Chapter 10

2302 Words
It's been three months, tatlong buwan na rin ang nagdaan. Masyadong mabilis ang paglipas ng tatlong buwan. Sa dami naming ginagawa hindi na namin napapansin ang paglipas ng araw, linggo at buwan. At sa tatlong buwan rin na yon ay hindi pa rin nawala sa mga isip namin ang tungkol sa kay Shawnjaes Nishida. Yes, sa tatlong buwan na 'yon ay ganun pa rin ang ginagawa namin... but, everythings turned into something... it's more thrilling to be exact. I don't know why?! Its just happened and I didn't know it's coming. for the fast three months, Shawnjaes Nishida the mysterious guy is already part of Mikhail s***h the one who had sayad. Am I really that bad?! So, Shawnjaes the mysterious Guy, is already part of their Group. As what I had said. I don't know why?! Basta, nalaman na lang namin na kasali na siya dun, Drix explained to all of us that... tito Gray Evan, wants him to be part of us, to be one of the member of... Mikhail's group. Before, the boys are still refusing what's Tito Gray Evan said, but, tito and tita's already made up their planned. Kaya naman wala na rin silang nagawa kundi ang tanggapin na lamang si Shawnjaes. Dahil sa tagpong 'yon, natutunan na rin naming mapalapit sakaniya. Though, hindi siya 'yung tipo ng tao na madalas kung magsalita o makipag-usap sa isa man sa 'min. Parang nandoon pa din 'yung pagka ilang, ganoon din naman kami sakaniya. Pero kung minsan naman ay hindi na lamang namin pinapansin ang pagka tahimik ng atmosphere kapag kasama siya. Parang nasanay na kami sa ganoong sitwasyon na parang may sarili syang mundo. At ito pa, bagay na bagay silang magsama ni Mikhail na may sayad. Dahil nagkakasundo sila tulad na lang ng pananahimik sa isang tabi at walang pakealam sa paligid nila kahit napaka ingay na nito. Minsan naman nakikisali sa usapan namin pero mas madalas silang walang komento. Kung hindi ko lang alam na si Mikhaela ang kapatid nitong si Mikhail baka silang dalawa pa ang mapagkamalan kong tunay na magkapatid. At hindi si Mikhaela, pero yun nga lang kambal sila Ni Mikhaela kaya ang masasabi ko na lang hindi talaga sila magkapatid... sadyang parehas lang sila ng gusto ni Shawnjaes kaya madalas silang mag kasundo. "Hey Azey, Nakikinig ka ba?" Napatigil ako dahil biglang nag salita at hilain ni Red ang buhok ko. Kaya naman napatingin ako ng masama dito. "Bakit ba?" "Ah, So hindi ka nga nakikinig sa sinasabi ko. Kanina pa ako salita ng salita rito pero ang masaklap wala naman palang nakikinig sa 'kin... dapat na ba akong maiyak sa mga oras na 'to?" Mahabang litanya nito habang nakahawak pa sa tapat ng dibdib. Grabe siya oh, ang OA. "Ano bang pinag sasabi mo d'yan? Sana kasi kung may sasabihin ka... mag abiso ka muna para naman hindi ka nag mumukhang timang d'yan." Mahabang sabi ko rin dito. Kaya nga hindi ako tumabi kay Riyah dahil isa pa 'tong parang ewan. Pero mali yata ako ng napiling tatabihan. Dapat pala si Mikhaela na lang ang katabi ko medyo matino pa 'yon kesa dito sa dalawa. Kung kay Rae naman, jusku?! Mas gugustuhin ko pa yatang matulog na lang sa biyahe kesa mag hintay na kausapin ako nito. But at the same time, natuwa ako dahil si Riyah ang katabi nito dahil hindi kasi si Riyah makapag ingay dahil sa bawat pag iingay niya ay siya namang walang tigil na pag sasaway ni Rae. Sabi pa nga nya sa 'kin— "Azey, Palit tayo. Dito kana lang sa tabi ni Rae." halos nag mamakaawa ng sabi nito, kaya matawa tawa na lang kaming lahat dahil sa ekspresyon ng mukha nyang parang iiyak na. "Ang sabi ko, kung maganda ba sa Nasugbo, Batanggas?" "Aba, malay ko. Hindi pa naman ako nakapunta doon no." Ako pa talaga ang tinanong ng isang 'to. Ah! oo nga pala papunta kaming sa Nasugbo... halos lahat ng estudyante sumama sa Field Day and yes, meron kami niyan. Ang sabi kasi kada lipas da ng tatlong buwan ay may pinupuntahan ang School na lugar para makapag unwind ang mga estudyante. Isang Linggo nga daw ang itatagal namin don eh. Pero ang sabi naman ni Mikhael ngayon lang raw niya nalaman na may ganto pala, pabago bago raw kasi ang gustong ipatupad ng parents nila na sinang-ayunan naman ng mga may hawak ng iba't ibang shares sa school na 'to. Halos lahat ay sumama papuntang Nasugbo. Siguro mga nasa lampas sampu ang gamit naming bus dahil sa dami ng estudyante. Para naman saming magkakasama sa lahat ng clubs. kasama na doon sila Mikhail na may sayad. Pati na rin si Shawnjaes ay kasama din namin ito sa bus. Hindi naman boring dahil maiingay ang mga kasama ko at advantages na rin 'yon dahil hindi kami nagkakailangan dahil kilala na namin ang isa't isa. Halos mag tatalon na nga kami sa tuwa dahil kahit isa sa 'min ay hindi nahiwalay ng sasakyan na bus. **** Two hours Later.... Naalimpungatan ako ng gising dahil nakarinig ako ng mga ingay sa paligid. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko para makapag-adjust. Pag mulat ko, gulat akong napatingin sa mga kasama ko dahil halos lahat ay may namumutlang mga mukha. Anong nangyayari? Maliban na lang sa mga kasama naming mga lalaki na parang walang pakealam. "Hey Red, Bakit ka namumutla? Anong nangyayari sainyo?" takang tanong ko sakanya dahil siya ang katabi ko. "Jusku, Azey. Nakidnap na tayo't lahat lahat, wala ka pa ring alam?!" sigaw nito. "What?! Nakidnap? Seriously, Red?!" gulat kong tanong. "Oo. Tingnan mo nga oh, iba na 'yung driver tapos tingnan mo din ang daming naka black. Saka grabe yung mga mukha nila." O.A ng sabi nito. "Pangit?" hirit ko naman. "Gaga, syempre hindi. Try mong tawagin ikaw na ang humusga sa itsura nila." Utos naman niya habang nakatingin sa mga naka black na leather jacket at nakamaong pants na hapit na hapit. So kaya ayun sumigaw ako para makuha ang atensyon nila ng lumingon naman ang mga ito ay kulang na lang mahulog ako sa upuan. Shems, kidnapper ba talaga ang mga 'yan? "What the Hell?! Kidnapper ba talaga ang mga 'yan? Feeling ko mga models sila eh." komento ko naman. "Yeah, kidnapper nga talaga 'yan walang halong biro... kanina nga hindi rin kami naniniwala dahil hindi naman mukhang goons. Kasi diba sa pelikula madalas ang mga kidnappers is yung mga pangit at higit sa lahat mabaho. Pero wag ka try mong palapitin dito. Para kang lumulutang sa cloud nine ang bango nila." Mas over reacting pang sabi nito kaya naman napangiwi na lang ako. Pero seryoso kung ganyan naman ke-guwa-guwapo ay walang pag aalinlangan mag papakidnap talaga ako ng bonggang bongga, baka ipagpilitan ko pa ang sarili ko sakanila para kidnappin nila. “Gutom na ako!” Biglang sigaw ni Riyah, makasigaw naman 'to tadtarin ka ng bala ng mga 'yan ingay mo eh. Tumingin ako sa unahan at napanganga na lang ako dahil ilan sa mga kidnappers ay may inilabas na mga pagkain... may balak ba silang mag distribute ng foods? Tamang tama gutom na rin ako. Matapos kaming bigyan ng mga pagkain. Masasabi ko lang, mabango nga talaga sila. Emeged! At guwapo nga talaga. Pero hindi pa rin sila makakalamang kila Shawnjaes at Raiden... sige na nga sama na rin na 'tin si Mikhail na may sayad. Hindi ko pa rin kinakain ang mga binigay nila sa 'min dahil baka may kung ano silang nilagay dito at ikamatay pa namin 'yun. "Hey, Wala bang lason 'to?" Sigaw ko para malinawan na ang pag iisip ko at ng makakain na. Tumingin naman sila sa 'min at nagsipag ilingan, seryoso pa rin ang mga mukha nila kaya medyo scary tingnan. Inumpisahan ko ng kumain, infairness ang sarap hah! Mainit init pa. Mukhang kaka-order lang nito. Mabilis akong kumain ng sunod sunod dahil gutom na talaga ako. "Wala po bang kahit tubig man lang d'yan?" Sigaw ni Riyah kahit may laman pa ang bibig nito dahil sa kinakain. Agad din naman kaming inabutan ng tubig kaya agad rin namin ininom yon. Hah! Kung ganito naman pala lahat ng kidnappers sa mundo eh, sino na lang ang aayaw mag pakidnap? Matapos naming kumain ay tahimik lang kami sa kaniya kanya naming kinauupuan. Hindi na lang namin pinapansin yung mga kidnappers dahil wala naman silang ginagawa sa 'min kaya okay lang, bahala na kung saan kami dalhin ng mga 'to kaya na naman naming depensahan ang mga sarili namin dahil sapat na rin ang kaalaman naming lahat. Ilang oras din ang nag daan bago tumigil ang bus na sinasakyan namin kaya naman napaangat ako ng likod ko. Maging ang mga kasama ko ay ganun na rin ang ginagawa. Nang makalabas sa bus, mangha akong napatingin sa Malaking Mansion gawa ito sa Sementong purong puti. White House ba 'to? Iginala ko ang mga paningin ko sa malawak na lugar. Ang masasabi ko lang ay sobrang ganda dito walang panget, walang tapon lahat ay mukhang gawa sa mamahaling materyales. Shems, sa mga kidnappers ba 'to? Hide out ba nila 'to? Ang sosyal naman kung ganun. Ang yaman na nga nakuha pang mangidnap ng mga magagandang katulad ko. Lumingon pa ulit ako at nalaman ko na lang