Chapter 65 Eunice "Ano ba ang nangyari sayo Rafael? Bakit nabulag ka?" tanong ni Alexander kay Rafael. Binigyan kami ng juice ni Miranda na girlfriend ni Rafael. Pinakilala na ako ni Alexander sa pinsan niya. Gwapo si Rafael subalit nasa awra na siguro nila 'yong mukhang masungit. Hindi nga marunong ngumiti. Sabagay, ikaw ba naman ang hindi makakita sa paligid mo ngingiti ka pa kaya? "Mahigit isang taon na siyang bulag," sagot ni Miranda sa asawa ko. Nagtataka ako kay Miranda dahil parang maputla siya. Maganda siya subalit lumalalim ang kaniyang mapupungay na mga mata. Parang may sakit siya kung titingnan. Medyo payat din siya tingnan. "Isang aksidente ang nangyari. Nawalan ng preno ang sinasakyan ko. Akala ko nga alam ninyo ang nangyari," wika ni Rafael na wala man lang reaksyon ang

