Chapter 11

1658 Words
“Mom, Dad?!” Halos lahat kami nagsipaglingunan sa likod ng may biglang sumigaw ng ganoon. Nang malaman ko kung sino ang taong sumigaw ay laking gulat ko na lamang. Nakatingin lang ito sa taas na para bang may tinitingnan na kung sino. Kaya naman sinundan ko rin ng mga mata ko kung saan ba ito nakatingin at laking gulat ko na lamang ng makita ko na ang mga taong iyon halos mapanganga pa nga ako dahil ang tinitingnan nito ay ang mga magulang ko. Nakita ko rin ang pag ngiti ng magulang ko sa lalaking ito bakit niya sila tinawag ng ganoon? Sa pagkakaalam ko magulang ko sila. Hindi sakaniya. Ang daming katanungan sa isip ko, pero hindi ko naman iyon magawang itanong. Natatakot ba ako? O naduduwag lang akong mag tanong ng kung anong gumugulo sa isipan ko ngayon-ngayon lang. Sino bang talaga ang lalaking ito? Ano bang ugnayan na mayroon siya sa mga magulang ko? Bakit niya ba sila tinawag ng ganoon? Para saan ba 'yon? Sa mga oras na ito binabalot na ako ng pagkainis dahil nag mumukha akong walang alam sa mga nangyayari. Ah! Mali, wala naman talaga akong alam sa mga nangyayari talaga eh. Maski ito ngang pagkidnap 'kuno' samin ay hindi ko rin naman maintindihan. Tapos malalaman ko pang nandito rin ang mga magulang namin at ang higit pa doon ay susulpot sila para palakpakan lang kami. Anong akala nila samin? Performer kami na kailangan pang palakpakan, ganoon ba 'yon? Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan eh, lalo na ang sarili kong magulang hindi ko na sila maintindihan. Oo tama hindi ko talaga sila maintindihan kung minsan dahil bigla bigla na lang silang nawawala at sasabihing may business trip sila sa ibang bansa. At kung minsan pa nga sinasabi nila sakin na— may dapat akong malaman, pero hindi pa ito ang tamang oras at panahon. Ah, ano yon may malaking misteryo bang nakabaon sa malalim na lupa na kapag hinukay ito ng wala sa tamang oras o panahon may mangyayari bang masama? Hindi ba maganda ang kalalabasan nito kapag nalaman ko ng mas maaga? Ang bagay na yon pero bakit? Ano bang dahilan? Natigil ako sa pag iisip ng bigla na naman nag salita ang lalaking ito sa totoo lang gusto ko na talaga itong sugudin at pagsasapakin, dahil inaagaw nito ang kung anong sa 'kin. Bakit ba siya ganyan? Minsan na nga lang syang umimik pero hindi mo naman magugustuhan ang lumalabas sa bibig nito ngayon. Mas gusto ko pa atang itikom na lang niya ang bibig niya pang habang buhay. Hindi porket gwapo siya at masyadong misteryoso ang pagkatao niya puwede na syang mag salita ng ganyan. Naiinis na talaga ako. Feeling ko pinaglalaruan ako. Pinaglalaruan ako ng mga taong nakapaligid sa 'kin mula pa noon. May hindi talaga ako alam sa mga nangyayari. “Mom, What are you two doing here?” Hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko sakaniya sa mga oras na 'to pilit kong pinakatitigan ang mga mata niya para malaman kung seryoso ba talaga ito? Pero sa nakikita ko seryoso talaga siya dahil ang emosyon na nakikita ko dito mula pa kanina ay pagtataka at nagtatanong ang mga mata na tila hindi rin ito makapaniwala na nasa harapan niya ang kinikilala nyang magulang na magulang ko din. Napasimangot na talaga ako ng todo. “To reveal the mystery, Son.” Makahulugan na sabi naman ni Dad habang nakangiti pa ito na akala mo naman nanalo ng isang milyon sa lotto. “To reveal what?!” Magkapanabay pa namin na sinabi ng lalaking ito nagkatinginan lang kami. Hindi ko alam kung bakit ko ba sya inirapan, pati ba naman sa pag sasalita gaya-gaya pa rin siya. “Mystery.” Sabi na lamang ni Dad at tiningnan pa kaming dalawa na parang nag sasabing— kailan pa kayo nabingi? Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa tingin na iyon ni Dad. Mystery? To reveal the mystery?! Ano raw? Tama ba talaga ang narinig ko? O nabibingi na nga talaga ako? O Masyado lang akong indenial. Alin sa dalawa? “Ampon ba ako?” Hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang tanong kong iyon hindi naman dapat yon ang itatanong ko eh, pati ba ang sarili kong bibig pinaglalaruan ako? “Am I eligitimate child?” Hindi ko na naman naiwasan ang mapatingin sa lalaking ito. Kung ako iniisip na ampon ako. Eh, mas malala rin pala ang naisip nito, biruin mong sabihin ba naman Anak ba ako sa labas? Pero feeling ko mas okay, pa iyon kesa sa naisip ko na isang hamak lang akong ampon. Sa sinabi namin na iyon ay bigla na lang natawa sila Mom and Dad, ang lakas pa ng tawa nila. Ano bang problema nila? Tuwang tuwa pa sila. Eh, kami nga halos gusto ng mag sapakan sa mga tinginan namin ng lalaking ito na nasa