Chapter 9

2310 Words
Habang naghihintay ako kila Mikaela dito sa quarters ay naisipan ko na lamang kumain, ang tagal naman kasi nilang apat eh saka may pag uusapan pa kami. Maagang natapos ang klase ko ngayong araw dahil hindi pumasok ang professor namin. Hindi ko alam kung bakit. Maybe may emergency sa kanila or na traffic, I'm not sure. Well, sa layo ng school na 'to hindi maiiwasang mahuli ng dating sa tamang oras. Naghintay pa ako ng mga ilang minuto ng biglang may kumatok sa main door. Ini-lock ko kasi 'yun baka kasi may pumasok na pusa. huh seriously, Michelle? Pusa talaga?! Okay ka lang? Dahil hindi tinitigilan ng kumakatok ang pinto. Tumayo na lang ako para pag buksan ang kung sino'ng taong nasa labas. "Sino yan?" Tanong ko dito ng makalapit na ako sa may pinto. Hindi ko pa rin ito binubuksan at baka isa syang — serial killer na naligaw at napunta lang dito sa quarters, kanila lang pusa ngayon serial killer naman. 'Yung totoo? Michelle, nag iisip ka pa ba ng matino sa mga oras na 'to? "Ang tatay mong kalbooo." Pakanta pang sagot ng kung sinong taong mula sa labas. Aba't ang tatay kong kalbo? Hindi naman kalbo si Papa hah kundi guwapo... tama guwapo ang tatay ko. Sakalin ko kaya ang babaeng 'yan na nasa labas. Nang makita niya ang hinahanap niya. "FYI. Hindi kalbo si Papa. Baka pag nakita mo yun masabi mo na lang— nasa langit na ba ako?." sabi ko naman dito at pinagbuksan na sya ng pinto. "Hi, my dear ang tagal mag bukas hah, tama bang paghintayin ang beauty ko?" Sabi pa nito. Yung totoo Riyanah? Nakalimutan mo na naman bang uminom ng gamot? "Nasaan ang iba?" Habol na namang tanong pa ulit nito. "Wala pa, kaya huwag kana mag tanong. Baka may klase pa yung dalawa. Si Raelyne naman nasa Computer Laboratory kasama yung mga Co-members niya sa club. Mamaya pa raw siya pupunta dito." mahabang sabi ko naman dito, at naglakad patungo sa kusina, gusto ko ng chocolate ice cream. "Ah, kaya pala. Sige hintayin na lang natin 'yung mga 'yun —whoah! ice cream ba yan? Pahingi naman." tuloy tuloy na sabi pa nito at balak pang agawin yung kinakain kong ice cream. "Ano ba, kumuha ka d'yan sa ref akin lang 'to marami pa d'yan. Iba't ibang flavor pa, kunin mo ng lahat wag lang ang Ice Cream ko." OA pang pagkakasabi ko dito. Minsan talaga kapag kumakain ng ice cream nakaka-hyper. "OA nito hah. Sige sayo na yan huwag mo lang ulitin 'yang ka-OAhan mo hindi bagay... kinikilabutan ako. My god!." OA din namang sabi nito at may pa irap pang sabi nito. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Maging siya rin naman ay kinain na rin ang kinuhang ice cream sa refrigerator. Strawberry flavor ang nilalantakan ng isang Riyanah Ellaine Clinton. mabulunan sana siya. Walang pakundangan kung kumain eh lakas niya maka-PG "patay gutom lang eh," Sabay naming naubos ang kinakain na Ice Cream. Tumayo ako para itapon ang aking pinagkainan sa trashbin at nagtungo sa sink para mag hugas ng kamay. Lumabas ako sa kusina kasabay si Riyanah. Napalingon naman kami ng sabay dahil may kumatok na naman sa labas na akala mo naman ay balak ng sirain ang pinto. Hindi ba mananakit ang kamay niyan? "Oh, Michelle pag buksan mo na yan ng pinto baka sila na yan." Utos naman ng babaeng 'to sakin. "Sus, ikaw na kaya mo na 'yan Riyah." Sabi ko naman dito at naupo ng pasalampak sa sofa. "Aba