Chapter 16

2163 Words
The Real Training Riyanah POV, "ALL OF YOU MOVE FAST!" Kanina pa sumisigaw si kuya Jacob sa malayo mas pinapabilis pa nito ang kilos namin sa pagtakbo habang tumatalon sa mga patong-patong na hollowblocks. May taas na hanggang tuhod. Magugulat kana lang kasi sa pagtakbo mo ay may bigla-bigla na lang sumusulpot na pader kaya mapapatalon kana lang talaga kaagad. Nagagawa nga naman ng teknolohiya. Haggard na ang beauty ko dito! Ilang araw na ba kaming nag pa-practice? Tatlong araw?! Yeah, tatlong araw na nga. Noong mga nakaraang araw hinayaan lang kami ng mga itong mag libot-libot sa lugar na 'to, sa pag wa-wander nga namin ay may mga natuklasan din kami dito like, this one— may tower pala dito, yeah! Check na check may tower dito sa may pinaka dulong bahagi ng lugar na 'to ngayon naiintindihan ko na kung bakit Lionsnake Glasswall Tower ang pangalan ng lugar na 'to dahil sa tower na yon. At isa pa may kataasan din ang tower na yon at sa taas non may malaking wall clock na gawa naman sa ginto pero hindi ko naman makita kung gumagalaw ba ito dahil sa may kataasan nga yon, baka pag gumamit kami ng telescope ay makita namin ang orasan na yon. Who knows? Diba. So, back to what I have said: hindi ko alam kung para saan ba yon. At take note Gals, gawa rin yon sa glass—natural kaya nga glasswall tower ang tawag. Alangan namang pangalanan ng ganun yon kung gawa yon sa bato? Awat naman sa 'kin ng kabilang bahagi ng utak ko. Duh! Buti na lang maganda talaga ako. "RIYANAH CLINTON... WHAT THE HELL ARE YOU DOING? ANG SABI KO BILISAN! HINDI KO SINABING TUMUNGANGA KA LANG D'YAN." Halos mapatalon ako sa pagkagulat— actually napatalon na talaga ako at hindi lang yon napasigaw na talaga ako. Grabe parang dumagundong yung kinatatayuan ko nung sumigaw si kuya Jacob ng sobrang lakas hindi ko kasi napansin napatigil na pala ako sa ginagawa kong pagtakbo dahil sa lalim ng iniisip ko Wahhh! Nakalimutan kong pinapabilis pa pala kami nitong tumakbo eh! Dahil maganda ako nakalimutan ko yun huhuhu... naalala ko nga pala bawal pala kaming mag easy-easy-han sa lahat ng trainings namin dahil hindi lang isa ang mabibigyan ng punishment kundi kaming lahat. Waahhh! Hindi ko naman sinasadya eh, nadala lang ako sa pag iisip dahil ang magandang katulad ko kailangan din mag isip hindi puro ganda na lang. My gosh! Ngayon ihahanda ko na ang sarili ko para sa punishment na ibibigay sa 'kin, Ah hindi may karamay pala ako kasi nga lahat nga pala kami mag sa-suffer nito. I'm sorry Gals pero kailangan niyo rin makaranas ng pagpapahirap. Ika nga ng iba— face the consequences for what you've done! Grabe naman si kuya Jacob binigyan lang ng credit nila Mom na puwede niyang gawin ang lahat sa 'min. Te-naked advantages niya agad. wala naman siyang matatanggap na consolation price galing sa mga magulang namin... pero tinuloy pa rin niya matapos lang 'tong training na 'to Who you ka sa 'kin! kuya Jacob, huh! Na-shock ako yes nagulat na nga lang ako... nung may biglang bumatok at humila ng napakaganda kong buhok tiningnan ko naman sila ng masama dahil masakit yun. Para sa 'kin na maganda natural lang sa 'kin ang masaktan duh! "Aww naman Azey, Red masakit yun hah!" Angal ko dito sa dalawa, hindi ko napansin nasa tabi ko na pala silang apat. Lagi ka namang walang napapansin eh! Bida-bida talaga 'tong bahagi ng utak ko tsk. Buti maganda ako. "Mas mabuti nga