harapan ko na ngayon. “Ang lawak niyo talagang mag-isip na dalawa.” Natatawa pang sabi nito. Nakuha pa talaga niyang tumawa sa lagay na yan hah. Kung hindi ko lang siya tatay baka nabato ko na siya ng sapatos ko. Hindi niya ba nahahalata na naiinis na ako dito?! “Ano nga kasi, Dad? Naiinis na po talaga ako dito hah!” Hindi ko napigilan ang sarili ko ng sabihin ko yon ngumiti lang naman silang dalawa sa 'kin kaya mas lalo pa akong napasimangot. “Bakit mo ba sila tinatawag ng ganyan? Magulang ko sila hindi sa'yo.” Biglang sabi rin ng lalaking katabi ko na ngayon. Ang sama sama ng tingin nito sakin na para bang gusto akong tunawin sa mga tingin nyang iyon... eh, kung dukutin ko kaya ang matang yan? Para wala na syang makita pa. “Hoy! Ang kapal mo din naman no. FYI, for your information. Baka hindi mo pa alam. Magulang ko sila hindi sayo. Wag kang mang aagaw. Akala ko pa naman sa telebisyon lang may mang aagaw. Pati ba naman sa reyalidad meron pa din. Wow, just wow!” Sarkatikong sabi ko pa rito na sinabayan ko pa ng pag-irap para malaman niyang nababadtrip na ako sakanya na umaabot na sa puntong gusto ko na siyang ihampas sa bato para magising naman siya sa katotohanan. Mukhang naalog ang utak niya. Sa panahon na hindi ko pa siya kilala. “Baka ikaw ang kailangan magising sa reyalidad.” Nakasimangot na ring sabi nito habang nakapamulsahan pa. Kalma Azey, kalama. Wag mong hayaan na kontrolin ka ng pagkainis mo sa lalaking yan — “Hoy! Pwede ba manahimik ka na lang. Hindi ko kailangan ng opinyon mong lecheflan ka.” Ang sabi ko Azey, Mag pasensya ka. Hindi ko sinabing mag burst out ka dito ng ganyan. Hindi ko na lang naiwasan na kuwestyunin ang sarili ko. Eh sa anong magagawa ko?! Naiinis na talaga ako. “Ikaw! Ikaw ang dapat manahimik. Hindi ako.” Aba aba?! Nasagot pa siya sa lagay na yan hah! Sinasagad talaga nito ang pasensya ko. Kahit na guwapo ka pa, masasapak na talaga kitang lalaki ka. Tsk. Mag sasalita pa dapat ako pero hindi ko na ito naituloy dahil sa pag sasalita ni Dad. — “That's enough kids, stop arguing with each other. Will you? Magkapatid talaga kayo. Walang ampon o anak sa labas. dahil pareho namin kayong mga anak. Understood?!” Mahabang sabi ni Dad. Napatingin ulit kaming dalawa sa isa't isa at sabay pang napairap. “Seriously Dad?!” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko dito. Eh kasi naman ang alam ko wala na akong kapatid, dahil ang alam ko wala na siya in short— he died years ago. So paanong nangyari? May kapatid pa pala ako ngayon?! Ano 'to lokohan? Nakakainis naman talaga hah! “Can you explain all of these, Dad?” Hindi ko alam kung bakit sabay pa kaming nag salita at hindi lang yon parehas pa kami ng sinabi. Naku! Kalma Azey, kalma. “Yeah, I will explain Son, but later. You two, just take a rest for an hour.” Natatawa pang sabi ni Dad. Oh?! Ano na naman nakakatawa ngayon? Ha! “Puwede naman ngayon na mag paliwanag, pinapatagal pa.” Hindi ko na naman naiwasan ang hindi mag talked back kay Dad. Eh kasi naman. Sa sinabi kung iyon ay natawa na naman sila at napapailing pa. Problema niya? Narinig ko na lamang na maingay na sa paligid at pag tingin ko yung iba pa naming kasama ay nag uumpisa ng mag lakad papasok sa loob ng Mansion. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pagtataka at isa pa naguguluhan din sila. Hindi lang naman kasi kami ang nagtataka dito maging ang mga kasama rin namin dahil siguro pati ang mga magulang nila ay naririto din. Sinong makakapag pahinga sa lagay na 'to? “Hey, kayong dalawa ano pang hinihintay niyo? Pumasok na kayo dito sa loob.” Sabi ulit ni Dad habang naka halukipkip pa ito. Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko at parang wala lang narinig. Nakahalukipkip na din ako sa mga oras na 'to para ipakitang gusto ko talagang malaman kung bakit kami naging magkapatid? “What are you two still doing there? Kanina ko pa kayo sinasabihan na pumasok na dito at mag pahinga na muna.” Ulit pa ni Dad. Pero wala eh walang may gustong sundin ang sinasabi ni Dad. Nakatingin lang kami sa isa't isa na para bang nag papatayan na, gamit lang ang mga mata namin. Ngunit ng mag salita ulit si Dad using his most authoritative tone to the both of us. Hindi ko naiwasan ang mapalunok na lamang maging ang kaharap ko ngayon ay nakita kong ganoon din ang ginawa napalunok din ito sa sinabing yon ni Dad. Sa tonong hindi namin pwedeng suwayin ang anumang utos niya, lalo pa't seryoso ito. “ I said get inside in this Mansion. Shawnjaes Zandrex and you Michelle Amirah.” •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD