"Malayo pa ba?"
"Medyo malapit na tayo, konting tiis na lang. Ms. Riyanah." Habang naglalakad kami paakyat sa bundok. Yes! Sa bundok nga. Ayon walang tigil itong si Riyah sa kakatanong kung malayo pa raw ba ang pupuntahan namin? Na sa tingin ko'y malayo pa nga kami sa dulo nito, ni hindi pa nga kami nangangalahati pero kung makaangal itong babae na 'to akala mo isang araw na kaming walang tigil sa paglalakad.
"Malapit na raw?! Eh! Kanina pa nga tayo naglalakad dito paakyat eh." angal pa ulit nito, hay naku! Riyah itulak na kaya kita ng manahimik ka naman.
I'm so bad!
"Alam mo Clinton, masyado kang maangal eh! Dapat hindi kana lang sumama kung aarte ka lang naman. Ang ingay mo." Litanya naman nitong si Drix, may pagkairita na sa pananalita nito kanina pa kasi umaangal ang dyosa ng kaartehan eh.
"As if I have a choice." Nakangiwing sagot naman nitong si Riyah sa tabi ko. Yeah! Wala talaga syang choice dahil pinasama talaga siya nila tita Juliana at ni tito Jack. Kailangan raw kasi namin ng matinding training, Ha! Matinding training!? naman— hindi pa ba training ang tawag sa ginagawa namin sa Academy? May mas malala pa ba doon? Kaloka naman.
Matapos sabihin iyon ni Riyah ay natahimik ulit ang paligid ipinagpatuloy pa rin namin ang paglalakad paakyat sa may burol nakakaramdam na rin ako ng pagod kaya humawak na ako sa laylayan ng dala kong malaking bag, ang sabi kasi nila Mom at Dad mahigit tatlong linggo raw ang pamamalagi namin kung saan ba talaga kami pupunta. Lahat kami magkakasama. Pati na rin yung mga lalaking kumidnap samin "kuno" sa bus ay kasama rin namin sabi din nila sila raw yung mag te-training sa 'min. Kaya wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ng mga nakakatanda. Para naman raw sa kaligtasan namin yun kaya wag na raw kaming umangal pa. Kungbaga basic pa lang raw ito. What the Hell!
"Magpahinga muna tayo." Biglang basag ng isa sa mga naka Men in black, noong narinig ko yon ay kaniya kaniya na kaming humanap ng mauupuan inilapag ko ang dala kong bag at agad na kumuha ng tubig para uminom. Napatigil ako sa pag inom ng maramdaman kong may tumabi sakin nilingon ko ito at nakitang si Jaes pala ang taong yon. Yeah, I called him Jaes. I don't know! but I'm more comportable to calling him that named — Jaes. Inalok ko ito ng hawak hawak kong mineral water pero tumango lang ito at pinakita ang hawak din niyang tubig.
"Are you okay?" Tanong nito at sinundan pa ng isa pang tanong. "Are you tired?"
"Yeah, medyo— pero kaya ko pa naman." Sabi ko dito ng nakatingin sa kabilang bundok matarik din ang bundok na 'yun sa kabila na kapag inakyat mo ay madudulas ka lalo pa't hindi ka sanay, buti na lang hindi doon ang way namin papunta sa tutuluyan namin habang nasa trainings.
"You sure?!" Paninigurado pa nito habang seryosong nakatingin ito sa 'kin, ngumiti lang naman ako dito para iparating sakanya na ayos lang naman ako. Napatango lang naman ito na para bang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko. Pero mas minabuti na lang naman nitong huwag ng umimik pang muli. Sa ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na siya pala talaga ang kapatid ko, na siya ang kuya kong matagal ko ng hindi nakasama dahil sa trahedya ng mga nakaraang taon na yun. But, at the back of my mind is telling me— That I should be thankful kasi muli ko na ulit makakasama si Jaes, na sa madaling salita kumpleto na ulit ako, na buo na ang pamilya ko. Na kahit na nakakagulat 'man isipin ang mga nangyayari ngayon ay may maganda rin naman itong naidudulot para sa 'kin. Saka kahit naman nalito-lito ako noong una'y hindi pa makapaniwala'y na-idetalye naman samin 'yun nila Dad ng mabuti. Hindi ko lang alam kung ano ang nararamdaman ngayon ng kapatid ko kasi hindi naman ito nag papahayag ng nararamdaman niya mula ng ihayag nila Dad, ang tungkol dito. Pero sa tingin ko rin naman ay masaya siya ayaw lang talaga niyang umamin— Killjoy din kasi 'to kung minsan eh! Pero wala eh— ganoon talaga he's still a guy afterall.
"Azey!" Napabalikwas ako ng tayo ng bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa tenga ko. Nilingon ko kung sino yun at leche yan.
"Ano kaba naman Red! Bakit kaba sumisigaw?" Balik na sigaw ko rin dito. Feeling ko tuloy nasira na ang ear drums ko sa matinding sigaw nito.
"Hay naku! Azey, Eh kasi naman kanina kapa namin tinatawag pero grabe lungs, ang tindi rin naman ng pagiging bingi mo, mabuti na lang— Riyah suggested to me that I need to do something that would make you back in your beloved senses... and so, I decided to yelled at your ears. And I think I did it well." buong linaw pang sabi nito habang sinasabayan pa ng pag De-demo sa kaniyang ginawa kani-kanina lang. At talagang nag joined force pa talaga sila nitong si Riyah na isa ring may sira sa ulo kung minsan dahil sa mga naiisip na kalokohan. Nang tingnan ko rin naman ito'y may bahid pa nga ng pag mamalaki ang mukha nito dahil sa mga sinabi ni Red, kailangan ko na ba silang pag buhulin?
"So, ganoon gusto niyo bang umpisahan ko na kayong itulak pababa ha?! Ano bang problema niyong dalawa? Bakit ba kayo naninigaw dyan ha? Gusto niyo na bang masaktan? As in now na!" Sigaw ko ulit... this time kasama na si Riyah na sinisigawan ko ngayon kasalanan na nila yan. Halos mabingi rin naman itong dalawa dahil todo ang takip ng mga ito sa tenga ng isa't isa. Yes! Imbis ang sariling tenga ang takpan hindi nila ginawa. Napailing na lang ako dahil sa pinag-gagagawa ng mga ito.
"Ba yan! Feeling ko nasira ang eardrums ko dun ha! Azey naman, kasi kanina kapa namin tinatawag kasi naman ulit aalis na tayo... nakalimutan mo na bang papunta tayo sa Baryo di-matao' chos. Just kidding. Pero seriously feeling ko walang katao-tao nga sa pupuntahan natin— biruin mo yun kanina pa tayo naglalakad sa kalagitnaan ng init, to think bundok pa talaga ito nasaan ang hustisya?" mahabang litanya naman nitong si Riyah may pakumpas kumpas pa talaga ng kamay akala mo naman may binubugaw na langaw.
"Oh! Ganun ba eh, nasaan na yung iba?" Palinga-linga ko namang tanong para hagilapin ng mga mata ko ang iba pa naming kasama.
"Ah! Oo yung mga kasama natin! Ang sabi ko mauna na sila susunod na lang tayo." parang wala lang sabi nito habang nakapameywang pa talaga.
"E'di tara na. Saan tayo?" sabi ko dito matapos isukbit ulit sa likuran ang bag ko.
"Hala s**t!" Napalingon naman ako kay Red ng bigla itong mag salita habang nakahawak pa sa bibig na para bang may nagawang katangahan.
"Oh bakit?" tanong ko na dito. Nag katinginan muna silang dalawa ni Riyah bago magkasabay na nag sabing— oh! tamang sabihin na hestirikal na napamura na lang.
"Holy s**t! Oh No!"
"Ano na naman ba?" Napipikon ng sabi ko sa mga ito, konti na lang talaga tsk.
"Eh, kasi hindi namin napansin yung dinaanan nila kanina Azey my god! Baka maligaw tayo nito." Tili na naman nitong si Riyah, pero ng marinig ko ang sinabi nito'y napatampal na lang ako saking noo. Pambihira naman talaga.
"Bakit naman kasi nagpaka-kawanggawa kang paunahin na sila? Eh ni hindi niyo naman pala alam kung saan na sila dumaan." inis ko ng sabi dito habang napapakamot sa ulo.
"Azey, May kuto ka ba?"
"Wala."
"Bakit kumakamot ka d'yan sa ulo mo?"
"Wala naiinis ako."
"Naiinis ka? Oh baka naman may garapata na yang ulo mo?"
"Wala akung garapata no! Naiinis lang talaga ako."
