Chapter 79 EUNICE Inasikaso ni Alexander ang bill ko sa ospital at inuwi muna niya ako sa bahay. Pinakiusapan niya si Tita na pag-usapan muna namin ang desisyon na iuwi ako ni Tita sa Cordova, lalo na at buntis ako. kasalukuyan kaming narito sa sala kaharap ang mga magulang ni Alexander at si Tita Mary Ann “Mary Ann, pwede naman natin pag-usapan ang nangyari. Hindi naman inaasahan ni Mommy ang nangyari kay Olivia. Biglaan ang nangyari at hindi naman natin alam na kaya iyon gawin ni Bianca. Huwag ka ng mag-alala dahil mabubulok sa bilangguan si Bianca at wala ng makapanakit kay Eunice. Humihingi kami ng paumanhin sa nangyari sa pamangkin mo, “pakiusap ni Mommy Emilia kay Tita Meann habang nakataas ang noo nito at nakahalukipkip mga braso nito sa kaniyang dibdib. “Responsibilidad ko ang

