Ashley
Pinunasan ko muna ang pasmado at nanlalamig kong mga kamay bago makipagkamay kay Emmanuel. Nagkasalubong ang mga mata namin habang dahan-dahan kaming nakikipagkamay. After two shakes, I pulled my hand away and looked away from him to Addison.
"He can play with us today, if that's okay with you." She was looking at me like she's manipulating me to say yes by her eyes. It's a thing that she does whenever she wants things to go her way. "But of course, I'm not forcing you, I'm just saying na tutugtog siya sa ngayon kasama natin at kapag nagustuhan mo siya, he can be our replacement for Ryder for the mean time, pero kung hindi, edi hindi. Ganoon lang naman kadali 'yon 'diba?"
"You're pressuring her, Addi," Reece stated.
Bago pa man makasagot si Addison ay sumabad si Alonzo na pumwesto pa talaga sa mismong gitna namin. Napatingin siya sa lalaking kasama ni Addison bago sa akin at nagtaas ng kilay, nagtatanong kung ano ang nangyayari.
I just shook my head at him, grabbed his arm and pulled him away from the center while glaring at him.
"We should start." The only thing I said and walked to the middle of the stage. I felt Alonzo followed my steps and asked me.
"Naghahanap ba tayo ng kapalit kay Ryder?" Mukhang tulad ko ay hindi rin siya sigurado sa ganitong setup. Pakiramdam ko kasi ay mali itong ginagaw namin, pakiramdam ko ay pinapalitan namin si Ryder hindi lang sa banda kundi na rin sa buhay namin.
Inayos ko ang mikropono sa stand, bumaling ako sa likod at hinanap ang mga mata ni Emmamuel.
"Play with us," I told him with a smile.
"Seryoso ka ba, Ash?" Hinablot ni Alonzo ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya. "We can't replace Ryder!"
"Alonzo, wala tayomg choice. Let's be rational, this doesn't mean that we're going to forget about Ryder." Sinigurado kong hindi maririnig ng iba ang boses ko, binawi ko mula sa hawal niya ng braso ko at may pagbabanta na tumingin sa kaniya. "Please, maghanda nalang kayo, sabihan mo sila Reece."
He rolled his eyes, thankfully he chose to obey me instead of arguing with me. Alam niyang matatalo lang siya kung makipagtalo pa siya sa akin.
Masama ang mga tingin niya kay Emmanuel habang kumikilos.ito at inaayos ang bass guitar niya sa speaker habang si Emmanuel naman ay hanggang ngayon ay kasama at kausap ang kapatid ko habang nag-aayos ito ng drums nito.
Seryosong nag-uusap ang dalawa sa isang sulok, hindi ko na napigilan ang sarili ko na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi rin naman sila nagbubulungan at hindi rin nila hinihinaan ang boses nila kaya sa palagay ko ay wala namang masama duon.
"That's it?" I heard him asked my sister.
"Don't be shock, she's nicer and kinder than your ex." Addison pointed at his chest, smirking like she's teasing him.
"She's not my ex."
"It's still the same, you both had a thing in the past... and you probably still have a thing for her until now."
I have no idea what they are talking about and I have no interest in finding that out. Ang alam ko lang ay hindi gusto ni Emmanuel ang pinupuntahan ng usapan nila dahil sa magkasalubong niyang kilay at panga niyang umiigting.
Mukhang hindi naman naglalayo ang edad namin sa isa't isa, masyado lang nakakatakot ang kagwapuhan niya at buong presensya na lalo na kung ang mga mata niya ay nakatutok sayo.
Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa gawi ko, kunwari kong inayos ang mikropono kahit na maayos na ito. Kahit na wala na ang atensyon ko sa kaniya ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa likod ko. Hindi ko magawang masanay at baliwalain ito, hindi ko kayang maging komportable sa mga titig niya.
Addison trust him for a reason, I'm sure his presence will be tolerable when I get to know him better.
Nang tumingin muli ako sa likod ay sinigurado kong hindi magkikita ang mga mata namin.
"Addison, we're starting. Get ready," I informed her.
Hindi rin karamihan ang mga tao, karamihan sa kanila ay mga taong may edad na at mga taong walang matitirhan at dito nalang naninirahan sa plaza. Marami ring magpapamilya na huminto upang makiusisa sa nangyayari. May mga kabataan at tinedyer din na nandito lamang para sa nagagwapuhang mga kasamahan ko.
Marami na nga 'kong mga gwapong kaibigan, may dadagdag pa naman bang isa? Iyon ay kung magiging kaibigan ko siya.
Walang namang bayad 'tong pagtugtog namin, ngunit kung gusto nilang magbigay ng maliit na donasyon ay may box na nasa harapang dulo ng entablado na pwede nilang hulugan.
I wonder why that Emmanuel guy wants to join our small and unpopular band. Hindi siya mukhang mahirap sa akin, sa suot niya ay mukha pa siyang anak ng mayaman. Wala siyang makukuhang benepisyo sa banda namin dahil maliit lang naman ang kinikita namin dito.
"Good morning to all of you!" As expected from Alonzo, of course, he'll seek for attention which the audience gladly gave him with matching tilian, sipulan at hiyawan pa lalo na sa mga kabataan.
"Bakit parang kulang yata kayo ngayon?" Tanong ng isang bakla sa amin nang siyang pinakamalapit sa entablado. "Bakit wala si Ryder?"
Napanguso ako dahil sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ni Ryder. Tumikhim ako bago sagutin ang tanong niya.
"Pasensya na kayo, matagal na mawawala si Ryder, may problema lang siya sa pamilya niya."
Nagkaroon ng mga reklamo sa mga manonood, ang iba ay tumahimik at halata ang kalungkutan at disappointment sa kanilang mga mata.
"For the mean time, si Emmanuel muna ang papalit sa kaniya." Kinaylangan kong tumingin sa gawi Emmanuel na abala sa pag-aayos ng gitara na tila ba walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. "I'm sure he will be as good as Ryder."
Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil sa sinabi ko, I gave him a friendly smile and nodded before returning back my attention in front.
"Anyway, mag-uumpisa na kami. Sana magustuhan niyo ang kakantahin namin."
Ang gusto ko sa mga kabanda ko ay hindi na nila kaylangang magsanay. Nung sinabi kong magagaling sila, hindi ako nagbibiro duon. Kung anong maisipan kong kantahin, alam na nila agad kung paano tugtugin ito, kaya hindi ako sigurado at confident dito kay Emmanuel. Subalit hindi naman siya siguro irerekumemda ni Addison kung hindi ito magaling, 'diba?
"Anong tutugtugin natin, Ash?" Addison asked while playing with her drum sticks by her fingers.
Bihira ka lang makakita ng babaeng drummer, kaya maraming nagkakagusto kay Addison dahil bukod sa kagandahan nito ay dahil iyon sa talento niya. Kung lalaki siguro ako at hindi ko siya kapatid ay na-love at first sight na ako sa kaniya.
"I'm thinking tagalong song. What about Hindi Na Nga by This Band?"
Napatango-tango silang lahat bilang pagsang-ayon sa kantang napili maliban kay Emmanuel.
"I don't know the song."
Natahimik ako sa sinabi niya, inaamin ko na medyo nanibago ako duon at medyo nainis hindi lang dahil sa sinabi niya kundi pati na rin sa paraan ng pagtitig niya. Naiilang at hindi ako komportable sa kaniya, hindi ko alan kung paano sasabihin sa kaniya na bawas-bawasan niya kahit papaano ang pagtitig niya sa akin. Nand'yan naman si Reece at Alonzo... or even Addison! Why does he keep staring at me and only me?
"Pwede naman nating palitan ang kanta, may irerekumenda ka ba?" I asked nicely even when I'm uneasy and weirded by him.
"Pero sa tingin ko ay kaya ko namang sumabay, mukhang gusto mo 'yong kanta kaya iyon nalang."
Nakagat ko ang ibaba kong labi, hindi ko maintindihan kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko dahil lang sa sinabi niya. Maybe he's actually nice? Maybe I should really give him a chance.
"O-oh, alright."
It's risky, but we won't loose anything if we try, right? Walang masama kung pagbibigyan ko siya, mukha naman siyang sigurado sa desisyon niya.
At hindi nga siya nagsisinungaling nang sinabi niyang kaya niyang sabayan ang kanta kahit na hindi niya ito alam. The guy can even strum his guitar professionally with his eyes close! Addison wasn't lying when he said that he's talent is beyond extreme just like the name of our band. This was one of our best plays yet so far, not gonna lie.
Even the audience enjoyed the show because they're all screaming and singing along with me. When we sang another song which Emmanuel was familiar with, he played even better. But that doesn't mean he's better than Ryder, they both have different strategy and style in playing, therefore I won't compare them both to one another.
Kahit ako ay nag-enjoy sa pagtugtog namin, hindi ko inasahan na mag-eenjoy ako kahit na wala si Ryder. Dahil siguro mahal ko ang pagkanta at mahal ko ang musika. Tuwing kumakanta ako ay nababawasan ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko sa problema sa sitwasyon ko. Napapagaan ng pagkanta ang loob ko.
Nang matapos kami ay nagsialisan na ang mga tao, ang iba ay nagpaiwan para magpakuha ng litrato sa amin at lalo na sa mga boys kaya tuwang-tuwa naman 'tong si Alonzo. Hindi gusto ni Reece ang nagpapa-picture pero masyado siyang mabait para tumanggi sa kanila habang si Emmanuel naman ay kahit anong pilit ay ayaw niya talaga. Nakakatawa nga ang ekapresyon ng mga babae nung paulit-ulit silang tanggihan nito.
"Grabe 'to, Ash. Ang dami yatang nagbigay ngayon! Tignan mo nga, naka-five thousand tayo ngayon!" Tuwang-tuwa si Alonzo habang nakaupo sa entablado, nasa kandungan ang box at binibilang ang pera sa kamay niya.
"Ulol ka talaga, Alonzo." Tinawanan ko lang siya at napailing sa kaniya.
Maybe it's because of Emmanuel. Because of his badboy look, his handsome face and especially his talent. He's really good, he knows how to play along with the music even when he doesn't know the song. Karamihan sa mga kantang naisip ko ay hindi niya alam, ilan lang ang kantang alam niya at tuwing alam niya ang kanta ay mas nagiging magaling siya sa pagtutog.
Siguro ay hindi ito napansin ng iba. Matagal na akong kumakanta at matagal ko nang minahal ang musika so I would know.
Napasulyap ako sa kaniya, lumundag ang puso ko sa gulat dahil hindi ko inaasahan na nasa akin na rin ang atensyon niya kahit na ang kaharap niya ay si Addison. Hanggang ngayon ba naman? Bakit ba panay ang titig niya sa akin?
"Maybe it's because of me kaya maraming nagbigay sa atin, dahil sa kagwapuhan ko." Dagdag pa ni Alonzo.
Nalukot ang mukha ni Reece dahil sa pagkadigusto. "Ano ka ba? Ang feeling mo, halatang si Emmanuel ang may dahilan. Kung ikaw ang dahilan edi sana araw-araw na malaki ang kita namin, 'diba?"
Nawala ang ngisi sa bibig ni Alonzo at naging masama ang mukha niya, offended yata. "Palibhasa kasi pinagpalit lang nang ganon-ganon lang ni Ashley si Ryder."
It was my turn to get offended, I looked at Alonzo sadly while pouting. "Huwag naman gan'yan, Alonzo. Hindi ko siya pinagpalit."
"Nagbibiro lang ako, Ash, ano ka ba?" Tumayo at lumapit sa akin para guluhin ang buhok ko tulad ng palagi niyang ginagawa. Sinalo niya ang magkabilang pisnge ko at pinisil ito. "Kaylangan na naming umalis ni Reece, ha? Hinihintay na kami ng mga magulang namin sa bahay."
"Okay, bye-bye sa inyo. Kita-kits!" Yumakap ako kay Alonzo habang nakangiti, sumunod si Reece na nakipag-hand gestures pa sa akin pagkatapos ng hug.
Si Reece lang ang pumunta sa kanila Addison at Emmamuel para magpaalam. Niyakap ni Reece si Addison at simpleng pagtapik lang ng braso ni Emmanuel ang ginawa niyang pagpapaalam dito.
"Kita-kits tayo mamaya, guys!" Addison waved at them while they're walking away.
Nang makaalis na sila kasama ang mga instrumento at mga speaker na walang hirap nilang nabubuhat araw-araw. Mabuti ay kahit wala si Ryder ay nakakaya nila ito na sila lang dalawa. May kotse naman sila kaya hindi na ako masyadong nag-aalala pa para sa kanila.
"Ash, sabay na tayo sa bahay." Biglang sabi ni Addison kaya napaharap ako sa kanila ni Emmanuel.
"Sabay sa bahay? Bakit kasama ako? May trabaho pa 'ko sa cafe, Addison."
"But Dad wants to invite you over for lunch. Come on, miss ka na niya, pagbigyan mo na siya. Don't worry, I will make sure na walang gagawin sayo ang Mommy at ang mga kapatid ko." She convinced me again, holding my hands while giving me her best puppy eyes. "You can't say no to me this time, hindi na kita hahayaang tumanggi. Dad really misses you."
Napabuntong hininga ako, "may magagawa pa ba ako?"
"Yes! Thank you, Ashley!" Niyakap niya ako nang mahigpit. Mahina akong natawa at ginantihan ang yakap niya. Hindi naiwasan na magtinginan kami nj Emmanuel, nakatayo lang ito malapit sa amin habang magkakrus ang braso sa dibdib at pinapanood kaming magpakaptid.
Naghiwalay kami ng kapatid ko na nagngingitian, naputol lang ito nang tumikhim si Emmanuel.
"I'm leaving," he said without emotion in his eyes.
I smiled genuinely at him, "ang galing mo kanina. Salamat for filling up for Ryder, I appreciate it." Nagbaba ako ng tingin, pinaglaruan ko ang mga daliri ko at kahit hindi pa nagsasalita ay nararamdaman ko na agad ang pag-iinit ng pisnge. "If you like you can play with us anytime... or you can take Ryder's role for the mean time just like what my sister wants."
For some reason he looked amused as his lips tugged upwards.
"Of course, iyon din naman ang gusto ko." Kahit ang boses niya ay napakapamilyar. May isang tao na pumasok sa utak ko ngunit gusto kong makasigurado sa hinala ko.
Napangiti ako ng malaki dahil sa sagot niya. "Ah oo nga pala, na kay Alonzo pa ang pera na kinita natin, maliit lang 'yon pero ibibigay ko pa rin 'yong parte mo—"
"No need, wala ako rito para kumita ng pera."
I looked at him, confused, "what do you mean?"
"I forgot to tell you that he," Addison pointed at Emmanuel, "is the mayor's son. He's only here because of his hobby. Wala siya rito para kumita ng pera."
My lips parted in shock. I stared at him, gaping and not saying anything. I was completely speechless, hindi pa rumerehistro sa utak ko lahat ng sinabi ni Addison at naging matagal bago ako makabawi.
"G-ganoon ba?" Tumango-tango ako. "Nasabi na ba ni Addison sayo na may gig kami every night? Makaka-attend ka ba?"
He hanged his guitar case around his body. "Of course, I won't miss it."
"Thank you, Emmanuel!" Natutuwa ako na mabait din naman pala siya, kaya siguro kaibigan siya ni Addison dahil mabuting tao ito na tulad niya.
"Okay, enough with the chit-chats. Baka ma-late tayo sa lunch natin sa bahay, Ash." Hinawakan ni Addison ang kamay ko at hinila ako paalis, tinuro niya ang lalaki at pinanliitan ito ng mga mata habang hinihila ako. "Huwag kang ma-late mamaya, ha? Itetext ko sayo ang location and time."
I waved my hand at him as goodbye one last time. The last thing I saw was Emmanuel smiling, it wasn't a full smile but a half one, but I'll take that.
And beside his smile, I last saw him walking towards a familiar motorbike that I know very well.