na wala na pala 'yung mga lalaking kumidnap sa'min... dapat ba talaga akong maniwala na kidnappers sila? O baka naman may super powers talaga sila dahil bigla bigla na lang silang nawawala... Teleportation ba ang tawag dun. Nakakaloka ha, sa paglingon ko pa ulit ay nakita kong mag kakasama na pala sila Mikaela ako na lang pala ang nakahiwalay sa kanila. Nakatayo lang sila doon habang nakatingin sa white house, kaya lumapit na lang ako sakanila. Matagal din kami sa ganun puwesto at hindi man lang nagtatangkang umalis. Ngunit gulat kaming nag kahiwa-hiwalay dahil sa bigla na lang may mga nag paputok sa direksyon namin pero hindi namin nakikita kung sino ang mga nag papaputok . ohmygosh! Katapusan na ba ng buhay ko? Mawawala na ba ako sa mundong ibabaw? Hindi ko na ba makikita ang mga magulang ko? Dapat ko na bang umpisahan ang mag dasal? Ilan lang 'yan sa mga katanungan ko habang tumatakbo ako para iwasan ang mga balang tatama sa katawan ko. Naghahanap ako ng puwedeng pagtaguan pero wala akong makita kung meron man ay sobrang layo niyon. Takbo lang ako ng takbo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Napapasigaw at napapamura na din ako dahil sa gulat. Hindi ko na nga alam kung ano na ang nangyayari sa iba basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na 'to pero hindi ko naman alam ang daan palabas. Nagpabalik balik lang ako sa lugar na napuntahan ko na para lang makailag. Jusku, naniniwala na talaga akong kidnappers sila. Dahil sa ganito ang nangyayari. Looks can be deceiving, nga talaga s**t! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Napasigaw ako ng malakas ng may biglang humawak sa pulsuhan ko at hatakin ako nito papunta sa kung saan. Nauuna ito sa 'kin, matangkad at well built ang pangangatawan ng lalaking ito lumingon ito sa 'kin at nanlalaki ang mga mata kong nakatingin rin dito. "What the Hell?! Azey, wala na bang ibibilis yang takbo mo?" Sigaw nito sa 'kin habang nakakunot ang noo. "Hoy! Eh bakit ka kasi bigla bigla na lang nanghihila d'yan? Sana nag sabi ka man lang na hahatakin mo pala ako at isa pa, baka gusto mo lang talagang hawakan ang kamay ko." Balik na sigaw ko din dito habang tinatapunan siya ng masamang tingin. Sa lahat ng manghahatak sa'kin talagang si Mikhail na may sayad pa. Asan ba si Raiden? Sana siya na lang. Sana siya na lang ang nandito. Sana siya na lang ang humahawak sa kamay ko. "Hoy ang taas din naman ng confident mo. Para naman gusto ko talagang hawakan 'yang kamay mo sa totoo lang 'yang kamay mo napaka— gaspang. Mahiya ka naman." Ano?! Ang kamay ko magaspang? What the fudge! Hindi naman magaspang ang mga kamay ko hah?! Sa katunayan sobrang lambot pa nga nito. Eh, kung tinatadyakan ko kaya ang lalaking 'to para naman matauhan? Ang kapal ng mukha niyang husgahan ang precious hand ko. How dare him! "Hoy! hindi magaspang ang kamay ko no. Tadyakan kaya kita d'yan." Balik na sigaw ko rin dito. Hindi namin napansin na wala na palang nag papaputok pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagtakbo. Dahil sa pagsisigawan, hindi namin namalayan na wala nang ingay ang ng gagaling sa mga baril. Napahinto kami sa pagtakbo ng may bigla na lang pumalakpak ng sabay sabay mula sa itaas ng terrace ng Whitehouse. Napatingala kami sa taas at gulat ng makita kung sino ang mga taong iyon na walang tigil sa mabagal na pag palakpak pero sapat na para marinig namin ito mula sa baba. Halos mapanganga kaming lahat sa nakikita. Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? At anong ibig sabihin nito? s**t?! Sila ba ang may kagagawan nito? Pero paano? Bakit nila ginawa 'yun? Sigurado ba akong sila yun? Ang daming gumugulong mga tanong sa isip ko na hindi ko malaman kung ano ba ang mga sagot sa lahat ng 'yun. Mas lalo akong nagulat ng may biglang sumigaw sa may bandang likuran siguro ng— "MOM, DAD?!" Gulat akong napalingon sa likuran at mas lalo pang nagulat ng malaman ko kung sino ang taong sumigaw. Paanong? Paanong naging magulang niya sila? Napatingala ulit ako sa taas at nakita kong ngumiti ito sa taong tumawag sa kanila. Lito at gulong gulo ako sa nakikita ko. Halo halo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ang gusto ko ngayon ay malaman ang lahat ng gumugulo sa aking isipan. "Finally. Our childrens are here... we should celebrate." "Yeah. Let's Celebrates..." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD