Chapter 75 EUNICE "Bianca, puwede ba tayo mag-usap?" turan ko kay Bianca, nang makita ko siya sa balcony. Katatapos lang namin mag-usap ni Lola. "Wala ako sa mood makipag-usap sa'yo, Eunice. Kung tatanungin mo ako ako kung bakit ako bumalik, siguro malinaw naman sa'yo na talagang anak ni Alexander itong ipinagbubuntis ko," taas noo niyang sabi sa akin. Gusto kong ngumiti ng nakakasuya sa sagot niya sa akin. Naaawa at naiinis ako sa kaniya. "Gaano ka ba kadesperada na makuha ang atensyon ng asawa ko, Bianca? Wala ka na bang natitirang kahihiyan sa katawan mo? Alam mo bago mo pagsisihan ang lahat ng ginawa mo, mabuti pa umalis ka na dahil nakakaawa ka," naiinis kong sabi at pang-iinsulto sa kaniya. Subalit gusto ko na rin siyang balaan dahil baka hindi niya matanggap ang mangyari bukas.