hoy! ikaw na lang. Feeling ko hindi na ako makatayo sa sobrang kabusugan ko eh." pangiwi pang sabi nito. Tanggalan ko kaya siya ng tyan para hindi na 'yan manakit. "Ikaw na lang kasi. Sasaktan kita d'yan." seryosong sabi ko dito. Nang makita niya akong seryosong nakatingin sakanya ay wala syang ibang nagawa kundi ang tumayo na lang upang magtungo sa may pintuan, nakasimangot pa nga ito habang naglalakad. Tapyasin ko kaya nguso niyan ni Riyah. Naman Michelle, habang tumatagal talaga pasama ng pasama ang lumalabas d'yan sa maganda mong bibig. If Dad know about this? You're going to be dead. Nakarinig ako ng ingay, kaya naman lumingon na ako para lamang makita 'yung dalawa na kararating lang. Wala pa din si Raelyne mali-late nga siguro ang isang yun. "Hey, let's start the meeting." Litanya naman ni Mikaela. How sweet! It's nice to see you anyway... sabi ko na lang sa sarili ko. "Teka, pano si Raelyne?" Hindi ko rin natiis ang hindi magtanong. "Susunod na lang raw siya, Na-extend pa ng one hour 'yung meeting nila sa club." Sagot naman ni Mildred. Napa-okay na lang ako at magkapanabay na kaming apat pumunta sa conference room, tinanong ko pa nga 'yung dalawa kung hindi man lang ba sila muna mag memeryenda. Later na lang raw busog pa naman daw sila. What a miracle. Kung tutuusin sila 'tong nangunguna pagdating sa pagkain. Matagal din kaming nag usap-usap dito sa conference room ng mga kailangan gawin. O ano ba dapat ang gagawin? Sa huli ay napag-desisyunan na rin naming lahat na i-assigned na lang ang mga sarili sa bawat parte na laging pinupuntahan ni Shawnjaes Nishida, ang guwapong kahina-hinala sa Universidad na aming kinalulugaran. Si Raelyne naman hindi nag tagal ay dumating na rin ito, nagulat pa nga kami dahil may dala-dala pa itong pagkain at drinks. Mukhang may himala nga talagang nangyayari. Dapat na ba akong mag pasalamat? Tungkol naman sa magiging mata ng pag mamanman kuno?! ay si Raelyne iyon dahil siya ang may mas kaalaman sa technology at pati na rin ang pasikot sikot dito sa Campus. Sa ilang buwan ring pamamalagi rito ay nakabisado na rin naman namin ang bawat kasuluksulukan ng lugar. Mas lalo naman itong katabi ko, which is Raelyne. Ikaw ba naman i-hacked ang buong system ng campus. Ewan ko na lang. Sa mga nag daan din na araw, linggo hanggang sa maging buwan na nga ay mas na trigger kaming mag imbestiga sa guwapong kahina-hinala na yon. Madalas pa nga namin napapansin na ang guwapong si Shawnjaes ay may kausap sa cellphone niya at lumalayo pa nga ito ng mga ilang metro kapag nakikita namin siya... kapag naman minsan mag-isa lang ako na nasa labas. Dahil sadyang ayaw mapirmi ng mga paa ko sa isang lugar. Hindi ko na namamalayan na napapalayo na pala ako sa paligid ng campus. Magugulat na lang ako kapag nakikita ko si Shawnjaes sa hindi kalayuan sa 'kin habang titig na titig pa nga ito at para bang ayaw malingat ang kanyang mga mata na nakatingin sakin. Minsan tuloy naiisip kong may gusto 'yun sakin dahil panay ang pang i-instalk nito sa 'kin kapag mag isa lang ako. Gwapo 'yun at hindi pang i instalk ang tamang term doon. Kundi baka naman isa siya sa mga admirer mo? Nakakadiri ka mag isip, Michelle! Dahil nalaman din ito ng mga butihin kong mga kaibigan, doon na talaga sila hindi tumigil sa pag iimbestiga sa kay Shawnjaes. Mas lumala pa nga ito dahil sa kagustuhan nilang malaman ang pagkatao nito at kung anong binabalak nito. Well, ako din naman gusto ko rin talagang may malaman tungkol sa gwapong yon kaya hindi na ako tumutol pa. Maging sila Mikhail na feeling guwapo ay wala rin tigil sa paghahanap ng impormasyon. Oo feeling guwapo talaga ang lalaking nag ngangalang Mikhail Daemarrell. Ang sungit sungit pa, akala mo naman kung sinong gwapo... Oh, sige na nga gwapo naman talaga. Pero hindi pa rin makatarungan ang kasungitan 'non kahit wala naman akong ginagawa sinusungitan pa ako. Ang laki yata ng problema noon sa mundong ibabaw eh. Tinanong ko naman si Mikaela kung pinaglihi ba si Mikhail sa sama ng loob? Sabi naman niya hindi naman raw. Sadyang may sayad lang daw 'yon kaya nag susungit minsan naman tahimik lang o kaya naman minsan nakikipag-tawanan pa. Hmm Yeah, may sayad nga si Mikhail... **** Mean while... Ang pinag-uusapan naman ng mga magkakaibigan sa kanilang quarters ay may kausap rin naman ito sa kaniyang cellphone... nasa isang lugar si Shawnjaes sa kanilang campus kung saan hindi gaanong dinaraanan ng mga studyante. Nasa pinakalikod siya ng Dormitory para sa mga kalalakihan, kung saan naroroon ang maliit na garden at may nakatayo doon na katamtaman lamang ang laki na fountain. At may lumalagaslas na malinis na tubig dito. Kaya naman napakagandang tingnan... dahil na rin sa matitingkad na kulay ng mga bulaklak at sa mahalimuyak nitong amoy. Naroroon si Shawnjaes sa may likuran ng fountain habang nakaupo ito sa simentadong palibot nitong upuan na purong puti. Naka-de'kwatro pa nga ito at ang isang kamay ay nakapatong sa kaniyang tuhod samantala ang isa pa nitong kamay ay hawak naman ang kaniyang cellphone. "Son, How are you?" tanong sakaniya ng nasa kabilang linya. "I'm okay Dad, Where's Mom?" Balik naman nitong tanong, mukhang ingat na ingat pa itong banggitin ang pangalan ng kaniyang kausap. "Your Mom? She's here, and she misses you alot." "Really?! I miss her too." "Shawnjaes?!" banggit nito sa pangalan ng binata. "Yes, Dad." Seryosong tanong naman nito sa Ama. "Did you saw her?" tanong nito patungkol sa babaeng pinamamanmanan nito sa binata. "Yes, Dad. I saw her earlier. She's with her friends." sagot naman nito sa Ama habang may seryosong boses. "What is she doing?" enteresadong tanong pa ulit nito sa binata. "Roaming around while eating chips." seryosong sagot pa rin nito. Maging sya ay iniisip pa rin kung bakit ito inutos ng kaniyang Ama at Ina. Noong nasa Japan pa siya at doon nag aaral ay pinuntahan ito ng kaniyang mga Magulang. Para papuntahin dito sa Pilipinas at dito na lang mamalagi at mag-aral. Ayaw sana niyang pumayag pero napag isipan rin naman nito na pumayag na lang sa kagustuhan ng magulang para makasama na rin niya ang mga ito. Dahil nakakasama lang niya ang mga ito kapag nag pupunta sa Mansion ng kaniyang Lolo at Lola kung saan siya nakatira. Bata pa lang siya ay doon na talaga siya nakatira. Wala naman itong pagtatampo sa Magulang dahil kapag may oras naman ang mga ito ay pinupuntahan siya. Kaya lang nandoon pa din ang pagtataka niya kung bakit nasa Japan siya, samantalang ang magulang niya nasa Pilipinas. "I see." maikling sagot naman nito sa binata. "Wait?! Dad, hanggang kailan ko 'to gagawin? Ano bang balak niyo sa babaeng 'yun?" sunod sunod nitong tanong sa ama. Bukod kasi sa isinama siya ng mga magulang ay may iba pa pala itong ipapagawa. Ang mag manman sa isang babae na hindi naman nito lubos maisip ang dahilan. Kaya nakapasok din siya sa Universidad na ito. Sa tuwing pinag mamasdan naman nito ang dalaga ay wala naman syang makitang dahilan para gawin ang bagay na gaya nito. Kung titingnan pa nga niya ang dalaga ay parang napaka-amo ng mukha nito at kapag nakikita naman niyang tumatawa ito ay parang gusto niyang mahawa sa pagka masayahin nito. Pero may hindi ito maipaliwanag na nararamdaman na tila ba kilala niya ito. "Until I say so, you don't have nothing to do with her... But, remember what I've told you before don't hurt her. Okay?" bilin pa nito sa binata. "Why?" seryosong tanong pa rin nito. "I can't tell you yet, it's too early to know those thing." Tila naman lalong napaseryoso ito sa narinig mula sa Ama. Bakit naman ganon? Ginagawa ko ang bagay na 'to pero hindi ko alam ang dahilan. Sa loob loob na sabi pa nito. "Fine, Dad." Walang magawang sabi nito sa Ama. "Good. Son, I'll hang up this call... I have meeting in a few minutes. Take good care okay. And just keep on eyeing her, I am just reminding you." "Wait! Dad?" biglang sabi niya sa Ama. "What is it, Son?" tanong nito. "They are trying to find some information about me. And for the record they already had entered my system... But thank god! I had a fast hand to changed other informations in my personal account. Kuwento pa nito sa Ama habang nakasimangot pa ito na akala mo kaharap lang nito ang Ama. Habang ang nasa kabilang linya kasama ang asawang nakikinig sa kanilang usapan ay halos nag pipigil na rin ng tawa. "And Dad, I think that girl and her friends are smart. No, scratch that they are all Smart. In their own ways." Habol pa ulit nitong sabi sa kausap. Nang marinig naman yon ng mag asawa ay nagkatinginan lamang ang mga ito ng makahulugan, tama naman ang binata dahil Matalino naman talaga ang magkakaibigan na 'yun, lalo na ang dalagang pinapaman manan nila sa binata. Though hindi pa nila nakikita ang kakayahan ng dalaga dahil mukhang pa' easy easy lamang ito sa ngayon. "Dad?! Are you still there?" Biglang tanong nito dahil hindi man lang niya narinig na sumagot ang Ama. "Ah, yes! Son." Nakangiwing sagot ng kaniyang Ama. Ganito lagi ito kapag nag tatanong na ang binata ng ganun, nayayamot na kasi ito na akala mo walang nakikinig sa sentiments ng Anak. Kapag kasi nag ku-kuwento ito ay kailangan mag sabi ka man lang ng kahit ano para malaman na pinapakinggan naman ang kaniyang sinasabi. Pero kapag hindi ka nag salita o ano nayayamot talaga ito ng sobra, halos hindi na nga maipinta ang mukha nito sa pagkakasimangot. Mukhang naasar talaga ang kanilang Anak dahil narinig na lang ng mag asawa ang tunog ng kanilang linya na naputol na pala, panigurado binabaan na sila ng tawag ng kausap. Kaya naman mas lalo pang natawa ang mga ito sa inasal ng kanilang anak, akala mo kasi batang naagawan ng paborito nitong laruan. "May pinag-manahan talaga yang anak mo," Sabi ng lalaki sa kaniyang asawa at hinalikan ito sa pisngi. "Yeah, Mana talaga 'yun sayo." Sagot naman nito, dahilan para mapasimangot din ang lalaki at tiningnan siya. Habang siya naman ay natawa na lamang sa hilatsya ng mukha nito. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD