"Hoy! Anong gagawin namin dito? Diba dapat kayo lang ang nandito?" biglang litanya ni Riyah sa tabi ko. Tiningnan ko lang naman ito at nginusuan.
"I don't know. Ano nga bang ginagawa niyo dito?" nakasimangot ko ring tanong kay Riyah. Pagkatapos kasi namin mag pahinga'y lahat kami ay pinatawag para pumunta dito sa conference room nitong Whitehouse. Kami-kami pa nga lang ang nandito dahil nasa labas pa sila Mom at Dad. Baka may ginagawa o basta.
Halos ilang minuto na rin ang nakalipas mula ng pumasok kaming lahat dito maliban na lang sa mga magulang namin na nasa labas pa. Sa tingin ko kaya kami pinapunta dito ay baka ipapaliwag na nila kung paano ba kami naging mag kapatid, gayong ang alam ko talaga ay wala na akong kapatid dahil patay na ito. Ang alam ko rin ay mas matanda ito sa 'kin. Bata pa lang kami noon ng may bigla na lang nag paulan paputok ng sunod sunod mula sa labas. Nagulat pa ako ng marinig ko iyon kasama ko rin yung kapatid kong lalaki sa may tabi ng pool. Masaya kaming nag lalaro ng mga panahon na yun habang sila Mom at Dad naman ay pinapanood lamang kami sa hindi kalayuan, habang nag iihaw sila ng barbecue. Alam ko rin na linggo iyon dahil nakasanayan na namin gawin sa swimming pool area kumain- family bonding to be exact.
Hindi pa rin tumitigil ang putukan ng baril noon kaya naman patakbong lumapit sa 'min sila Mom at Dad, agad kaming binuhat nila pagkatapos noon ay patakbo silang pumasok sa loob ng Mansion. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari ng mga panahon na yun pero hanggang ngayon hind ko pa rin 'yun nakakalimutan. Dahil yung araw din na iyun nawala ang kapatid ko.
"Stay here, Jaes don't leave your sister here- alone, do you undurstand?"
Seryosong sabi ng kanilang Ama sa mga ito matapos nilang maka akyat sa kuwarto ng mag asawa. Kampante ang dalawang iwan doon ang kanilang mga anak dahil alam nilang hindi makakapasok ang kung sino man at isa pa au bullet proof' 'yun. Gawa sa high technology ang kuwarto ng mag asawa, maging ang kuwarto ng kanilang dalawang anak. Kaya lang mas minabuti na lamang nilang doon sa kanilang kuwarto dalhin ang mga bata.
"What's going on, Mom?" Naguguluhang tanong ng batang Jaes sa Ina. Makikita mo dito ang takot sa mapupungay na mga mata nito.
"Jaes can you please stop asking question, I will answer that question later. But, for now- Just stay beside your lil-sister. Protect her as long as we're not around. Understood? Kahit anong mangyari huwag kayong lalabas."
Malumanay na sabi ng kanilang Ina. Tumango naman ang batang lalaki habang ang kanilang bunso ay tahimik lang sa tabi ni Jaes, kahit tahimik lang ito ay makikita pa rin ang takot na nakarehistro sa maamong mukha nito lalo na ang mapupungay nitong mga mata.
"Azey, Are you okay?" Tanong naman ng kanilang ama sa batang babae. Napansin kasi nitong tahimik ang bata habang nakayuko ito habang pinag lalaruan ang kaniyang mga daliri. Tumingala naman ito at tumingin ng diretsyo sa Ama.
"Dad, Are you sure- you're asking that question? Were getting ambushed at this moment- until now."
Seryosong sabi ng bunso nilang anak sa Ama habang nakausli ang maliit na nguso nito dahil sa itinanong ng Ama. Hindi naman naiwasan ng mag asawa ang matawa dahil sa sinabi ng kanilang anak. Sabay na lamang napailing ang dalawa, habang ang batang lalaki naman ay mahinang siniko ang kaniyang kapatid dahil sa sinabi nito. Sa isip isip pa nito- nasa ganito na nga silang sitwasyon nakukuha pa rin nitong mag sungit. Nginusuan lang naman siya ng kapatid ng sikuhin siya nito.
Nagbilin pang muli ang mag asawa sa kanilang anak na wag na wag lalabas ng kuwartong yon dahil sa dilikado nga ito. Sabay naman na tumango ang mag kapatid, matapos bigyan ng mag asawa ng halik sa noo ang dalawa. maingat na lumabas ang mag asawa sa kuwarto habang parehong may hawak na baril sa kanilang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang putok ng mga baril, sa katunayan mas lumala pa ito.
Nang bumalik ulit sa isip ko ang mga nangyari ng mga nakaraang taon, napalingon ako sa may gilid ng conference room kung saan nakaupo doon si Shawnjaes tahimik lang itong prenteng nakaupo habang naka cross legs maging ang mga kamay nito ay nakahalukipkip din. Napansin siguro nitong may nakatingin sakanya kaya naman umangat ang ulo nitong sakto naman sa 'kin tumama ang mga mata nito. Pareho kaming seryosong nakatingin lang sa isa't isa para bang tinatantya namin kung mag sasalita ba kami pero sa huli ay umimik na rin ako, hindi na talaga ako makatiis na hindi ito tanungin.
"Are you really my brother, Shawnjaes?" Seryosong tanong ko dito habang nakatingin pa rin sakanya. Napaangat naman ang labi nito na parang handa ng mag salita ngunit itinikom nito ulit 'yon kaya naman napasimangot na lang ako. - Paasa.
•••