Chapter 7

2460 Words
“Ms. Denver, Hindi ganyan ang tamang paghawak ng baril.” Napalingon ako kay Mr. Tan, nang magsalita siya sa tabi ko. Si Mr. Tan siya yung professor namin dito sa Gun shooting. Kasama rin namin yung limang lalaki... bakit sila ang galing nilang humawak ng baril? Tapos ako hindi masyado. Hirap akong maka-pick up sa mga tinuturo ni Mr. Tan. Sinasabotahe ata ni Mr. Tan yung pagtuturo niya sakin eh! Hustisya naman. Matututunan rin kita tiwala lang. Makikita niyong lahat hmp. Seseryosohin na kita... "Eh, paano po ba? kanina pa kayo sabi ng sabi na mali 'yung ginagawa ko dito. Bakit hindi niyo kaya ako turuan ng maayos." Inis ko ng sabi dito na ikinatingin samin ng mga kasama ko. "Michelle, Kalma ka lang. Hinga okay. Kaya mo yan." Biglang bulong sakin ni Mikaela. Paano ako kakalma kung mukha ni Mr. Tan ang nakikita ko. Siya nalang kaya gawin kong target. Baka dun pa ako makahanap ng kakalmahan na sinasabi mo. Tsk. Sa araw-araw na lumilipas. Habang tumatagal feeling ko pasama ng pasama ang ugali ko dito. Damn. Michelle, anong sabi mo bago ka pumasok dito? Magiging tahimik lang ang pagpasok mo dito at aral lang ganyan, Eh! Anong nangyayari ngayon sayo? Dahil ba to sa atmosphere dito sa University naku! "Paano naman ako kakalma? Sige nga eh! Naiinis talaga ako sa Chinoy na hilaw na yan." Sagot ko naman dito. "Hayaan mo na, Michelle. Pero pag hindi kana nakapagpigil ng inis... sige go barilin mo na." Talagang babarilin ko 'yan. Konting konti na lang ang pasensya ko nauubos din. "Hey! Kayong dalawa kung gusto niyong magbulungan r'yan lumabas na lang kayo sa klase ko." Masungit na litanya ni Mr. Chinoy na hilaw. Aba't... "You know what Mr. Tan, Just shut up! And teach us hindi ka po sinisuwelduhan para maupo lang d'yan sa tabi habang kumakain ng saging" yeah! Oo nga naman. teka... "Hoy! Sabi mo kumalma ako. Tapos ikaw 'tong hindi kumakalma d'yan." Saway ko naman kay Mikaela. Napatingin naman ito sakin at nag peace sign. "Sorry nadala lang ng matinding emosyon." Hala grabe siya oh. Magsasalita pa dapat ako ng biglang bumukas ang pinto. Hindi niya napag-aralang kumatok, tsk. Tuloy tuloy lang sa pagpasok ang guwapong lalaki. Seryoso guys! Ang guwapo niya shocks. Noong nagpaulan yata ng kaguwapuhan si lord sinalo niyang lahat. A well perfectly body built. Perfect Jawline, Tall and Handsome, Handsome and Tall... shems, pareho lang yun pinagbaliktad mo lang Michelle... "Michelle, ang hot naman ng isang 'yan." Pabulong na sigaw ni Riyanah. "He's cute. Sino kaya siya?" Sabi naman ni Mildred. Hindi ko namalayan nasa tabi na rin namin sila Mildred. 'Yung mga lalaki naman nakatayo lang din habang nakatingin sa guwapong bagong dating. “Who are you?" Narinig naming tanong ni Mr. Tan sakaniya. "Shawnjaes Zandrex Nishida." Ah! Ang manly ng pangalan niya bagay na bagay sakaniya... Wait! What? Nishida? How come? We have the same — Nishida is my Middle Initial. "Hey! Ano — Shawn? Are you related to Denver's?" Alinlangan kong tanong dito. Lumingon naman siya sakin tapos tinitigan muna niya ako bago niya sinagot 'yung tanong ko.. His eyes? It's also perfect. "No and why?" Sabi naman nito. Sinagot ko na lang siya ng —wala lang, kita niyo yan napahiya pa ako. Akala mo naman kasi lahat ng ka-apelyedo kamag anak eh! Tsk. Note #1. Huwag kang assumerang froglets. "Sus, Michelle, Para-paraan ka nanaman d'yan." Pagsiko naman sakin ni Riyanah. Para paraan ka dyan, nagtanong lang naman. “Wait! Mr. Nishida, what are you doing here in my class?” Nang magsalita si Mr. Chinoy na hilaw ay nabaling ulit ang mga tingin namin sakaniya... "To learn in your class, Maybe." Maikli at baliwalang