Sabrina SARIWA rin sa isipan ko ang mga araw na wala na akong mahihiling pa dahil nasa akin na ang lahat-- magandang career, ganda, lovelife at ang pag-e-extra ko sa modeling. Samantalang ngayon, parang bigla na lamang iyon naglaho nang dahil isa ako sa hindi pinalad na magkaroon ng magandang paningin. Naaalala ko kung paano ko inabuso ang aking mga mata, kung saan ay pinagpupuyatan ko talaga ang pagbabasa ng libro hanggang sa makatulog. Spoiled brat nga kasi kaya nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Bukod pa ro'n ay masiyado akong na-addict sa online game noon sa aking laptop at habang nagkaka-edad ay napapansin ko na unti-unting lumalabo ang mga mata ko. Ang mali ko lang ay ipinagwalang bahala ko lamang iyon. Sa kabila no'n ay patuloy ang aking maintenance para sa gamutan. Sinabi naman ni

