'Girls, let's meet up after class at the quarters.'
Natanggap kong text galing kay Mikaela. Bakit kaya? Ano namang meron? At kailangan pa nitong itext sa 'min. Kahit naman hindi ako itext nito dun talaga diretsyo ko. Siguro may importante syang sasabihin kaya siya nag text. Bahala na nga malalaman din naman namin kung ano man 'yon.
Habang nagtuturo 'yung professor namin sa harapan hindi ko maiwasan maisip yung sasabihin ni Mikaela. Curiousity kill's the cut nga naman tsk. Feeling ko tuloy kating kati na akong lumabas ng room makapunta lang agad sa quarters, kahit nag nagtuturo pa nga si Ms. Perez.
Hindi rin naman nagtagal pinalabas din kami ng professor namin nang mag ring ang bell hudyat na tapos na rin yung class. Naglakad na ako palabas ng room at nag tungo sa direksyon kung nasaan ang quarters.
Habang naglalakad ako ay biglang may kumawit sa braso ko pagtingin ko si Riyanah pala. Tahimik lang kami ni Riyanah habang naglalakad siguro iniisip din nito na kung bakit nag text si Mikaela ng ganun. Sana naman my exciting na mangyayari. Tutal naman wala naman kaming gaanong gagawin mamaya.
Hindi nag tagal nakarating na rin kami ni Riyanah sa quarters. Dire-diretsyo lang kaming pumasok dahil nakabukas naman na yung pinto. Nang makapasok ay sa sala agad kami nagtungo at wala man lang katao tao dito. Ano 'to kami pa lang ba ang nandidito?
"Riyanah, Chat mo nga sila." Sabi ko na lang dito. Baka nga kami pa lang ang nandito... wala kasi akong naririnig na nag iingay.
Nang sabihin ni Riyanah na nasa conference room na pala 'yung tatlo ay nag tungo na kaming dalawa. Kami na lang pala yung hinihintay. Tsk. Nang makalapit na kami sa pinto ng conference room hindi na kami nag abala pang kumatok, kami-kami lang naman ang nandidito. So, what for? Kung kumatok pa kami.
"Hey, Kanina pa kayo?" Bati agad ni Riyanah dun sa tatlo. Pagkaupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Mildred.
"Medyo." Sagot naman ni Mikaela.
"Ano bang pag uusapan natin at bigla kang nag patawag ng meeting?" Tanong ko dito. Kanina pa kasi ako na ku-curious dito eh.
"Okay, since andito na tayong lahat ympisahan na natin." Sagot naman nito.
"So, ano nga?" Pangungulit ko pa dito.
"Let's get some informations later." What the?!
"Seriously, Mikaela."
"Yeah! I'm serious."
"Who?" Tanong naman ni Raelyne." Oo nga sino nga naman ang pag i-spy'an namin kung ganon?
"Shawnjaes Nishida." mabilis din
namang sagot ni Mikaela
"Why naman? Bakit naman natin siya pagkakaabalahan ng oras, Aber?" tanong naman ni Mildred.
Oo nga naman.
"We need to find other information about him." huh, may ganon talaga. Sabagay nakakapagtaka naman kasi talaga na wala kaming nakuhang ibang impormasyon tungkol sakaniya.
"Hmm I think this is exciting." Biglang litanya ni Riyanah.
***
Time: 9:00pm
Where: The Royal Goddesses Quarters
Alas Nuebe pa lamang ng gabi nag hahanda na agad ang limang mag kakaibigan sa loob ng kanilang quarters. Napagkasunduan na rin ng mga ito na dito na lamang sila hanggang sa pag sapit ng alas onse ng gabi. Sa nasabing oras na iyon ay papasukin nila ang Dean's Office. upang kumalap ng impormasyon tungkol sa lalaking transferee.
Hindi kasi nila maiwasan na mag taka kung bakit ganon na lamang ka-confidential ang impormasyon nakalap nila dito. Confidential, oo totoo 'yon dahil 'yung lang naman talaga ang naka-input sa data ng lalaki. Sa gagawin nilang pag pasok sa Dean's Office ay siguradong sigurado sila na may makikita nga silang impormasyong tungkol kay Shawnjaes Nishida. Dahil sa pagkaka alam ng mga ito ay nandun lahat nakatago ang mga documents nang lahat ng studyante ng Universidad na kanilang pinapasukan.
Dahil may curfew ang kanilang paaralan. Naisipan ng mga ito na hintayin na lang mag alas onse ng gabi para naman masigurong wala ng pagala galang security guards sa paligid ng iskuwelahan. At isa na rin sa dahilan ng limang mag kakaibigan na wag na lang muna silang bumalik sa Girl's Dormitory dahil paniguradong wala ng chance na makalabas pa ulit sila ng ganong oras dahil may mga bantay na rin sa dormitoryo pag sapit ng alas dyes.
Hindi rin naman sila nangangamba na mag dodoor to door ang mga securities na naka on duty doon para tingnan kung nasa kani-kanilang mga kuwarto na nga ang mga studyante. Basta mag babantay lang ang mga ito sa paligid ng dormitoryo.
Michelle POV,
Habang nag aayos ako ng mga kakailanganin kong gamit para mamaya dito sa kuwarto ko sa quarters hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement sa gagawin namin mamaya, feeling ko mga secret agents kami na pinadala sa isang lugar para mangalap ng impormasyon tungkol sa isang taong kahina-hinala.
Dalawang araw na ang nakakalipas ng dumating dito ang transferee na si Shawnjaes Nishida at sa dalawang araw na yun hindi pa rin namin lubos maisip kung bakit ito napunta dito at kung bakit ba siya nag transfer sa iskuwelahan na to? Hindi naman sa pinagdadamot ko sakaniya itong iskwelahan hah! Ang sakin lang. What is he's motive? Malay mo na kick out sa dating pinapasukan at ipinatapon siya dito ng mga magulang niya. Tama nga kaya ang nasa isip ko na pinatapon siya dito?
Pero hindi eh, sa guwapo niyang yun makikick out siya? Magagawa ba niyang makick out? Eh! Sa guwapong mukha non wala atang kalokohan na nakatago sa katawan non lalo na yung maamo niyang mukha. Looks can be deceiving. Though he's so serious. Kapag nga pinagmamasdan ko siya from a far. Pero hindi ako stalker hah! Sa ganda kong 'to sadyang nag kakataon lang na nakikita ko siya.
Pagkatapos kung maisuot ang fitted black long sleeve at ang black pants ko ay itinali ko naman ang mahaba kong buhok para hindi ako mahirapan mamaya habang nag bubutingting ng kung anu-ano at para hindi rin humarang sa mukha ko kapag yumuko ako. Sumulyap ulit ako sa salamin para tingnan ang sarili ko dito at ng makumpirma ko na maayos na ang lahat sakin ay napangiti ako at kumindat pa sa sarili kong repliksyon. Ang ganda ko nga naman talaga. Umikot pa ako sa harapan ng salamin at ngumiti ulit ng parang ewan lang, kung may makakakita man sa 'kin ngayon ay baka masabi na lang nito na nababaliw na ako. Pero wala eh! Maganda talaga ako.
Nang magsawa ako sa pagtingin sa sarili ko sa salamin ay kinuha ko na ang cellphone ko sa may side table at lumabas na ng kuwarto ko. Bumaba ako patungo sa sala para doon na lamang sila hintayin. Nang makababa ako sa hagdan nandoon na pala 'yung tatlo. Si Riyanah na lang ang wala dito. Lumapit na ako sakanila at umupo sa sofa at tumabi kay Mildred.
Maging ang mga ito ay purong nakaitim rin para nga naman maiwasan ang mga nagbabantay na maaaring makakita samin. Mabuti na rin na naka itim kaming lahat para hindi hassle. Ahh, maliban nga pala kay Raelyne dahil maiiwan siya rito dahil siya ang mag babantay sa control room para i-hack ang system sa hallway papunta sa Dean's Office.
Yeah, when it comes to technology Raelyne is our brain. Magaling talaga siya sa computers kahit nga siguro hindi siya tumingin sa keyboard ng computer eh, kabisado na nito ang mga letra. At biruin mong parang may makina ang mga kamay niya dahil sa bilis nito magpipindot.
Kaya nga siya yung sinali namin sa Computer Programming Club. Eh, dahil mas bagay sakaniya yun at willing pa syang salihan yun para madagdagan ang kaalaman niya. Ang kuwento pa ni Raelyne sa 'min ay bata palang siya mahilig na syang gumamit ng computer kaya naman madali nitong natutunan ang pasikot sikot nito. At isa pa, sila rin ang may-ari ng Hererra's Smarties Technology Incorporation. At sa palagay ko, company din nila ang supplier nitong University dahil sa mga nakaukit sa mga bawat computers dito na "HSTI" .
Sa tingin ko ayos na rin na sakanila ang mga computers na ginagagamit dito dahil mas gamay niya ang makabagong technology nila ngayon. l'll take that as a big advantanges for us.
Ilang minuto na kaming nandito sa sala at naghihintay sa pagbaba ni Riyanah. Pero ng makita namin itong pababa sa hagdan at naka aura ng mukhang weird tingnan dahil sa suot niyang kulang na lang pag sama samahin ang lahat ng kulay sa pa mula ulo hanggang talampakan. What the hell.
"Riyanah, Bakit ganyan yang suot mo?" tanong dito ni Mikaela. Yeah, bakit nga ba ganyan ang suot mo? Tsk.
"Why? May mali ba sa suot ko? Binagay ko lang naman to sa code name ko no." Maarteng sabi naman nito samin. Malaki ang mali dyan Riyanah.
"Naku Riyanah, Gabi ngayon kaya malamang sa malamang kitang-kita ka dyan sa outfit mo ngayon." Mataray naman na sabi dito ni Mildred. Tama ka nga diyan.
"Huh, maganda naman hah! Kasi kayo wala kayong sense of fashion." Pangangatwiran pa nito sa' min. Sense of fashion? Tsk. Puwede ko bang batukan ang babaeng 'to?
"Riyanah, Hindi sense of fashion tawag dyan. Alam mo kung ano? Sense of stupidity 'yan. Tama bang magsuot ng mala-rainbow na outfit sa kalagitnaan ng gabi. Kaya nga kaming tatlo purong nakaitim dito para hindi makita sa dilim, then you... glow in the dark pa yang suot mo nag iisip ka pa ba ng maayos? Clinton hah!"
Masungit ko ng sabi dito. Kasi talaga naman mangatwiran pa sa 'min baluktot naman. Ang sabi nga ng dating presidente, tuwid na daan ang tahakin hindi baluktot na daan. Siguro hindi nito sinunod ang dating presidente sa daang matuwid. Kaya naman naging baluktot na rin pati pag iisip.
"Magpalit ka na nga sa kuwarto mo Riyanah. Naaalibadbaran ako d'yan sa suot mo." Litanya naman dito ni Raelyne.
"No way. Ilang oras kung pinaghandaan 'tong get up ko ngayon tapos pagpapalitin niyo lang ako." protesta pa rin nito. Mukha ngang pinaghandaan. But still ang panget pa din tingnan.
"Oh, sige kung hindi ka magpapalit hindi ka sasama sa 'min. Maiiwan ka dito kasama si Raelyne." Biglang sabi ni Mikaela kaya naman napangangang bigla si Riyanah kasabay ng panglalaki ng mga mata nito.
"Ano kaba Mikaela, binibiro ko lang naman kayo ang totoo niyan magpapalit na talaga ako. I'm just making a little show here." Mabilisang sabi nito at parang kidlat sa bilis na tumakbo paakyat sa hagdan ka-muntik pa nga itong madulas sa pag mamadali.
****
Andito kami ngayong apat sa may gilid ng hallway nakatago sa may malalagong halamanan habang hinihintay ang sasabihin ni Raelyne sa kabilang linya. May ginagamit kaming lima na earpiece para sa communication namin. Riyanah provided these things a while ago.
Awesome right? Ito pala yung pinagkakaabalahan niya kanina lang kaya pala hindi mahagilap ng mata ko 'tong si Riyanah sa quarters yun naman pala ito ang ginagawa niya. Bukod sa pinaghandaan nito ang outfit niya kuno. Maaasahan din pala siya sa bagay na 'to.
"Ano ba yan, ang daming lamok." Biglang sabi ni Mildred habang walang tigil sa paghampas ng binti nito.
"Eh, sino ba kasing may sabing mag suot ka ng short ng gantong oras? Talagang malamok dito dahil gabi na." sabi naman dito ni Mikaela.
"Wala. Me myself and I. Gusto ko mag short eh." sabi naman nito habang nakasimangot.
"Ano ba huwag nga kayong maingay baka may makarinig sa 'tin. Andun lang sa banda dun yung ibang nagbabantay oh," turo ko naman dun sa apat na securities na magkakatabi habang nakaupo sa may upuan.
"Diba dapat nakatayo sila? Bakit paupo upo lang sila manong guard dyan? Eh! Binabayaran naman sila." Sabi naman ni Riyanah habang nakatingin sa mga securities.
"Malay mo kulang yung suweldo nilang apat kaya umuupo na lang sila para hindi naman sila lugi na magdamag nakatayo at naghihintay sa wala." Mildred said.
"Grabe siya oh! kulang agad. Oh, baka naman hirap na hirap silang tumayo dahil sa mga dinadala nila ngayon." sabi ko naman.
"Bakit, Ano bang dinadala nila?" Inosenteng tanong naman ni Mikaela.
"E'di yung tyan. Kabuwanan na ata ng mga yan dahil tingnan niyo ang laki ng tyan kulang na kulang na yung size ng uniform nila. Saka konting konti na lang puputok na yung uniform nila oh." turo ko naman sa kanila na agad naman nilang tiningnan. At sabay sabay na napahagikhik ng tawa.
"Sabihan mo nga Mikaela kila tita Evengeline na mag provide na sila ng panibagong uniform at padagdagan mo na rin ang size para kila manong guard, kayo na lang kamo ang mag adjust para dun sa apat na guard at para hindi naman nakakahiya sa kanila." Tuloy tuloy na sabi ko dito.
"Got it." sabi naman nito agad habang naka thumbs up pa talaga.
'Pumunta na kayo sa Dean's Office. Iwasan niyo lang ang mag ingay.'
Dinig naming sabi ni Raelyne sa Kabilang linya.
"Copy!"
"Roger!"
Sabay sabay na sagot namin at dahan dahang tumayo at nagtungo sa b****a ng hallway patungo sa Dean's office. Habang naglalakad ng dahan dahan hindi pa rin namin waiwasan ang maglakad ng walang ingay kahit pa mga naka sneakers kaming apat ay medyo may kaingayan pa rin na naidudulot ito, dahil na rin sa gabi at tahimik ang buong paligid.
Ilang lakaran pa ang ginawa namin bago narating ang opisina. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito ngunit sa kasamaang palad ito'y naka lock. Ba yan oh! Hindi man lang nag sabi naka lock pala.
"Oh, pano na tayo dito? Maghihintay na lang ng isang taon at kung mag mimilagro bubukas yan ng walang kahirap hirap." biglang sabi ni Riyanah.
'Huwag tanga, Riyanah. May maliit na box dyan sa may kanan buksan niyo yan at may makikita kayong code number.'
Puna naman ni Raelyne kay Riyanah. HaHa huwag daw kasing tanga Riyanah... ginawa nga namin ang utos ng aming butihin na Hacker. Nang mabuksan na namin ito ay tinitigan lang namin, may mga numbers kasing nakalagay dito at tatlong beses lang puwede mag try.
"Uy, Raelyne anong number ang pipindutin dito? Dali at ang daming lamok dito sa labas." Litanya naman ni Mildred sa tabi ko.
Sinabi naman ulit nito ang code kaya naman ginawa na nga namin ang kaniyang sinabi para makapasok na kami sa loob.
'Passcode, Activated.'
Ay taray may ganon high tech. Eh, nang mabuksan na nga ang pinto dali-dali na kaming pumasok sa loob. Malawak ang opisina na ito may mini library pa dito sa may bandang kaliwa at ang table naman ng Dean ay nasa may kanang bahagi nito. May halaman din na naka disenyo rito sa may gilid ng pintuan. Maayos tingnan ang opisina halatang hindi ito napapabayaan o hindi nakakaligtaan linisin ng mga staffs ng universidad.
'Tama na yang pag na-night seeing niyo. Hanapin niyo na ang dapat hanapin.'
Paalala at sita sa amin ni Ms. Hacker, Raelyne talaga basag kaligayahan eh so yun na nga nag kanya-kanya na kami ng lugar na puwedeng paglagyan ng mga dokumento ng mga studyante na nandidito. Si Mikaela doon naghahanap sa table ng mama niya. At si Riyanah naman nasa may bandang mini library at doon nag hahanap. Tinanong ko pa nga ito kung bakit dun nag hahanap? Aba'y ang sagot ba naman baka may tangang nakapaglagay ng mga files dito or naisingit lang. If I know tamad lang yan maghanap.
Si Mildred naman nasa may bandang sulok kaharap ang medyo may kaliitan na cabinet doon. Habang ako naman ay nandito sa may medyo kalakihang cabinet naghahanap.
'Guys, Careful may paparating.'
Napatigil kaming lahat sa mga ginagawa namin ng marinig namin si Raelyne na nag salita sa earpiece.
"At sino naman? Saan siya papunta dito ba? Anong ginagawa niya ngayon?" Sunod sunod namang tanong ni Mikaela.
"Malamang naglalakad yun." pilosopong sabi naman ni Riyanah dito at lumapit na rin pala ito saming tatlo.
"Hindi oras ng pamimilopo ngayon hah! Riyanah." Asar namang sabi dito ni Mikaela.
'Puwede ba manahimik muna kayo dyan... hindi siya nag iisa
"So, dalawa sila? Kasi hindi siya nag iisa eh." Pagputol naman ni Riyanah sa sasabihin ni Raelyne.
'What the Heck, Riyanah' umayos ka nga. Apat silang papunta d'yan at lalaki sila.'
"So, gwapo ba? Ano sumagot ka guwapo ba? Pang-bench model ba ang mga datingan nila? At — Aray! Naman."
Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin dahil binatukan na ito ni Mikaela... ayaw kasing tumino. Hindi ba nito naiisip na anumang oras pwede kaming mahuli sa ginagawa namin ngayon.
'Hindi ko makita yung mga mukha nila dahil lahat sila may gamit na sombrero. Nasa may pinto na sila ngayon... at isang try na lang mabubuksan na nila yung code.'
Mahabang paliwanag ni Raelyne, oh my gas! pagkasabi niyang iyon ay hindi na kami magkandaugaga sa paghahanap ng puwedeng ipamalo sa mga lalaking iyon. Nahagip ng mata ko ang walis tambo sa may hindi kalayuan at dali dali ko itong kinuha.
Bumalik ako kung nasaan ang mga kasama ko at maging sila ay may mga hawak na rin na ipang papalo. Pagtingin ko kay Mikaela may hawak itong maliit na bakal na tubo. Saan niya nakuha yun? Si Mildred naman hawak hawak ang dalawang libro sa mag kabilaang kamay. Ano? May balak pa syang magbasa sa gantong sitwasyon? Si Riyanah naman may hawak ng dustpan at nakataas pa ito sa ere na parang ready na itong ipanghampas sa papasok. Wow!
Nang marinig naming mag click ang pinto ay hudyat na ito na nabuksan na nga ang passcode nito. Naghanda na kami sa pagpasok ng kung sino mang anak ni poncho pilato na nasa labas. Iniangat ko na din ang hawak ko ganun din naman yung dalawa sa kaliwa.
Nang bumukas na ang pinto sabay-sabay naming ihinampas ang mga hawak namin. Nakarinig naman kami ng mga daing mula dito. Tumigil lang kami ng mabosesan namin ang mga ito at anak ng— familiar ang mga boses nila.
'What the Heck! Awts, awts.'
'Holy s**t! Aww.'
'f*****g hell' Aray putcha!.'
'Aray! Ang sakit...'
"Henry?"
"Drix?"
"Raiden?"
"Mikhail?"
Sunod-sunod naming sabi ng makita namin ang mga mukha nila dahil sa liwanag na nagmumula sa loob. Habang hindi namin namamalayan na naiwan sa ere ang ginamit naming pamalo sa mga ito.
Tumingin ang mga ito sa 'min habang may tingin na hindi makapaniwala ang mga nakaplaster sa mga mukha nila. Maging kami rin naman ay gulat na gulat din sakanila.
"Anong ginagawa niyo dito?" sabay sabay nilang tanong. Dahilan para magkatinginan kaming apat.
"Ah, mag ge-general cleaning lang kami dito, diba Michelle." Biglang sabi naman ni Riyanah habang nakatingin sakin na nag sasabing makisakay ka na lang look.
"Ahh! Yeah, tama nag lilinis lang kami." Dahilan ko na lamang sa mga ito at umaktong nag wawalis walis pa.
"At kayo naman?" Tanong naman ni Drix kila Mildred.
"Hah! Ito oh, nag babasa kami habang sinasamahan namin sila Michelle dito." Sabi naman ni Mikaela sa mga ito sabay agaw ng isang libro kay Mildred at walang pasabing binuklat ang mga pahina.
'Mga palusot niyo, halatang halata... ikaw Mikaela magkukunwari kana nga lang magbabasa d'yan baliktad pa yang hawak mo.' masungit namang sabi samin ni Raelyne sa earpiece.
"So kunwari na lang naniniwala kami sainyo."
Biglang litanya naman ni Henry. Dahilan para ngumiti kami sa mga ito at nag piece sign na lamang. Napailing iling naman yung apat samin at walang paligoy ligoy na nag tanong kung bakit kami nandidito? dahil wala na naman kaming ibang pamimilian kundi ang sabihin na lamang sa mga ito ang pakay namin ay sinabi na rin ito. At isa pa, ganun din pala ang pinunta nila dito.
Kaya naman nag sabay sabay na lang kami sa paghahanap ng files ni Shawnjaes Nishida. Nandito ulit ako sa harap ng cabinet kung saan may mga folders na nakatambak. Inisa-isa ko ang mga ito, naka alphabetically arranged ang mga ito kaya naman hindi ko na ito pinaghiwahiwalay pa.
"Gotcha!" Sigaw ko ng makita ko na ang pangalan ng taong hinahanap namin.
"Talaga nasaan?" Sabi naman nila at dali-daling lumapit sa kinaroroonan ko. Pianlibutan ako ng mga ito at atat na atat na makita ang hawak ko. Binuksan ko ang folder at tumambad sa amin ang mukha ni Shawnjaes,
Isa isa kong ini-scan ang laman ng folder. Matapos kung gawin 'yon ay napasimangot na lamang ako. What the heck! Kung ano yung nakita namin sa pag reresearch ng tungkol sakaniya online ay ganun din ang nakalagay dito.
"Seryoso ba yan? bakit yan lang nakalagay dyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Drix.
"Mukhang seryoso nga nakita mo naman diba." Pilosopong sagot naman dito ni Riyanah.
"Nag sayang lang tayo ng oras dito." Litanya naman ni Mikhail.
"I agree." sabi ko na lang dito.
Nakabalik na kami sa quarters ng may dala dalang hindi maipintang mukha dahil sa pagkadismaya. Nagpuyat lang kami para sa wala. Sa tagal namin doon ay yun lang ang nakuha naming impormasyon. Bakit naman ganun? Hindi makatarungan yun hah! ansabe ng it's confidential na yan?
Umakyat na agad ako ng kuwarto ko upang makapag pahinga na... ngayon ramdam ko na ang pagod sa pinaggagawa namin ngayon. Sumalampak agad ako ng higa sa kama ko at pumikit hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na hindi man lang nakapagpalit ng damit.
•••