Episode 71

1711 Words

CHAPTER 71 EUNICE "Aalis na ako maaga akong uuwi mamaya. Susunduin kita rito dahil dadalaw tayo kay Lola," wika ni Alexander sa akin habang abala siya sa pagubuhol ng kaniyang korbata. Nakahiga lang ako sa kama dahil tamad pa akong bumangon. "May niluto akong almusal. Kumain ka na lang kapag ginutom ka. Don't forget to drink your milk," patuloy niyang sabi sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Nakapikit lang ang mga mata ko. Ilang sandali pa naramdaman ko ang paglundo ng kama. Hindi ako dumilat. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa aking dibdib. "Nagtatampo pa rin ba ang misis ko, hmmm?" aniya sabay kiliti niya sa kilikili ko. "Ano ba? Inaantok pa ako. Huwag mo nga akong isturbuhin," kunwari ay naiinis kong pagtataboy sa kaniya. Nakatagalid siya ng higa habang nakaharap sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD