin kung paano tumawag tulad ng gusto ko. Ilang saglit pa ay pinindot niya ang speaker icon sa screen na pinagtaka ko dahil wala akong ideya kung para saan iyon. "Ashley! What the actualy f**k, I've been calling you!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Ryder at pagmumura niya. "That button was the loud speaker." Bulong ng kapatid ko sa akin at napatango-tango nalang ako. "Gusto mo ba ng video call, this is the button." Pinakita niya sa akin ang pipindutin para mag-video call, bumungad sa screen ng mukha ni Ryder na nakabusangot. "Ryder, hi!" Addison waved her hand, smiling. "Ashley's with me! Magkasama kami!" Nawala ang pagkabusangot nito at napalitan ito ng ngiti. "Hey, Addi! God, I miss you, guys!" "We miss you even more, Ryde, pwede bang bumalik ka na please? Hindi kami sanay na wala ka rito." Paglalambing ko, hindi ko pa akalin na maluluha ako dahil kausap ko siya. "Please don't tell me you're crying, Ashley. Kakarating ko pa nga lang dito sa Amerika pababalikin mo na 'ko agad, ano ka ba? Tumahan ka na nga d'yan." "Namimiss lang talaga kita eh, namimiss ka na namin agad. Wala nang nanlilibre sa akin dito, wala nang nang-s-spoil sa akin. Si Reece kuripot, si Alonzo madamot, si Addison maldita. Ikaw lang kakampi ko rito!" Dahil sa sinabi ko ay natanggap ako ng kurot sa tagiliran galing kay Addison dahilan para tumawa si Ryder sa screen nang malakas. "Hoy, hoy! Kaylan pa 'ko naging maldita? Magsalita ka d'yan para inaapi ka namin ah, kung tutuusin nga spoiled ka naming lahat, mabuti't hindi ka naging brat." Imbis na matakot sa kapatid ko ay pinagpatuloy ko ang pagsusumbong at pagdadrama ko. "See, Ryde? Inaapi ako nila! Kinakawawa nila ako!" We spent our free time talking with Ryder on the phone, joking and talking about how our day went. It just felt like we're together again and that made me extremely happy just hearing his voice and knowing that he's okay. ... Sa hapagkainan ay hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman at kung anong dapat kong gawin. Sobrang tahimik kahit na marami kaming nagsasalo, tanging tunog lang ng mga eating utensils ang maririnig. Marunong akong mag-kutsara at tinidor ngunit tila nakalimutan ko yata iyon dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na magiging kumpleto silang magpapamilya ngayon. "Nahihirapan ka ba, Ash?" Tanong ni Papa na nasa head ng table, hindi niya man lang ako tinignan habang tinatanong iyon. "Kenzo, why don't you help your sister with her steak." On Papa's left was Addison then me, next to me was Kenzo. Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor na hawak. "No, Pa, kaya ko po ang sarili ko." Pinalitan ko ng eating knife ang kutsara at hinimay-himay ang steak sa plato ko. "Chin up and sit properly, dear." Ani Tita Ellen na pilit ang ngiting binibigay sa akin. Tumango ako at magalang na sumagot, "opo." Inayos ko ang upo ko at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. "Bakit hindi mo pahabain 'yang bangs mo, hija? Nakakasagabal tuloy sa pagkain mo." Sa dami-rami ng pwedeng pag-usapan, bakit tungkol na naman ito sa akin? Bakit kaylangan niya pang pakialaman ang buhok ko? Sinulyapan ko si Papa, hindi siya nakatingin subalit mukhang nakikinig siya sa usapan. "My lola like my hair like this, s-saka gusto ko rin naman po na ganito ang buhok ko." "Bagay naman, Mom, ah? I prefer her with bangs, too." Addison defended me, trying to sound jolly to cut the tension between all of us. "Alright, if that's what she wants then." She shrugged, her fake smile freaking me out. "So, how's the food? Our new kasambahay cooked them, masarap ba?" "I-it's good, Tita Ellen." "Tell me what's delicious about a steak?" Kenzo muttered beside me, annoyed. "Steak lang naman ang nasa plato mo, wala ka bang balak tikman ang ibang nakahain sa hapag? Are you stupid or are you just acting stupid?" "Kenzo!" Papa scolded him, "that's no way to treat you sister. Kung tutuusin, she's more responsible compared to you." Batid kong galit si Papa subalit nainis pa ako sa kaniya imbis na matuwa dahil pinagtanggol niya ako. Siya ang dahilan kung bakit galit sa akin ang mga kapatid ko, because they all think that I'm their father's favorite when it's obviously not. "You're always defending her, Dad, kahit na bastarda lang naman 'yang paborito mo. Anak mo lang sa labas." Kenlo who's sitting beside his Mom added, nodding like what he's saying is fact. I'm not gonna argue to that. Mabuti ay tahimik ngayon si Yvonnie na nasa kabilang tabi ni Kenlo sa hapag, ang nakatatandang kapatid ni Addison na babae. Madalas kasi ay siya ang unang nanlalait at ang mga panglalait na 'yon ay pangungumpara niya sa akin sa nanay ko. "Dahil matino ang responsable siya hindi katulad ninyo sa sakit lang sa ulo." "Hon, Robert, don't talk to our children like that!" Suway sa kaniya ng asawa niya, umiling ito at tinuon muli ang atensyon sa akin. "Let's just enjoy our lunch and catch up with Ashley's life. Ano bang plano mo sa buhay kapag nakapagtapos ka na ng highschool, hija? Are you going to college?" "Nag-iipon po ako pang-college." "That's good. Kamusta kayo ng nanay mo?" Natigilan ako sa pagkain at napatingin sa kaniya, nakataas ang kilay niya at naghihintay ng sagot ko. "Kaylangan pa bang itanong sa kaniya 'yan, Mom? Of course, may kaharutan na naman sa kama 'yang nanay niya at hindi nakapagtatakang ganoon din ang ginagawa niya para makaipon siya ng pera pangkulehiyo niya." And here I thought Yvonnie was turning a new leaf. Pinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang sarili ko. I really hate it when they compare me to my mother and I won't blame them. I blame my mother for everything, this is all her fault for being the person she is. "No." Pinili ko ang maging kalmado. "I work as a waitress in a cafe at day and in a decent bar at night, I also have a band with Addison para kumita." Kalmado kong pinagtanggol ang sarili, pekeng nakangiti. "Pabida at pasipsip kalang talaga." Bumulong-bulong si Renzo sa tabi ko. Hinawakan ni Addison ang kamay ko na nasa taas ng lamesa, she apologetically smiled at me and muttered a sorry. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. I knew that this was a bad idea. ... Nakakapagod magpabalik-balik at magserve ng mga drinks sa mga tao, hindi lang ang katawan ko ang pagod kundi pati na rin ang utak ko. Nang makaalis ako sa impiyernong pinaroonan ko ay tumatak na sa isip ko ang mga sinabi at panlalait nila. Kahit kaylan ay hindi na ako babalik duon, ayoko na. Tama na. Nasa kalagitnaan ako ng pagseserve sa isang table ng punong-puno ng kalalakihan nang may humaplos sa hita ko kaya't napaigtad ako at napalayo sa kanila sa gulat. Natapon ang mga ibang inumin dahil sa ginawa ko at nabasag ko pa ang ilang baso. "Umayos ka nga, Miss!" Biglang tumayo ang isang lalaki na malaki ang katawan na siyang natapunan ng mga alak. May lalaking humarang sa daanan ko sa likod, malaki rin ang katawan at nakakatakot ang mukha. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ito subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Napalunok ako sa takot, tumingin ako sa paligid, nagbabakasakali na may sumaklolo sa akin. Gusto kong sisihin ang uniform ko. Disente naman ito ngunit may kaiklian lang ang palda at nakikita ng kalahati ng hita ko. "I-i'm sorry, sir, papalitan ko na lang po ang drinks niyo. Excuse me po." "Iutos mo na lang 'yan sa iba. Dito ka muna sa amin at paligayahin mo kami." Inakbayan ako ng lalaking nasa likod ko at isinama ako sa pag-upo niya sa upuan. Mas kinabahan ako ngunit naging kalmado lang ang panlabas ko, nagsimulang maglibot ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng mga taong kakilala ko pero sadyang madaming tao ngayong gabi sa bar. Wala akong makitang tao na kilala ko. "Anong pangalan mo, Miss?" Mas inilapit niya ako sa katawan niya. I wrinkled my nose in disgust, he smells so bad, I'm gonna p**e! "Ashley po," nauutal kong sagot, "may trabaho pa po ako. Kaylangan kong—" "Huwag kang mag-alala, babayaran ka naman namin nang mas malaki na sa sweldo mo. Paligayahin mo muna kami, ha?" Bulong niya sa tenga ko. Inikot ko ang mga mata sa table, anim silang lahat at nakakatakot lahat ang mga itsura nila, mga mukha silang adik. Naluluha na ako sa kaba at takot, kinuyom ko ang nanginginig kong kamay nang sekswal na haplusin ng lalaking nakaakbay sa akin ang hita ko. "K-kaylangan ko nga sabing magtrabaho!" Nanginginig ang tuhod ko nang tumayo ako. I tried to make a break for it but the man's arm encircled around my waist and pulled me back that made me sit on his lap accidentally. Naramdaman ko ang hininga niya sa likod ng tenga ko at kinilabutan ako dahil duon. "Ano ba? Sabing bitawan mo ako, bastos!" nagpumiglas ako. Pinilit kong makawala ngunit hindi niya ako hinayaan. Sa oras na 'yon ay hindi ko gustong may makakita sa akin na kakilala ko dahil baka kung anong isipin nila, baka isipin nilang katulad ako ng nanay ko. Kaylangan kong makaalis sa sitwasyon na ito nang mag-isa. "Ang sexy mo, Miss." Pinatong niya ang kamay niya sa hita ko at nang gumalaw ito dahan-dahan pataas ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Siniko ko ito sa mukha, natulak niya ako dahil duon at nadapa ako sa sahig. When someone encircled their arms around my waist, I was alerted but let the person pulled me up anyways, planning to punch him when I come face to face with him. But my mind suddenly went blank when I came face to face with the person that I wasn't expecting. "E-emmanuel..." Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, agad ding bumaba ang kamay niya sa magkabilang gilid niya matapos niya akong tulungan na makatayo at dumistansya sa akin. "Bwisit kang babae ka, babayaran naman kita eh!" Nang makabawi ang lalaking siniko ko ay sinugod niya ako, sinubukan akong hablutin ngunit sinagi ni Emmanuel ang kamay nito, dinampot ang lalaki sa kwelyo at malakas itong sinuntok para tumilampon ito sa lamesa nila. Nanlaki ang mga mata ko at natulala sa sinaryong nangyayari sa harapan ko. Humarap muli sa akin si Emmanuel, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa mga bastos na 'yon. Hinila niya ako papunta sa labas at dinala ako sa parking lot. "Are you okay?" he asked me. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa mga nangyari kani-kanina lang. "O-oo, okay na 'ko. Salamat." "You don't look okay to me, you hands are cold and shaking." Tinukoy niya ang kamay ko na hawak niya, pinisil niya ito na nagpabalik ng atensyon ko sa mga mata niya. "N-nagulat lang ako, nakakatakot." Binawi ko ang kamay ko mula sa hawak niya at niyakap ang sarili. "Maraming salamat, kung hindi ka dumating baka..." "You work here? As a waitress?" I nodded, looking anywhere but him. "Y-yeah." I was uncomfortable because he's staring again like how he intensely stared at me earlier the whole morning. I was even more confused when he removed his jacket off his body, he wagged the jacket only once before putting in around my shoulder. My cheeks turned crimson in shyness, I looked down to avoid his beautiful but scary eyes. This is the second time he did this and it warmed my heart again just like the first time he did it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD