Chapter 14

1991 Words
"Tama na nga yan, d'yan tayo sa kaliwa wala namang mawawala kung susubukan diba. Saka kung dead-end na yang dulo sa kaliwa bumalik na lang tayo." sabi ko sa kanilang dalawa't tumayo na sa kinauupuan kong putol na sanga. Sumunod naman din agad ang mga ito kaya nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Nakakapagod man pero ganoon talaga kailangan mag patuloy para makita namin agad ang iba. Bakit naman kasi naiwan pa kami? Siguro naman napansin na ng mga yun na nawawala kami at tumigil na rin para mag hanap sana lang talaga. "Ano ba naman yan! Ang tataas naman ng mga d**o dito ang kati-kati na hah!" Angal na naman nitong si Riyah, wala na talaga 'tong ginawa kung hindi ang umangal. "What do you expect? Nasa bundok ka malamang maraming d**o talaga dito." Hirit naman ni Red sa tabi ko, patuloy ko lang hinahawi ang mga nakausling may kataasang d**o sa bawat dinaraanan namin. Medyo masakit sa kamay ang mga dahon nito dahil may katalasan din kasi ang mga ligaw na d**o dito na kapag hindi mo hinawi ng walang pag iingat ay masusugatan ka talaga. "Oo nga naman." gatong ko pa sa sinabi ni Red. "s**t! Ang kati talaga eh, wala ba kayong dalang kahit anong puwedeng ipangtabas sa mga yan?" hindi nakatiis na tanong ni Riyah panay na rin ang kamot nito sa braso at binti. Sino ba kasing nag sabing mag short ka? Alam mo naman bundok ang pupuntahan natin! Utak talaga ng isang 'to tsk. "Ay! Sandali may dala pala ako, wait lang kayo d'yan." biglang litanya ni Red at walang pasabing ibinaba nito ang malaking bag niya at inilabas ang kung anong bagay na yon. "Ano naman yan? Red, sa tingin mo makakatulong ba yan?" usisa pang tanong ni Riyah habang nakatunghay sa hawak ni Red na medyo may kalakihang bagay na sa tingin ko'y naka fold pa ito. Oo nga ano ba yan? Anong magagawa ng isang stick sa mga d**o aber? "Malaki ang maitutulong nito, buti naalala ko pa kung hindi sayang lang kung hindi ko naman magagagamit." Sagot naman samin ni Red at pinindot ang isang maliit na hugis bilog sa unahan, laking gulat ko pa ng makita ang hitsyura talaga niyon. "Woah! Grass cutter? Seriously, Red," Hindi makapaniwalang litanya ni Riyah at nakatingin pa rin sa ngayong hawak hawak ni Red. What the fudge! A simple silver stick turn to a unique grass cutter?! "Yeah! I think so, Dad gave this to me this but, he didn't tell me that this stick is not just a simple stick. kung hindi ko pa pala naalala 'to hindi ko pa malalaman ang kakayahan nito." Wala sa sariling sabi pa nito habang walang tigil sa pag e-eksamin ng kanyang hawak. "Astig, so kailan binigay sayo yan ni tito?" Manghang tanong naman ni Riyah. "Kanina lang bago tayo pumunta dito." sagot naman nito at walang pasabing pinutol ang damong nasa gilid niya. Ang talas infairness naman. Nice one tito Charles. Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad habang si Red na ang nauuna samin dahil kina-career na nito ang pag puputol sa mga dahon, kahit nga hindi naman nakaharang sa daanan namin ay idinadamay na nitong putulin. May balak pa atang kalbuhin ang bundok na ito. "Hoy Red! Maawa ka naman d'yan sa damo." Sabi naman ni Riyah sa tabi ko. Oo nga maawa ka naman. "Okay lang yan, hindi naman sila nauubos eh." baliwalang sabi naman nito sa 'min at patuloy pa rin sa ginagawa. Hindi na lang ako umimik dahil nangangati na rin ako namumula na rin yung braso ko kakakamot dito. Kung alam ko lang nag long sleeve na lang sana ako kahit na mainit pa. Sige pa rin ang kamot ko sa magkabilaang binti dahil naka leggings lang naman ako na hanggang tuhod. *** Halos isang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa rin nila nakikita ang tatlo pa nilang kasama. Kung anu-ano ng mga isipin ang gumugulo sa mga ito, na baka may masama ng nangyari sa tatlong babae? Pero pinapakalma naman sila ng mga kasama nilang mga bodyguards, lalo na ang namumuno sa mga ito sinasabi lang nito na maayos naman ang lagay ng mga babaeng yon dahil wala naman mababangis na hayop ang naninirahan o gumagala dito. Dahil sa sinabing yon ng bodyguards ay nakahinga naman sila ng maluwag, minabuti na lang din ng mga ito ang maghintay na lamang sa tatlo. WHITEHOUSE's QUARTERS SAMANTALA, patuloy pa rin namang nakamasid ang kanilang mga magulang sa mga ito. Nag uusap din ang mga ito tungkol sa mga nakikita sa malaking screen sa loob ng silid. Halos lahat na lang yata'y napapansin ng mga ito kaya naman hindi nila maiwasan ang mag komento sa mga nakikita sa kanilang mga anak. Tila bawat detalye tungkol sa mga ito'y ayaw palampasin. "Look at those three girls, bakas na ang pagkapagod sa kanila pero hindi pa rin tumitigil sa paglalakad at sa kasasalita." napapailing ng sabi ni Rayson sa tabi ng kaniyang asawa, halata na kasi sa itsura ng tatlo ang pagod tagaktak na rin ang pawis ng mga ito. "Kawawa naman ang baby girl ko." Litanya naman ni Mitchelle at napahawak pa ito sa braso ng asawang si Michael. "My daughter Mildred, looks like she's enjoying what she's doing at the grass." natatawang puna naman ni Charles sa ginagawa ng anak, kitang kita nito kung paano walang awang tabasin ang nakaharang na d**o dahil doon hinampas naman ito ng kaniyang asawa. "Ikaw kasi, kung anu-anong ibinibigay mo d'yan sa anak ko." Nakasimangot nitong sabi sa asawa. "Anak ko rin siya, Hon." Nakasimangot na ring sabi nito. "Mana talaga sayo yang si Riyanah, ang hilig din umangal." Sabi naman ni Jack sa tabi rin ng asawa dahilan para irapan lang sya ng huli. *** Napatigil ang lahat sa kung anong mga ginagawa ng makarinig sila ng mga yapak sa kung saan. Ang ilan sa mga reapers na kanilang kasama ay naging alerto na rin sa kung ano man ang mangyayari. Mag sasalita sana sila Drix ng senyasan ito ng isa sa mga reapers na tumahimik kaya ang ginawa na lang ng mga ito'y nilapitan ang dalawang babaeng kanilang kasama at inilagay sa kanilang likuran. Mas lumalakas ang tunog ng mga yapak ng paa sa kung saan dahil na rin sa mga sangang natatapakan ng mga ito, dahil may kataasan ang mga dahon na naroroon ay hindi nila makita kung sino ba ang mga yon. "Sounds scary!" Komento bigla ni Aki sa likuran ng kapatid. "Just stay there." sabi naman sakaniya ng kakambal. Habang papalapit ang mga yabag sa di-kalayuan ay mas lalo pang nag didikitdikit ang mga ito na tila ba'y gustong protektahan ang isa't isa. Hindi nakatiis na hindi mag salita si Mikhail kaya naman tiningnan nito ang namumuno sa mga reapers. "Ang sabi niyo, ligtas dito," seryosong sabi nito kay Jacob na tumatayong lider ng kanilang grupo. "I thought so." Naguguluhang sagot rin naman sakaniya ni Jacob, dahil maging ito'y nag tataka rin. Habang nagkakagulo naman ang mga ito sa may burol ay kabaliktaran naman ang nangyayari sa loob ng control room halos gusto ng humagalpak ng tawa ang mga ito sa nakikita dahil sa mga nakarehistrong pag pa-panik sa mga mukha ng mga lalaki na naroroon, imbis na sabihin nila na ang tatlo lang iyon ay hindi na lang nila pina-alam gusto kasi ng mga itong makita ang magiging reaksyon ng mga bata. Michelle POV, Pagod. Oo tama pagod na ako, kanina pa kaming walang tigil sa paglalakad dahil gusto na naming makita ang mga kasama namin. Kapag talaga nakita na namin sila mag papahinga na talaga ako. Ang sakit na ng mga paa ko parang ayaw na ngang makisama dahil nanginginig na rin ang mga tuhod ko. parehong ubos na rin ang dala naming tubig dahil panay ang inom namin. sobra na rin ang init lalo pa't alas dos y medya na ng hapon. "Wahh! Ayoko na." biglang litanya ni Riyah sa tabi ko nakabusangot na ang mukha nito. "Konting tiis na lang malapit na ata tayo. Tingnan niyo yun oh." Turo ko, may nakita kasi akong medyo patag na lugar doon pero mayroon pa ding mga iilang d**o ang nakakalat. "Hala. Hala! Oo nga tara bilis para makapag-pahinga naman muna tayo." Napapatalon sa tuwang sabi ni Red nauna na itong maglakad o mas magandang sabihing patakbong naglalakad na ang ginagawa nito. Wala kaming magawa kaya sumunod na rin kami sa kakatakbo namin hindi namin agad namalayan na medyo malapit na pala kami sa pinakang bungad niyon ngunit nagulat na lang kami ng may bigla kaming narinig na kasa ng baril sabay na nagpaputok ang kung sino dahil siguro sa matinding pagkagulat ay napahiwalay kami sa isa't isa napapatili na lang tuloy ako kapag may nagpapa-putok na naman natigil lang yun ng may biglang sumigaw na boses lalaki sa may bandang harap. "s**t! Stop firing, It's them." Napalingon ako sa sumigaw at nakitang si Jaes pala yon sa tuwa koy napatakbo ako dito at walang pasabing niyakap ko ito. Halatang nagulat ito sa ginawa ko pero niyakap na rin naman ako nito pabalik at hinawakan sa balikat upang ilayo. Tiningnan ako nito ng maigi at bigla na lang napamura. "What the hell! Ang dami mong sugat." seryosong sabi nito habang tinitingnan ang mga sugat ko sa braso at binti hindi ko napansin na may mga sugat na pala ako dahil siguro 'to sa mga damong tumatama sa 'king katawan. Sasagot na sana ako ngunit hindi ko na natuloy dahil kinuha na nito ang bag ko at hinila ako kung saan at pinaupo sa isang malapad na kahoy. Naririnig ko rin ang iba na tinatanong sila Riyah kung okay lang ba sila? Pero ang mga gaga imbis sumagot ang sinabi ba naman— "Nagugutom na nga kami tapos ang sasalubong samin ay mga bala. Ang gandang pa welcome back naman non." sarkastikong litanya ni Red na nakaupo na rin pala sa isang kahoy malapit sa kinauupuan ko. "Oo nga sino bang nag umpisang mag paputok? Gaganti ako!" seryosong sabi naman ni Riyah na nakapag palingon kina Drix sa iisang direksyon, nakilingon na rin ako at nakita kong kila kuya Jacob silang lahat nakatingin. Sa hindi inaasahan napa-peace sign naman si kuya Jacob na ikinagulat namin. "Paumanhin, hindi naman kasi ako sinabihan nila Madam na kayo lang pala ang parating. Grabi din kasi yung entrance niyo eh ang tahimik." Tuloy-tuloy na sabi ni kuya Jacob habang napapakamot pa sa batok. Kaya naman pala, wait! So, all this time nakikita naman pala kami nila Mom. Seriously! Napalingon ako kay Jaes ng mag salita ito at may iniaabot sa 'kin. "Here, drink this." Sabi nito habang hawak hawak ang mineral water sa kanang kamay, kinuha ko naman ito agad at nag pasalamat. Uminom agad ako dito ng sunod-sunod dahil sa pagkauhaw. Ibinalik ko ito sakaniya ng wala ng laman. Napasulyap ako sa aking braso ng maramdaman kong medyo humapdi ito hahawakan ko na sana pero pinigilan ako ni Jaes. May ipinahid itong alcohol sa 'king braso kaya naman napangiwi ako. Mahapdi na nga nilagyan pa ng alcohol e'di lalong humapdi. "Sino bang nag imbento ng alcohol? Nakakainis ha! Ang hapdi, aray ayaw ko na." Dirediretsyong sabi ko kay Jaes mahinang natawa lang naman ito at nilagyan ng band aid ang isang may kalakihang sugat saking kanang braso isinunod nman nito ang binti kong nilagyan din ng alcohol at band aid. Hindi ko napansin na sa 'min na pala nakatoon ang pansin ng lahat, napalingon lang kami ng may biglang nag sabing— "That's my son, take care of your lil-sister okay!" Nakangiting sabi ng kanilang ama gamit ang hologram katabi nito ang ina na ang lawak din ng ngiti. Nagkatinginan na lang ang kaming mag kapatid at sabay pang napailing na ikinatawa naman ng kanilang magulang. "Just be careful next time, lil-sis." seryosong sabi ni Jaes na tinanguan ko na lamang. napangiti pa nga ako ng banggitin nito ang katagang yon. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD