Lionsnake Glasswall Tower
Dalawang araw ang lumipas bago kami nakarating sa lugar na ito. Ang Lionsnake Glasswall Tower. Nang makarating kami sa lugar na ito ay isa lang ang masasabi ko. Napakaganda rito. Dahil ang unang bumungad samin ay isang malaking bahay. Wait! hindi lang basta bahay.
Dahil isa itong mansion na may limang palapag at napapaligiran ng salamin ngunit kahit na salamin ang nakapaligid sa mansion na nasa aming harapan. hindi naman namin nakikita kung ano ba ang mayroon sa loob nito dahil mismong mukha lang namin ang makikita rito.
Habang pinagmamasdan ko ang mansion na ito ay hindi pa rin maalis sakin ang mamangha. Napakagaling kasi ng gumawa nito. Maging ang paligid ay napakaganda rin magmula sa mga nakatanim na mga iba't ibang uri ng bulaklak ay may nakatanim rin ditong buhay na buhay na bermuda grass habang sa pinaka gitna naman ay may kulay puting malaking fountain na napapalibutan ng maliliit na puting bato mula sa baba nito.
Sa gitna ng fountain may dalawang rebultong tao ang nasa platform babae't lalaki habang parehong may hawak na espada na naka pa-ekis ito sa kanilang harapan na tila may pinoprotektahan na kong ano sa kanilang pagitan may nakaukit rin ditong medyo maliit na gintong ulo ng isang leon. tapos nakalabas ang dalawang matutulis na pangil nito sa gilid ng bibig at hindi lang yun dahil mayroon rin itong gintong ahas na pumapalibot sa ulo ng leon. Ang ulo naman ng ahas na naka-angat ay nasa gitna rin ng ulo ng leon.
Nakapatong ang ulo ng ahas doon habang nakalabas ang dila ang mata nito ay kulay pula at sa leon naman ay kulay asul. Habang sa likuran naman nila ay may tila bitak-bitak na kulay puting bato at may lumalagaslas na tubig paibaba patungo sa kinalalagyan ng platform.
Hindi ko alam pero nahihiwagaan ako rito dahil kakaiba ito sa mga nakikita kong fountain. Parang hindi ito karaniwan. Na para bang may gusto itong iparating dahil na rin sa pagkakagawa nito.
"Hoy! Azey, Tara na... kahit anong gawin mong ikot d'yan hindi gagalaw ang mga rebultong yan."
Hindi ko namalayan iniikutan ko na pala ito kung hindi lang ako tinawag nila Ryah ay hindi ko pa mapapansin na papasok na pala sila sa loob ng mansion at ako na lang ang hinihintay. Pero gaga lang talaga ang babaeng yun... mukha bang hinihintay ko 'tong gumalaw? Tsk. hindi ko na lamang ito sinagot at dali-daling sumunod sakanila.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon ng makapasok kami sa loob ng Mansion. Kung sa labas malaki na ito pero hindi ko Inaasahan na mas may ilalaki pa pala ito sa loob. What the fudge! Pano nangyari yon? Nang nilibot ko ang aking paningin sa buong sala ng mansion na ito'y hindi ko pa rin maiwasan ang mapanganga.
Nang pumasok kasi kami sa double door na gawa sa salamin ay kitang kita na agad ang kung anong mga kagamitang naandito sa loob. Pagpasok pa lang unang bubungad sayo ang napakalaking sala ang mga pader naman kasi nito'y salamin pa rin. Ang dalawang mahabang sofa na nasa pinakang-gitna nitong sala na purong itim habang mayroon din na para sa tigisahang tao na upuan sa mag kabilang gilid na may maliit na glass table doon na puwede mo ng pag salamingan sa sobrang kintab.
Kapag idineretsyo mo naman ang iyong paningin sa taas may makikita kang kulay puting grandstaircase sa mag kabilang espasyo nito at kulay ginto naman ang railings nito na may glass pa rin sa magkabilang side at mayroon din pulang carpet sa pinakang gitna ng hagdan.
At sa pinaka itaas ng hagdan ay makikita mo ang malaking portrait doon na Babae't lalaki na may espadang pa-ekis. Kagaya noong nasa fountain. Ano bang ibig sabihin niyan? Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin yon kahit na gusto ko talagang alamin iyon.
Sa pagtingala ko ulit nakita ko naman ang malaking chandelier na may kulay puti ring light bulb sa palibot nito at sa pinakagilid ay mga nakausli pang maliliit na bulb. Kaya naman pala sobrang liwanag dito dahil sa chandelier na yan. Napatingin naman ako sa isang pang dalawahang pinto sa may bandang kanan sa tingin ko kusina ang mayroon sa loob niyon.
Sa pagbaba ko ng tingin ay napansin ko ang sahig na inaapakan namin ngayon gawa sa marmol pala ang sahig nito at napaka-kintab. Lahat na lang ba ng makikita ko ay gawa sa salamin? Ano bang meron sa Mansion na 'to? Nakakaramdam talaga ako ng may kakaiba dito...
"Gosh! Wala bang ibang gamit dito? Bakit parang ang konti naman ng laman ng sala na to?" Napalingon ako kay Aki ng bigla itong mag salita nasa may tabi na pala ito ng malaking hagdan.
"Yeah! Bakit ba naging ganito to? Sobra na yata ang impluwensya sa modernazation." Hirit naman ni Red na nasa tabi ng sofa habang nakatingala.
"Weird girls. tingnan niyo dito sa kitchen bilis."
Maarteng sabat naman ni Riyah na kalalabas lang sa tinitingnan ko pa lang kaninang kusina. Nagtaka naman kami kaya nag sisunuran na lang kami dito muntik pa akong madulas sa pagmamadali buti na lang may humawak agad sakin upang alalayan ako pagtingin ko dito'y si Mikhail pala.
"Tsk. Stupid." dinig kong sabi nito habang inaalalayan akong makatayo ng maayos. Aba't—
"Hoy! Sinong stupid ha! Kasalanan ko bang madulas ang sahig?" inis na sabi ko dito at inambahan ko pa ito ng suntok. Tiningnan lang naman ako nito na parang wala lang at basta na lang akong dinaanan para makapasok sa loob ng kusina.
Sa inis ko binato ko na lang dito yung nahawakan kong— hindi ko alam kung ano ba yon tinamaan naman ito sa likod kaya tiningnan ako nito ng masama at pinulot ang tumama sakaniya.
Aba ang gago! Gumanti binato rin sa 'kin yung figurine hindi ko naman nailagan ito kaya tumama yon sakin. Himala nga hindi man lang nababasag ang maliit na figurine na ito. Dahil hindi na ako makakaganti dahil nakapasok na ito sa loob ng kusina basta ko nalang nilapag ang figurine sa may nakahilirang kagaya ng figurine na hawak ko, pati ba naman lagayan non.
Babasagin tsk. Naglakad na ako at ng makapasok sa kusina nakita ko naman silang mga nakaupo habang nakapangalumbaba naman ang iba. Problema nila? my gosh! Pati rin pala itong kitchen pulos salamin din... mag mula sa glass door na nasa kanan na hindi ko pa alam kung ano ang nandoon.
Sa mahabang glass table na may may kaperasong mahabang tela sa gitna na kulay puti at sa gitna ng tela'y may naka- design na kulay puting rosas sa pabilog na flower vase. Seriously, hilig sa ganitong design ang may ari nito? Kaloko! Mabuti na lang sa kitchen sink sa dulo ay hindi salamin yun nga lang kulay puti pa rin ito naiba lang ang kulay ng faucet doon at yung mga cabinet sa taas na may kulay ng reddish red.
Maliban doon ay wala na. Napailing na lang ako. Walang sense of fashion ang nag isip nito. Dahil gusto ko pang libutin ang weirdong mansion na 'to pumasok na lang ako sa sliding door sa may kanan.
Humakbang ako upang tuluyang makapasok kasabay ng pag gala ng paningin ko dito. May nakita akong dalawang malaking refrigerator na magkatabi kaya naman nilapitan ko yon at binuksan, halos mag ningning ang mga mata ko ng makita kong madaming laman.
