CHAPTER 78 ALEXANDER Halos wala akong tulog sa pagbabantay kay Eunice sa hospital. Agad namin siyang isinugod sa hospital. Si Bianca naman ay hinuli ng police. Mabuti na lang at sa balikat lang si Eunice tinamaan ng bala, subalit inoperahan pa rin siya para makuha ang bala na nakabaon sa kaniyang balikat. "Iho, mauwi muna kami ng Daddy mo. Si Lander muna at si Aliyah ang kasama mo rito. Walang kasama ang Lola mo sa mansion. Baka nag-alala na iyon," wika ni Mommy sa akin. Sila ang kasama ko ng isinugod namin si Eunice sa hospital. Si Nathan naman ang sumama kay Bianca sa presento, upang kunan ito ng statement. "Sige, Mom. Ako na ang bahala sa asaw ko,” tugon ko kay Mommy, habang mahimbing naman natutulog si Eunice. Si Aliyah naman ay nasa kabilang gilid ng kama ni Eunice, nakatunghay i

