NAGISING AKO sa pagtunog ng aking cellphone at namulatang wala na sa tabi ko si Sab. Walang tingin-tingin sa screen ay hihikab-hikab pa akong sinagot iyon at hindi ko inaasahan ang boses na bubungad sa akin. "Toph, I'm sorry if I disturb you but, okay lang ba na dumiretso ako riyan?" Boses ni Geofferson ang nasa kabilang linya. Napatingin ako sa wall clock at natanaw ko na alas otso na pala ng umaga. At napabangon ako bago pa man sumagot, "Wait, nasaan ka ba?" "I'm on my way, actually kagabi pa ako hindi nakatutulog nang maayos matapos kong maihatid si Madison." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. May nangyari ba? "Okay sige, I'll wait for you, bro." Lulan nang kuryosidad ay mabilis akong nakapagligpit ng higaan at bumaba ako para silipin ang aking mag-ina. Subalit halos libutin ko