"KYAAHHHH!!!"
biglang sigaw ko pero nagulat na lang ako ng kulang na lang mag siksikan na yung mga kasama ko sa may sliding door.
"What the hell! Azey, Why are shouting?"
"The heck! What happened?"
"Oh my Gollygal! Azey are you okay?"
Napangiwi na lang ako ng mag sabay sabay silang mag salita ng tuluyan silang makapasok dito sa loob. Hindi ko alam pero muntik na akong matawa, para kasing mga ewan. Nag abala pa talagang sumugod rito.
"Ah! Eh, wala naman na-excite lang kasi ang daming laman nitong fridge. Haha."
Alanganin kong sagot sa mga ito habang napapakamot pa sa ulo. Nagkatinginan naman ang mga ito at napailing na lamang.
"Tanga talaga."
Halos mag panting naman ang tenga ko ng marinig ko na namang nag salita ang taong may pinaglihi sa sama ng loob sa may gilid habang nakatayo sa may pinto. Aba't gaga talaga nito. HA!
"Ikaw na taong pinaglihi sa sama ng loob kanina ka pa kakatanga sakin... namumuro kana ha! Konti na lang."
Nangigigil na sabi ko dito habang tinititigan ito ng masama. Umirap lang naman siya at humalukipkip.
"As if I'm scared." baliwalang sagot lang naman nito't masama ring nakatingin sa 'kin. Hindi ko napansin na kami na lang pala ang maingay dito sa loob.
"Oh talaga, Go to hell!"
Inis ng sabi ko dito't hindi pa rin inaalis ang masamang tingin ko sakaniya... baka sakaling kabahan siya sa mga titig ko. Labo mo Azey!
"May tatlong bibe akong nakita, mataba mapayat mga bibe... ngunit ang isa'y may pakpak sa likod ay iisa."
Napangiwi naman ako ng may bigla na lang kumanta sa may gilid ko pagtingin ko si Riyah pala. Takte anong naisipan nito at kumanta? Parang ewan talaga nito.
"Ano na namang paandar yan Riyah?" Biglang tanong naman ni Aki na nasa tabi ni Red.
"Wala naman, natripan lang kumanta." baliwalang sagot naman nito. as if namang tama yung kanta niya eh no.
"Natripan? Sa lahat naman ng kanta 'yan pa. Ano ka bata? Kung ikaw kaya ang pagtripan ko dyan."
Taas kilay kong sabi dito't sinabayan pa ng pag irap. Stress beauty ko dun ha.
Mag sasalita pa sana ito ng biglang sumulpot sa may pinto si kuya Jacob kasama si ate Yumi.
"Mamaya na kayo mag bangayan d'yan, ihahatid na namin kayo sa mga kuwarto niyo para makapag pahinga na rin muna kayo."
Litanya ni kuya Jacob kaya naman lumabas na rin kami para sundan sila. Si kuya Jacob kahit may pagkaseryoso yan nakasundo rin namin agad yan pati na rin si ate Yumi sila yung pinakang lider ng mga kasama pa naming ibang reapers dito. At silang dalawa din yung ipinagkatiwala sa 'min nila Mom.
Hindi ko napansin nasa may tapat na pala kami ng hagdan at ang masaklap pa natisod ako sa unang baitang... kung tinatamaan nga naman talaga ng kamalasan. Eh! Nakarinig naman ako ng tawanan mula sa mga butihin kong kaibigan na babae.
Talaga naman... nagulat na lang ako ng may biglang nag tayo sa 'kin kaya tiningnan ko ito tila sumama naman ang sikmura ko dahil ang pagmumukha lang naman ng Mikhail na 'to ang nakita ko.
"Reyna ka ba ng katangahan? subukan mo kayang mag ingat... uso yon baka hindi mo alam." supladong litanya nito at umirap pa.
"Ah! Ang alam ko lang reyna ako kasi naman ubod ako ng ganda." sabi ko na lang dito't inirapan din siya. Kainis eh!
"Tsk." sabi lang nito at nauna ng mag lakad paakyat. Nandito pa din pala sila akala ko nauna na sila sa taas.
"Oh! Tapos na kayo mag away lovebirds?" biglang hirit naman ni Henry.
"Lovebirds mo mukha mo."
Mataray ko namang sabi dito habang nag mamadali ng umakyat. Napasimangot naman ako dahil tumawa pa ito.
"Isa pang tawa mo sasamain kana sa 'kin Henry."
***
Nagising ako ng biglang tumunog ng napakalakas ang isang bell, sa tingin ko rinig hanggang labas ang tunog non... sa inis ko bumangon na lang ako sa totoo lang inaantok pa ako dahil ngayon lang ako nakatulog ng maayos dahil sa malambot ang kamang pinagtulugan ko.
Pero nakakainis lang talaga bakit pa kasi may pag bell bell pang nalalaman? Nagtungo na lamang ako sa may banyo para maligo at matanggal na rin ang antok. Hindi rin naman nag tagal natapos na rin akong maligo agad din akong nag bihis ng V-neck white shirt at black pants na ibinagay ko naman sa white sneakers na sapatos ko.
Nagsuklay lang ako saglit at nag lagay ng pulbos para hindi naman maging oily ang mukha ko... sayang naman ang kagandahan ko, kung mag mamantika lang ito. Matapos ng morning rituals ko ay bumaba na rin ako. Hanggang ngayon sa tuwing makikita ko ang pulos salamin sa paligid ko namamangha pa rin ako.
At hindi lang yon kahit kasi sa mga kuwarto ay pulos salamin ang pagkakadisenyo. Ewan ko ba sa nagpagawa nito at ganitong uri ng konsepto ang naisip. Ako na lang ang nag iingat at baka makasira pa ako ng mga gamit dito.
Hindi ko namalayan nasa may kusina na pala ako at nandoon na ang lahat. Naupo na lang ako sa bakanteng upuan para makakain na, gutom na rin naman ako.
"Morning Guys!" Bati ko sa mga ito ng makaupo na ako.
"Morning,"
Bati rin naman nila. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kaliwa ko at napa-tsk. na lang sa lahat ba naman ng makakatabi ay ito pa talaga, naku! Sira na yata ang araw ko. Hindi lang pala yata dahil sa tingin ko sira na talaga ang araw ko... makita ko pa lang pag mumukha ng lalaking 'to.
Nag umpisa na lang akong kumain at hindi na lang ito pinansin. Sunod-sunod akong sumubo dahil gutom na talaga ako. Napatigil lang ako ng may tumikhim kaya napaangat din ang ulo ko, napansin ko namang nakatingin sa 'kin si Jaes,
"Dahan dahan, hindi ka mauubusan. Wear your manners,"
Seryosong sabi ni Jaes kaya naman napangiwi na lang ako. Nasusuot ba ang manners? Mayamaya pa ay natapos na rin kaming kumain at nag papababa na lang ng mga kinain.
"Riyah! Umpisahan mo ng maghugas." biglang litanya naman ni Red sa kalagitnaan ng katahimikan.
"What! Anong malay ko sa pag huhugas?"
Maarteng sabi naman ni Riyah... seriously hindi ka marunong maghugas. Duh! Tanda mo na hindi kapa marunong maghugas. Mygod!
***
Isang oras na rin ang nag daan ng umpisahan nilang maglibot sa buong mansion. Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa training field at sa hindi inaasahan na sabay pa silang napatingin sa patag na lupa na may kaunting d**o, dahil doon napakunot ang kanilang noo sa nakita.
"Teka, May paliparan ng plane dito?" Hindi napigilang itanong ni Drix sa mga kasama.
"Oo nga no! Pero bakit pa natin kailangan akyatin ang bundok eh puwede naman pala tayong gumamit ng private plane?"
Takang tanong din naman ni Michelle. Dahil walang sumasagot sa kasama nilang sina Jacob at Yumi tiningnan nila ito na para bang nagsasabing umpisahan na nitong mag paliwanag. Napakamot naman sa batok ang lalaki at alanganing nag paliwanag.
"Ah, kasi utos ng mga magulang niyo yun. Na huwag gumamit ng plane isa na rin raw yon sa training niyo."
Pag papaliwanag naman nito sakanila. Dahil dun napasimangot na lang ang mga ito dahil sa nalaman. Hindi lubos maisip ng mga ito kung bakit puwede naman palang gumamit ng private plane ay pinagbawalan pa sila.
"Gosh! Nag suffered ang beauty ko dun tapos malalaman ko lang 'to."
Madramang mungkahi naman ni Riyah sa tabi ni Red.
"Ikaw lang ba... ikaw lang ba ang nag hirap ha! Paano naman kami?"
Mas madramang sabi naman ni Mildred habang sinabayan pa ng paglagay ng kamay sa kaniyang dibdib. Hindi naman naiwasan ng iba pa na mapa-face-palmed dahil sa kadramahan ng dalawa.
"Alam niyo kayong dalawa... manahimik na lang kayo. Napaka Over reacting niyo talaga,"
Awat naman sakanila ni Michelle dahil naiinis pa rin ito sa nalaman.
"Siguro naman kapag bumalik na tayo ay puwede na tayong makauwi ng mas maayos."
Baliwalang sabi naman ni Mikaela. Tumango naman rito si Jacob para sang-ayunan ang sinabi ng isa sa anak ng kanilang amo.
Nagpatuloy na muling mag lakad ang mga ito upang puntahan ang training building hindi rin naman nagtagal ang kanilang nilakad ay nakarating na rin ang mga ito sa harap ng malaking building na may tatlong palapag. Ang building na ito ay may puting kulay sa labas medyo may kataasan ito kahit sabihin na hanggang tatlong palapag lang ito.
Pumasok na sila sa loob ng building nasa unang palapag pa lang sila ay makikita mo na agad ang Shooting Range malaki rin ang kuwartong yon para sa mga nag iinsayo, dahil sakop nito ang isang buong ground floor.
Para naman sa pangalawang palapag ay ang Storage Room nandoon naman nakalagay ang iba't ibang uri ng mga armas. Mga dikalibreng baril at may iba't ibang uri ng Katana at Daggers kasama na ang mga nagtatalasang gamit para sa mga ninja mayroon din naman Pana at Arrow. May mga nakakumpuning bala sa may gilid ng silid. Dahil dun hindi na nakatiis ang mga itong mag komento dahil sa mga kagamitan na nakikita sa loob ng silid.
"Woah! Astig nito ha!"
Manghang manghang litanya ni Henry ng malapitan nito ang mga baril sa kaliwang parte ng silid.
"This is great!"
Napalakas na sabi naman ni Michelle habang hawak-hawak ang bakal na kulay silver na bow at arrow itinaas niya iyon para subukan kong maganda ba ang pagkakagawa nito. Hindi nito napansin na sa isa pala nilang kasama na itutok yun kung hindi pa nakapag react si Drix sa nakita.
"Woah, woah! Azey, Ang laki yata ng galit mo kay Khail hah! Talagang tinutukan mo pa ng hawak mo."
Sigaw ni Drix na naging dahilan naman para mapatingin sila sa tinitingnan nito. Gulat ang mga ito ng makita nila ang dalaga at sabay pang sinundan ang nakatutok na matulis na dulo ng arrow sa isang direksyon halos mapanganga naman ang mga ito dahil nakita naman nilang may hawak ng si Mikhail sa dulo ng silid habang nakataas ang kanang kamay na may hawak na riffle sa direksyon rin ng dalaga.
Sa totoo niyan nagulat lang naman talaga ang binata nang mapunta sa gawi niya ang matulis na dulo ng panang hawak ng dalaga kaya bigla na lang din nitong kinuha ang kung anong nahagip ng mga kamay nitosa may mahabang mesa at tinutok rin sa dalaga na hindi naman namamalayan ng binata na hindi pala niya nagawang ikasa man lang ang hawak na baril.
Ang dalaga naman ay hindi pa rin binibitawan ang kaniyang hawak dahil nagulat rin ito sa ginawa ng binata. Sa isip-isip pa nito— may balak ba 'tong barilin ang magandang ako? Hindi ko naman sinasadyang matutok 'to sakaniya.
"What the hell are you two doing?!"
Dinig naman nilang sabi bigla ni Shawnjaes habang unti unting lumalapit sa kapatid.
"I'm going to kill that creature."
Seryosong sabi bigla ng dalaga ng may nabuong kalokohan sa kaniyang utak. Dahil dun lalo namang napatanga ang mga kasama nito dahil sa sinabi ng dalaga.
Habang ang dalaga naman ay hindi na malaman kong paano pa pipigilan ang namumuong tawa sa kaniyang nakikita. Habang ang binata naman ay naniningkit na lamang ang mga mata sa narinig gusto na naman sabihin nitong tanga talaga. Habang napapairap na lang.
"Are you even that serious, Azey?"
Seryosong tanong naman ni Mikaela sa kaibigan, hindi nito lubos maisip na magagawang patayin ng kaniyang kaibigan ang kapatid niya— to think kakambal pa niya yon.
"Yeah, I'm dead serious."
Matapos nitong sabihin yon walang babala nitong pinakawalan ang arrow sa hawak na pana na nakapag pasinghap naman sa lahat.
Parang tumigil ang kanilang paghinga sa nasaksihan sa ginawa ng dalaga habang ang binata naman na si Mikhail ay napatanga na lamang at tila natuod sa kaniyang kinatatayuan parang walang balak iwasan ang anumang tatama sakaniya.
Naramdaman na lamang nito na may mabilis na hangin ang dumaan sa gilid ng kaniyang kanang pisngi konti na lamang ay madadaplisan na ito ng bagay na yon.
Mayamaya pa'y narinig na nila ang malakas na tunog na tumama sa may likuran ng pader. Napatingin naman doon ang iba at mas lalo pang napatanga sa nakita.
"s**t! Sharpshooter." biglang sigaw ni Drix ng makabawi ito sa pagkagulat sa nasaksihan.
"Oh my god! Azey, Ang galing mo!" tili naman ni Riyah habang nakatingin sa likuran ng binata.
"Woah! Akala ko talaga may balak ka ng patayin si Khail." sigaw naman ni Robi na natutulala pa rin.
"Ang astig non!" hindi rin naiwasang mag komento ni Henry sa may gilid. Habang ang dalaga naman ay sobrang lawak ng pagkakangiti habang nakatingin sa likuran ng binata.
Wala naman talaga siyang balak na masama sa binata gusto lang naman nitong subukan ang palaso nagkataon lang na nasa may likuran ito ng binata.
Pinagtripan lang naman niya talaga ang binata dahil gusto lang nitong gumanti sa lalaki. Kung ang dalaga'y masaya sa ginawa niya kabaliktaran naman nito ang binata dahil sa itsura pa lang nito na tila gusto ng pagbuhol buhulin ang dalaga sa kalokohan na ginawa nito isip-isip pa ng binata...
Hindi naman april fools day ngayon ha!
SAMANTALA, napanood naman ng mga magulang nila ang naganap ngayon ngayon lang. Hindi rin maiwasan ng mga ito ang matawa sa napanood dahil ang buong akala din talaga nila ay pagtatangkaan talaga ng dalaga ang buhay ng binata. Ngunit pinagtripan lang pala ito ng dalaga.
"That's my daughter!" papuri pa ng ama ng dalaga kaya agad nagsipaglingunan ang mga ito sa direksyon ng lalaki.
"Mortal enemy ba sila?"
Hindi naman naiwasan itanong ni Evengeline ang nanay nila Mikhail.
"Mortal enemy but soon to be lover."
Hirit naman ng ama ng binata kaya mas lalo pang nagsipagtawanan ang mga ito.
Sa katunayan, wala naman silang problema dun kung magkagustuhan man ang dalawa mas pabor pa nga ang mga ito kung magkataon na magkaroon ng tiyansang magkagustuhan ang mga ito atleast, mas mapapadali ang gusto nilang mangyari para sa dalawa. At hindi na kamo sila mahihirapan sa susunod na mga araw.
•••