"Girls, Ano sa tingin niyong mas magandang ipapangalan natin sa group? Since may sarili na tayong property. So, what do you think?"
Nagkatinginan kaming apat ng dahil sa sinabi ni Mikaela. Yeah, Tama nga siya dapat nga talagang may itatawag kami sa quarters na 'to and hindi lang 'yun dapat sa group din namin meron.
"Hmp, eh kung Chickalicious Chix." Riyanah said. What kind of group name is that?
"Huwag 'yan masyadong pa'chix." Yeah! Mikaela tama yan.
"The Fabulous Chix."
"Next."
"The Pretty Ladies."
"Duh! Wala na bang iba? Mga suggestions niyo hindi kaakit-akit eh. Walang class."
"Yeah, Michelle's has a point. Just think about any kind of group name but make sure with a class naman." Mikaela said while putting down her pen marker at the table. Yan sige Mikaela reject lang ng reject.
"Eto sure na talaga to, The Fabiulosa Sossy Chix ang ganda diba." Ayan Ryanah hirit pa. Wala kanang nasabing matino mula pa kanina.
"Tsk! Ikaw lang naman ang pa-sossy chix dito kaya wag 'yan, kung wala kanang ma-i-suggest na maganda you better shut up." Raelyne said with rolling eyes. Boom.
"Atleast ako I have so many suggestions here. Eh! Unlike you mapapanis na lang yang saliva mo wala kapa rin na-se'say." Pairap din namang sagot ni Riyanah.
"Oh! enough na, stop arguing okay! By the way, Raelyne any suggestion please? Kayong dalawa na lang ni Michelle ang hihingian ko ng ideas."
Sandaling natahimik ang loob ng confession room. Yeah! We have that here hindi naman kalakihan ang room na to tama lang para saming lima. Other than that we also have Control Room, six computers and a lot of CCTV cameras. Maliban na lang sa mga kuwarto namin ay walang nakakabit na CCTV for our privacy matters.
Napagkasunduan kasi naming lahat na magpalagay ng CCTV cameras sa buong quarters kahit sa mismong labas ay meron din sinadya din talagang dapat malinaw na makukuha ang mga mukha ng mga papasok dito kahit sa kasuluksulukan. Safety first ika nga—
"Hey! Michelle, Are you still with us?" Napatigil ako sa pag mo-monologue ng may biglang tumapik sa kamay ko na pinangtutukod ko sa mesa habang nakasandal dito ang chin ko halos mailaglag ko na nga ang ulo ko dahil medyo napalakas yung pagtapik sakin.
"Ahh eh, yes. Why?
"Yes daw oh! Kahit hindi naman. Your presence is here but your mind is lurking around somewhere else." Malaman na sabi ni Mildred. Hah! My presence is here, but my mind is lurking around somewhere else? Bakit humiwalay na ba yung utak ko sa katawan ko? Tsk.
"Ah, Kasi we need your help Michelle. Baka may naisip kana. Share mo na sa 'min." Mikaela said.
"Okay wait a minute."
So okay! Ano nga bang maganda at mas bagay? Kung i-babase ko ang mga personalities namin dito, it would be a good catch. Hmm, Simple but Classy. Since we all came from a half blooded clan, better use that in our group name. Which one I'm going to choose — The Goddesses of Beauty or The Royal Goddesses?
The Royal Goddesses
"Huh! Wait! Michelle, What did you say? I heard something." Napalingon ako bigla kay Mikaela dahil bigla siyang nag salita ng nasa kalagitnaan ako ng pag iisip.
"You heard what?"
"A whisper, yeah you whispered something like the Royal — what is that? I didn't heard it clear masyadong mahina 'yung pagkakasabi mo."
"Ahh, The Royal Goddesses."
"Yun! yan nga, I like that! simply classy but elegant." Nagulat naman kaming lahat nung bigla na lang siyang napatili. Eh! Sa lalim pala ng pag iisip ko hindi ko man lang napansin na na'i-voiced out ko na pala ito.
"So it's settled then, The Royal Goddesses. That's the name of our group." Raelyne said.
"Yeah! But wait, may kulang pa." What? Mayroon pa? Huh.
"Ahh our code names."
***
Riyanah Ellaine POV,
"Miss. Clinton, nakikinig ka ba?"
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si professor Martinez ang pinaka nakakaantok mag turo dito. Sa lahat ng professor ko ngayon. Bakit ba kasi wala man lang naligaw na kahit isang kaibigan ko sa subject na to?
"Ah, yes. Ms. Martinez." Sagot ko sa kaniya habang kinukurot ang sarili ko ng palihim para mawala ang antok ko.
"Are you sure, Ms. Clinton?"
"Yes, Ms. Martinez" tatanong tanong, mukhang hindi naman naniniwala... sige lang magtanong kapa baka hindi na ako mag dalawang isip na sabihin ang totoo...na sobrang nakakaantok ka po tsk.
Kringgggg.....
Magsasalita pa lamang si Ms. Martinez ng tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Emeged! My boredom here is done... finally makakalabas na rin ako sa room na ito.
Habang naglalakad ako papuntang quarters ay nakasalubong ko sila Drix mukhang parehas lang kami ng pupuntahan hah.
"Hey, Riyanah saan ang punta mo?"
"Ahh, Sa quarters. Andun na yung apat eh, bakit?"
"Sabay sabay na tayo. Doon din kami pupunta sa quarters niyo." Sagot naman nito ng makalapit na sila sa kinatatayuan ko.
"Okay, tara." Sabi ko na lamang at nag umpisa ng maglakad.
****
Maagang nagsipag datingan ang mga nakatataas sa isa sa safe house ng mga ito kasama na ang kanilang mga mahal na asawa.
Kahit kadarating lang ng mga ito sa pilipinas. Galing ang mga ito sa iba't ibang panig ng lugar dahil sa businesses nila, na ng galing pa sa malayong bansa ay pinaunlakan pa rin ng mga ito ang imbitasyon na kanilang natanggap.
Seryosong nag uusap ang mga ito sa malaking Conference Room kung saan laging nagaganap ang kanilang pag pupulong. Kahit simple lamang ang nagaganap na diskusyon ay hindi pa rin pinapalampas ng mga ito.
"So, Zenon, Ano na ang balak natin sa mga bata?" Biglang tanong ni Larex.
"Sa ngayon, hahayaan muna natin ang mga bata sa kanilang ginagawa. kailangan pa nating mas lalo pang subaybayan ang kanilang mga kilos at galaw para makasiguro tayo sa mga kanilang kakayahan." sagot naman ni Zenon.
"Mas mabuti pa nga 'yan. Hindi natin kailangan mag padalos-dalos para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga bata. Higit na prayoridad pa rin natin ang kaligtasan ng mga ito." Pag sang-ayon naman ni Arayah.
"Kung ganon, habang maaga pa lang ay hasain na natin ang mga ito sa lahat ng dapat nilang matutunan." Segunda pa ni Larexa.
"Hindi ba't parang masyado pang maaga para malaman nila ang tungkol sa ganyang bagay?" Sabi ni Heznah.
"Tama si Heznah, baka naman puwedeng bigyan natin ng oras ang mga bata para naman hindi sila masyadong mabigla." Pag sang ayon sakaniya ni Yuri.
***
Mahigit isa't kalahating oras din ang tinagal ng mga nakatataas sa kanilang diskusyon sa huli ay pumayag na rin naman ang iba sa kagustuhan ng dalawa. Dahil sa may punto rin naman ang mga ito. Mas maganda nga naman na bigyan pa ng sapat na oras ang mga bata para mas maging handa ang mga ito sa kanilang nakatakdang gawain.
Isa-isa ng nilisan ng mga ito ang safe house para umuwi na sa kani-kanilang tirahan upang makapag pahinga na rin. Isa pa roon ay malayo ang kanilang tinitirhan sa kanilang Main safe house.
Ang main safe house nila ay nasa isang pinakaliblib na lugar kung saan hindi na nadadaanan pa ng mga tao. Sila lamang ang nakakaalam sa nasabing lugar.
Sa tatlong safe house ng mga ito ay ang main ang pinaka mas mahigpit ang seguridad dahil halos lahat ng importanteng kagamitan at mga dokumento ay napagka sunduan nilang doon na lamang ilagay para na rin maiwasan ang posibilidad na maaari itong makuha... bukod pa rito ang main house ang pinaka safe dahil sa modernong teknolohiyang naka attached dito.
•••