sagot nito habang may bored na mukha dahil sa kausap. "Okay then. Let's start again." Mr. Chinoy na hilaw said. While eating banana again. What kind of professor he is? Tsk. *** Matapos ang dalawang oras na pamamaril ko kay Mr. Chinoy na hilaw ayun sa kasamaang palad buhay pa rin siya... joke lang. Pinalabas na rin kami dito dahil tapos na ang klase niya medyo alam ko na rin naman ang tamang paghawak ng baril kahit puro angal ang pinaggagawa ko. Dahil sa reklamo ako ng reklamo na, kesyo ang hirap naman matutunan nito. Kesyo hindi ko matamaan ang target ko. Kesyo puro daplis lang. Minsan nga wala akong natatamaan sa kahit anong target. Dahilan para pagtawanan ako ng mga kasama ko. Habang si Mr. Chinoy na hilaw naman e... minu-minuto akong pinapagalitan. Kanina pa raw siya nagsasabi na mali ang ginagawa ko. Eh! Bakit kasi hindi siya magturo. Sa tingin ba niya habang nakaupo lang siya at nakatingin sa amin may matututunan ba ako niyan. Ano sa palagay niyo? Hiyang hiya tuloy ako kay Cutie Raiden. Sa tuwing sinisigawan ako ni Mr. Chinoy na hilaw e napapatingin siya sakin. Emeged!... Habang sila Mikaela naman ay gustong gusto ng barilin sa tingin 'yang professor namin. Dahil asar na asar na rin sila sakaniya. Si Shawn naman seryoso lang nakatingin sakin. Sa tuwing mapapansin kong nakatingin siya sa 'kin ay bigla siyang mag iiwas ng tingin na parang wala lang. Pero hindi na yata siya nakatiis kaya nilapitan na niya ako. Akala ko kung anong gagawin niya at kung bakit siya lumapit sa 'kin? Yun pala ay tuturuan niya ako. Baka nakaramdam ng awa. Dapat ka talagang kaawaan sa performance mo. 'Yung apat kong magaling na kaibigan hindi matigil sa pagsiko at panghihila ng buhok ko na ipinagtataka ko pa nga. Nang umalis na sa tabi ko si Shawn matapos akong turuan hindi na naman sila matigil sa kakasabi ng galawang 'Michelle Version 2.0' hah! "Para-paraan kana naman." Oh! Diba minsan maiinis ka din sakanila dahil hindi ka nila titigilan sa pang aalaska. Ano bang pinaglalaban ng mga 'to? Cafeteria "Anong order niyo? Kami nalang ni Mildred ang pupunta sa counter." Tanong ni Mikaela ng makaupo na kami sa upuan sa cafeteria na may mahabang table. Sinabi namin sakanila 'yung mga order namin. Carbonara at Soft drinks lang ang akin. Sa kanila naman ay ganoon din. Minsan talaga gaya-gaya 'tong mga to' sakin. Hindi naman kahabaan ang pila sa counter kaya naman mabilis silang nakapag order. Hindi pa kasi tapos ang lahat ng klase. Kaya konti lang ang tao dito sa Cafeteria. Yung klase namin sa Academics ay Monday to Friday lang (MWF). Since lahat ng club ay kasama kami kaya required kaming kunin ang ganiyang schedule. Hindi naman mahirap mas gusto ko nga 'to para pahinga naman ang utak. Dapat talaga one day lang ang pasok sa mga clubs. Pero binago agad ng mga nakatataas ginawang tatlong araw, separated na every Tuesday to Saturday. (TTHS) oh! diba ang saya. Kapag Sunday naman nasa quarters lang kaming apat. Doon na rin kami gumagawa ng mga assignments namin sa academics. Napatigil ako sa pagsubo ng Carbonara ng biglang may mga maiingay na dumating at tumabi samin pagkalapag ng kanilang mga pagkain sa table. "Dito na lang kami kakain hah!" Sabi ni Drix pagkaupo nito. "Oh, Sure." Sagot naman ni Riyanah dito. "Ang konti naman yata ng kinakain niyo. Mabubusog ba kayo niyan?" Tanong naman ni Robi. "Ay baka naman hindi. What do you think?" Pagsagot naman ni Raelyne sa tanong ni Robi. Minsan talaga hindi naiiwasan ni Raelyne magtaray. "Tsk." Sabi na lamang ni Robi dito. Tahimik na lamang kaming kumakain ng biglang basagin ni Drix ang katahimikan. "By the way Guys. That Shawnjaes, bakit kaya siya