Chapter 66 Alexander “Nabulag ang pinsan mo, Alexander? Paano nangyari iyon?’’ tanong ni Mommy sa akin na ikinagulat niya. “Isang taon na pa lang mahigit, Mom. At hindi man lang natin alam ang nangyari sa kaniya,’’ wika ko kay Mommy. “Bakit hindi man lang sinabi ni Victoria sa akin? Ang sabi niya nasa Amerika si Rafael. Kaya, pala hindi nakakapunta si Rafael sa mga meeting sa kompanya ng Mommy niya na naiwan sa kaniya. Ang palaging dumadalo ang personal assistant niya. Kumusta na raw siya? Makakakita pa ba siya?’’ nag-alalang tanong ni Mommy sa akin. “Ang sabi niya may chance na makakita siya, subalit dalawa na raw nag-donate ng mata niya na umurong. Kaya, gusto ko tulungan natin si Rafael na makikita ulit, Mom.’’ Nahawakan ni Mommy ang kaniyang dibdib sa sinabi ko. “Kawawa naman a

