"DR. ANDAL, the patient is asleep now," ani Dra. Zamora na kasama ko ngayon sa operating room. Binigyan kasi ng anesthesia si Sab hanggang sa unti-unti na siyang nakatulog. Dahil sa gagawin naming operasyon ay kailangang tulog siya. "Okay, kindly prepare all the apparatus and medical device that it might use to her," sabi ko habang inihahanda na rin ang mga kakailanganin sa operasyon. Mataman kong tinitigan si Sab sa kabila nang kawalan nito ng malay at bago ko pa man silipin muli ang likod ng kaniyang kaliwang mata gamit ang optical microscope ay taimtim akong nanalangin sa Maykapal na nawa'y maging matagumpay ang isasagawa naming operasyon. And after two hours.. "Successful operation. We did a great job!" masayang wika ko at nagbigayan kami ng palakpakan sa isa't isa. Kagaya kanina ay

