Chapter 74 EUNICE Para akong naistatwa nang pigilan ako ni Lola na umalis. Pgbaling ko sa kaniya ay unti-unti siyang humakbang patungo sa akin. Kinakabahan ako dahil baka sampalin niya ako, subalit ng makalapit na siya sa akin hinaplos niya ang aking pisngi na para bang nasasabik siya na makita ako. Nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata. Hali ka sa loob ng aking silid,’’ yaya niya sa akin at hinawakan ang pulso ko. Hinila niya ako sa loob ng kanyang silid. Nagpatianod lang ako. “Alexander, lumabas ka muna, mag-uusap lang kami ng asawa mo,” striktang ang utos ni Lola kay Alexander. Ang bilis ng pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Lola. “La, baka mamaya sasaktan mo ang asawa ko. Pakiusap huwag mong pagbuhatan ng kamay ang asawa ko kung gusto mo pang makita ako