nakabilang sa klase natin no." Litanya ni Drix pagkatapos nguyain ang kinakaing kanin at ulam. "Hmm, baka naman kasama rin siya sa lahat ng clubs. Kaya nasa klase natin siya diba?" Sagot naman ni Riyanah habang ngumunguya pa. "Ano ba yan Riyanah, kailangan talaga magsalita habang may pagkain pa sa bibig." Asar naman na sabi dito ni Drix. "Tsk. Arte mo naman." Hirit pa nito. "Ngayon ko lang siya nakita dito." Singit naman ni Henry. "Malamang kanina lang siya pumasok sa Gun firing Room." Sagot naman ni Mildred. "Tsk. I mean, dito sa University." Asar namang sabi dito ni Henry. "Transferee nga kasi siya." Pag sali ko na rin sa usapan dahilan para mabaling sakin lahat ang kanilang mga mata. Problema niyo? Matapos naming mag lunch. Sabay sabay na kaming pumunta sa Building ng Martial Arts. Pangatlong klase na namin ito ngayon. Arnis naman ang pag-aaralan namin at ang huli ay ang Car Racing. Nang makarating na kami sa Room, nandidito na rin pala yung Shawn 'yung mala-greek god sa kaguwapuhan. Naupo kaming lima sa kabilang dulo ng room. Malawak rin ang room na 'to para sa aming lahat. May aircon pa. "Uy! Michelle, tingnan mo si Shawn kanina pa nakatingin sayo oh! Type ka ata." Sabi niya sabay Siko sa may tagiliran ko. Masakit yun hah! "Nakatingin lang type agad." Sagot ko naman dito sabay sinulyapan ng mabilisan na tingin si Shawn. "Ay, nag iinarte pa sya oh! Gustong gusto naman niya." Hirit pa nito. "Tumigil ka nga d'yan, baka marinig ka ng tao." Baliw talaga to. "Hoy! kayong dalawa kanina pa kayo dyan aral muna bago 'yan." Biglang sabi naman sa 'min ni Mikaela. "Bakit? Wala pa naman tayong Professor ha." Litanya naman ni Riyanah. Naku! Push mo pa yan Riyanah ng mabatukan ka ni Mikaela Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mikaela ng dumating ang Professor namin para sa Arnis Lesson. Agad agad kaming pinatayo nito para mag stretching. Grabe hindi man lang nag pahinga. Hindi siya 'yung nagturo samin noong nakaraan. Nagpalit na siguro ng Professor. Feeling ko masyadong masungit siyang magturo. Istrikto pa yata. Lagot na! Habang nag pu-push up kaming lahat ay hindi siya matigil sa kakalakad para siguro obserbahan ang ginagawa namin... Ilang minuto na rin kaming ganito ang ginagawa kaya naman sobrang nakakapagod na talaga. Bago daw kasi namin gawin ang pinaka mahirap na parte ay kailangan muna naming matutunan ang basics nito at saka kailangan rin daw namin ng sapat na lakas. Nang hindi kami lalampa lampa sa klase niya. Oh! Diba ang sungit. Naninigaw pa 'yan. Pawis na pawis ako ng patigilin na kami ni Mr. Herman sa pag pu-push up. Pinainom niya muna kami ng tubig para maibsan ang pagka uhaw namin. Grabe sobrang nakakapagod feeling ko nanginginig na ang mga kalamnan ko. Basic pa bang matatawag 'to? "Kids, tama na yang pag upo niyo mag simula na ulit tayo." Rinig naming sabi ni Mr. Herman, Nakaupo ito sa sahig habang naka indian sit. Lumapit na rin kami dito at naupo kaharap namin siya. Hinihintay namin siyang magsalita. Mukhang may pabasa pa yata sa tagal niyang magsalita... "Ok, kids makinig kayong lahat." Kanina pa kami nakikinig sir. Or tamang sabihin, kanina pa kami naghihintay ng sasabihin mo. "Bago ang lahat tatanungin ko muna kayo. Bakit niyo gustong matutunan ang Arnis?" Tanong ni Mr. Herman. "Para sa Self-Defense, Sir." Sagot naman ni Mildred. Aktibo siya oh! "For we to know the ability of these kind of Martial Arts." Sagot din naman ni Mikaela "Okay. Is that so?" Mr. Herman asked. Yes! Sabay sabay nilang sabi, syempre hindi ako kasama dun no. "Okay then, but Kids. Just a peace of advice. Ang Arnis ay hindi basta bastang pinag aaralan lang. Oo kung sa tingin niyong madali lang itong matutunan ay walang problema doon. But, please do not under estimates this kinds of Martial Arts. Ang totoo niyan mahirap din itong pag-aralan lalong lalo na kung wala kang passion sa ginagawa mo. Mas maganda pa rin kapag willing kang malaman ang mga bagay na related dito. At isa pa kapag marunong na kayong gumamit nito. Huwag sana kayong gagawa ng makakasama sa kapwa niyo, gamit ang Arnis na to'. Lagi niyong tatandaan pinag-aralan niyo 'to dahil hindi basta gusto niyo lang. Kundi dahil sa gusto niyo itong gamitin sa maayos na paraan. Maliwanag ba?" Mahabang paliwanag ni Mr. Herman sa 'ming lahat. Halatang nakikinig ang lahat sakaniya dahil seryosong seryoso siya sa pagsasalita habang nakatingin siya samin. "Yes Sir." Sabay sabay naming sabi dito. Ngumiti naman ito pabalik. Aba'marunong din pala si Sir. Ngumiti. Mukhang na-good vibes samin. The Royal Goddesses Quarters Matapos ang lahat ng klase namin sa mga Major Clubs. Napagpasyahan naming dito sa quarters dumiretsyo. Kaniya-kaniyang pagsalampak sa upuan ang ginawa namin. Sobrang nakakapagod ang buong araw na ito. Feeling ko bugbog sarado ang buong katawan ko. Halos humiga na ako sa sofa dahil sa antok na antok na rin ako. Napaangat na lang ang ulo ko ng biglang magsalita sa tabi ko si Raelyne. "Girls, hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganon na lamang makatingin kay Michelle yung lalaki na 'yun?" Biglang tanong ni Raelyne, bakit? Ano nga ba dapat ang ipagtataka namin? Well, sa totoo lang nagtataka din talaga ako sa guwapong lalaki na si Shawn. Kasi sa lahat mukhang sa 'kin lang talaga siya mas madalas tumingin. "Baka naman kasi type lang talaga 'yang si Michelle." Sagot naman ni Mildred. "Oh! Baka naman, may galit siya kay Michelle kaya siya laging nakatingin sakaniya. Baka pinag iisipan niya kung pano siya gaganti." Hah! ngayon ko nga lang 'yun nakita eh, "Sobra ka naman Riyanah, ang advance mo naman mag isip. Tsk." Sabi ko naman dito. "Oo nga, Riyanah minsan hindi rin masamang lawakan ang pag iisip mo. Naku!" Sabi naman ni Mikaela. Yah! Right. "Ang mabuti pang gawin i search na lang natin yung mga informations ni Shawn para may malaman man lang tayong kahit anong tungkol sa kaniya." Mahabang litanya ni Mildred. Oo nga naman good idea. Nice one Mildred. Nandito kaming lahat sa Control Room habang hinihintay naming matapos si Raelyne sa pag se-search niya sa pangalan ni Shawn. "Guys, take a look at this." Biglang sabi ni Raelyne sa gitna ng katahimikan kaya naman napatayo at napalapit kami sakaniya habang tumingin agad sa screen ng computer. "Ano ba yan, lumayo nga kayo saglit hindi ko makita eh." Sabi ko sa mga ito. "Ano ka! Gusto rin namin malaman kung sino sya no. Huwag kang madamot." Hirit naman ni Riyanah. "Shut up! Try niyo kayang d'yan na lang sa malaking monitor tumingin para hindi kayo magsiksikan d'yan." Asar namang sabi ni Raelyne. Ay oo nga no. Name: Shawnjaes Zandrex Nishida Second year College, BS in Architecture Address: It's confidential Other information: It's Confidential Hindi kami makapaniwala sa apat na detalyeng nabasa namin sa malaking screen ng computer. At lalong lalo na sa nasabing address. It's Confidential pa nga. Wow! Mayroon na palang address na it's Confidential. Wala rin naman kaming ibang nalaman. Saka kahit magulang man lang wala rin nakalagay o hindi lang talaga kaya ng powers ni Raelyne na i-hack ang information na para kay Shawn. Mukhang masyado siyang maingat sa pagkatao niya kaya hindi namin malaman ang ibang impormasyong tungkol rito. 'He's more like a mysterious guy. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD