CHAPTER 72 EUNICE Pagsapit ng alas kwatro ng hapon,nagulat na lang ako ng sunduin ako ni Alexander kina ate Rosaly. “Sadyang matigas ba talaga ang ulo mo? Di ba, sinabi ko sa'yo nа hindi ka magta-trabaho?" galit niyang salubong sa akin. Nasa labas pa lang siya ng gate. Binuksan ko ang gate upang pumasok siya. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi ko kailangan ang opinyon mo. Kung ayaw mong pumasok, hintayin mo na lang ako sa bahay dahil hindi ko pwede iwanan si Donya Juana rito. Wala siyang kasama rito dahil nasa trabaho si Ate Rosaly," mahinahon ko lang na wika kay Alexander, kahit alam ko na nagtatagisan ang mga ipin niya. "Hihintayin ko si Miss Flores. Ako mismo ang kakausap sa kaniya na hindi ka na niya tatanggapin rito!” mariiin niyang sabi saka pumasok sa gate. "Ako ang may gusto ni