"Naiinis nga lang kasi siya Red, wag ka nang magtanong." singit naman nitong si Riyah. Teka nga lang—
"Hoy! Teka nga kayong dalawa tigilan niyo nga ako, huwag niyo kong dinadaan d'yan sa mga paandar niyong dalawa. Ngayon, saan tayo pupunta para masundan natin sila? Ikaw kasi Clinton minsan talaga pabida ka rin eh! No, biruin mo ba namang pinauna mo na sila at sabihing susunod na lang as if namang kabisado mo ito." Hayst! Nakakainis na talaga.
"Huwag na nating pag pilitang ibahin ang topic, mainit na talaga ang ulo ng nag iisang Michelle Denver." dinig kong bulong ni Red kay Riyah. Tsk!
"Try niyo kayang mag bulungan na walang nakakarinig, masyado niyo kasing binobroadcast ang pagbubulungan niyo." Dirediretsyo kong sabi sa mga ito at nag patuloy na sa paglalakad paakyat. Bahala na kung saan makarating.
"Hey! Azey wait!"
"Bilisan niyo." Balik kong sigaw sa mga ito. Babagal kasi! Pero sa totoo lang may kasalanan rin naman ako dito wala kasi sa reyalidad ang isip ko kanina. Kaya sige na nga hindi ko na susungitan itong dalawa. nagpatuloy lang kami sa paglalakad sinusundan lang namin ang daang matuwid char, pero seryoso may nakita kasi kaming daanan na isang direksyon lang kaya naman mas minabuti na lang naming sundan ito bahala na kung saan kami mapadpad. Wala lang sana kaming makasalubong na mababangis na hayop dito kung hindi— hindi ako mag dadalawang isip na ipakain dito ang isa sa mga kasama ko makaligtas lang. Kidding! Nag try din naman kaming contact-in ang mga iyon kaya lang ay hindi naman namin sila ma-contact kainis lang.
***
SAMANTALA, patuloy na naglalakad ang kanilang mga kasama. Malayo-layo na rin ang nalalakad ng mga ito na pinapangunahan ng mga kasama nilang kalalakihan na tauhan ng kanilang mga magulang. Hindi nila napansin na hindi pa pala nakakasunod sakanila ang tatlong babaeng naiwan. Napansin lang ng mga ito na kulang sila dahil sa kanina pang pananahimik ng paligid.
"s**t! Nasaan sila Azey?" Dahil sa sinabing iyon ni Henry ay napatigil ang mga ito sa paglalakad maging ang mga nauuna na nilang mga kasama ay napahinto na rin. Nag palinga-linga na ang mga ito para hanapin kung nasaan na ba ang tatlo? Ngunit wala naman silang makita ni anino ng isa man lang sa tatlong babae.
"My God! Baka naligaw na sila." hirit naman ni Mikaela kaya naman nabaling sakaniya ang mga mata ng kasamahan.
"Why?" tanong nito ng makitang nakatingin sakaniya ang lahat. Hindi naman siya sinagot ng kahit isa man sa mga ito at nag kanya-kaniya na lamang sa paghahanap. Nag hiwahiwalay ang mga kalalakihan sa paghahanap sinabihan rin ng mga ito na huwag na hywag aalis sa kanilang puwesto sila Aki at Rae, na tinanguan lang ng dalawa.
"Minsan talaga, may pagkatanga yung tatlong yun." biglang litanya ni Raelyne kaya naman sinang-ayunan ito ni Mikaela.
"Sinabi mo pa, biruin mong hindi man lang nakasunod satin. Pero feeling ko naman makakarating ang tatlong yon ng buong buo pa. Saka nandoon naman si Azey, kahit na may pagka-ewan din yon eh alam naman siguro niya kung paano sumunod sa direksyon. Unlike doon sa dalawa naku! Baka dilat na ang mga mata non ay hindi pa rin sila makarating dito dahil sa kaartehan nilang taglay." Mahabang sabi naman nito sa kausap na patango tango lang habang nakikinig.
SA KABILANG BANDA, hindi naman mapakali ang tatlong mga lalaking sina Drix, Henry at Robi sa paghahanap, magkakasama ang mga ito kaya naman hindi rin maiwasan na hindi mag usap sa gitna ng paghahanap. Kumpara sa tatlo na sina Mikhail, Raiden at Shawnjaes na mas pinili pa ang mapag-isa na lamang sa paghahanap sa tatlong kababaihan. Kahit na tahimik ang tatlo at hindi palaimik ay sobra rin ang pagkabalisa ng mga ito dahil sa isipin na nawawala sila Michelle. Kung si Mikhail na parang wala lang ay nandoon pa rin naman ang pag aalala nito sa tatlo habang si Raiden naman na tila wala pa ring imik. Kumpara sa dalawa'y gustong gusto na ni Shawnjaes na balikan ang pinaghintuan nila kanina lamang upang makita agad ang tatlo lalo na ang kapatid nito, hindi man halata dito na nag aalala siya sa kapatid ay grabi naman ang kaba nito dahil hindi niya ito kasama bilin pa naman sakaniya ng kanilang magulang na huwag pababayaan ang kapatid na tila ngayon palang ay nalabag na niya agad iyon dahil nawawala ito ngayon.
Habang ang mga tauhan ng kani-kanilang mga magulang ay parang wala lang na nagpalakad lakad sa hindi kataasan ng madamong lugar nabigyan kasi ang mga ito ng signal na malapit lang naman sakanila ang tatlo kaya mag kunwari na lang na hinahanap pa rin nila ang tatlong babae. Sabi rin ng ama ni Riyanah na isipin na lang nila na kasama rin ito sa kanilang pag iinsayo, pero ang totoo niyan ay natutuwa ang mga ito sa kanilang nakikita dahil sa mga pinag-gaga-gawa ng tatlo. kahit pa naliligaw na ang mga ito'y wala pa rin tigil sa kalokohan.
***
"Paano na yan may mag kaibang direksyon na tong napuntahan natin? Saan na tayo dadaan?" biglang tanong ni Riyanah napatigil ang mga ito sa paglalakad dahil sa kanilang nakita.
"Ang sabi nga ng dating presidente, piliin ang daang matuwid. So, dito tayo sa kaliwa." determinadong sagot naman ni Michelle habang nakahawak pa ito sakaniyang baba.
"Ano kaba hindi lahat ng daang matuwid ay tama. Minsan nag kakamali din yan parang sa love— kung hindi ka matututong magmahal hindi ka rin masasaktan." nang sinabi naman iyon ni Mildred ay sabay pang napatingin sakaniya ang dalawa't napataas pa ang mga kilay.
"Okay ka lang Red, may pinagdadaanan kaba or something?" tanong naman dito ni Michelle.
"Wala kasi naman nauso pa yang daang matuwid na yan hirap tuloy mag decide kung saan na ba tayo dadaan." sagot naman nito habang nakapameywang pa talaga.
"Wala kanang magagawa dahil nauso yan ngayon." hirit naman ni Riyanah habang nakatingin sa hugis zigzag na daanan.
"Eh, sino rin ba nag pauso ng huwag piliin ang daang baluktot?" ngiwing tanong naman ni Mildred.
"It't a top secret." baliwalang sagot naman ni Michelle na ngayon ay nakaupo na sa isang putol na sanga.
"Oh, hayaan na nga lang natin," hirit naman ulit ni Riyanah habang nakaturo pa ang kamay nito sa hindi malamang direksyon.
Mula sa Whitehouse malinaw na nakikita ng mga magulang ng mga ito ang kaganapan sa lugar kung nasaan ang kanilang mga anak. May malaking monitor sa isang silid na tinatawag nilang Control Room, malaki ang silid na ito at makikita mong maraming computers ang mga nakakabit dito bukod pa sa isang napakalaking monitor na ngayon ay kanilang ginagamit halos nasakop ng screen nito ang pader sa harapan kaya kita mo lahat ng malinaw dito ang mga pangyayari kung nasaan naroroon ang kanilang mga anak. Habang pinapanood nila ang tatlo'y hindi na nila mapigilan ang mapa-iling dahil sa mga ito, naiisip na lang nila kung tama bang ngayon pa lang ay imulat na nila ang mga ito sa ganitong sitwasyon? Pero may bahagi rin naman sakanilang mga utak na pabayaan muna ang mga ito dahil hindi pa naman nila nakikitang mag seryoso ang mga ito. Na kahit ganyan ang kanilang mga anak ay alam naman nilang hindi basta-basta ang mga ito. pero sa totoo lang pigil na pigil ang tawa ng mga ito dahil sa mga napapanood lalo na doon sa tatlong pati ang dating presidente'y nadamay dahil sa pagkaligaw ng mga ito. Habang ang mga asawa naman nilang lalaki'y halos gusto ng hampasin ang mesa malapit sa kanila dahil aliw na aliw pa silang pinapanood ang mga anak.
Mukha pa ngang ginawang entertainment ng mga ito ang kanilang mga anak.
•••