After two months.. So FAR ay medyo naka-recover na rin si Sab at naiidilat niya na rin ng maayos ang kaniyang dalawang mata. At tungkol naman sa vision ay hindi ko pa masasabing may improvement, dahil kagaya nga nang sinabi ko.. it will takes time. Sa kabila no'n ay naipagpatuloy na rin namin ang aming planong pagpapakasal sa tulong ng wedding organizer na si Mrs. Chennie Bernal at ang wedding designer naman na si Mrs. Laraine Amore. Tapos na rin mapatahi ang magiging wedding gown ni Sab, maging ang venue ng kasal at reception. Sa makatuwid ay tuluy na tuloy na talaga ang kasal namin. Napagpasyahan kasi namin dalawa na unahin ang kasal bago ang binyag ni baby Toph. Gusto ko kasing maging legal na talaga ang apelyidong isasalin ko sa kanilang dalawa. Habang kausap namin sina Mrs. Bernal