yan, tingnan mo ngayon yan imbes wala tayong punishment at matiwasay nating matatapos 'to pero anong kagagahan ang ginawa mo? Nagpaka estatwa sa kalagitnaan ng training na parang tanga." Diretsyong sabi naman ni Azey. Ito talagang babaeng 'to walang preno ang bibig. Buti na lang maganda siya, just like me. "Waahhh! Hindi ko naman sinasadya eh." Mangiyak ngiyak ng sabi ko naman dito. Diba nga sabi ang mag kakaibigan walang iwanan, bakit parang ayaw nila kong damayan ha! Dahil ba sa dyosa ako? Luh! Magsasalita pa sana si Red ng maunahan ito ni kuya Jacob yan— yan mag uumpisa kana naman d'yan kuya Jacob panira ka talaga ng moment pasalamat ka dyosa talaga ako. "All of you, you need to hide yourself wala kayong ibang gagawin kung hindi ang magtago para depensahan ang mga sarili niyo—" "Hindi ba kami puwedeng gumanti? Puro hide na lang ba? Maglalaro ba tayo ng hide and seek? Sino bang taya?" Sunod sunod na tanong ko habang nakataas pa ang kamay sa ere na parang gusto lang mag recite kaya napatigil si kuya Jacob sa pag papaliwanag ng gagawin. Napahilamos naman ito sa mukha niya na halatang naiirita na, okay lang yan gwapo naman siya. "Paano mo malalaman kung pabida kana naman d'yan alam mong nag sasalita pa yung tao, sige ka barilin ka pa niyan ewan ko na lang sayo. Ako na bahala sa pagpapa-kape." Aki said. "Ako na sa lupa ng paghihimlayan mo Riyah." Hirit naman ni Red "Ako na bahala magpasunog sa katawan mo." Sigunda naman ni Rae. "Ako na bahala sa pag papadasal mo." Malakas pang sabi ni Azey. "Gals, Stop scaring me to death! Ayaw ko pang mamatay ng maaga." naiiyak ng sabi ko sakanila kasi naman masyado na nila akong tinatakot. "E'di sa gabi na lang para naman madilim... at wala ng araw." hirit pa rin ni Azey habang may pananakot pa sa tono ng pananalita niya. Oh my god! Mommy help me.... "Are you done chit chatting? Puwede na ba akong mag salita ulit?" Napatingin ulit kami sa harapan ng biglang nag salita si kuya Jacob gamit ang seryosong tono kaya naman pare-parehas lang kaming napalunok. Oh my gosh! Nakalimutan na naman namin si kuya Jacob Baka umuusok na ang matangos niyang ilong sa konsumisyon. Baka mamaya bigla na lang manuwag yan. "Go on, kuya Jacob." baliwalang sagot naman dito ni Azey, hindi ba siya natatakot kay kuya Jacob? dahil parang wala lang itong pakealam sa presensiya niya. Huh! "So, yon nga kailangan niyo lang depensahan ang mga sarili niyo. Kapag natamaan kayo ng kung ano man bagay dito ay ibig sabihin lang non kayo ang maglilinis ng kalat dito sa Open field. This is for your punishment. Be alert and stay focus if you don't want to clean this mess." "Oh, one more thing. You'll doing this by group. So, better stay close to your team," Sosyal ni kuya Jacob englisero eh! Dinaig pa yata ako nito. Pero okay lang maganda naman ako. Connect? Lahat naman kami sumang-ayon sa plano ni kuya Jacob takot lang madagdagan ng punishment duh! Michelle POV, Kanina pa kami ditong nakaupo habang nakatunganga ang sabi ni kuya Jacob pag planuhan ang mga strategies na makakatulong samin pero anong nangyari? Wala! Nakatunganga lang kaming lima dito yeah! Lima lang kami, at ang masaklap pa napunta kami ni Rae sa tatlong lalaking walang ginagawa kung hindi ang manahimik lang sa isang tabi, puwera nalang kay Mikhail nakakausap ko pa parang ewan nga lang. Si Jaes naman minsan ko lang din makausap naku naman. Tapos si my Cutie Raiden sobra naman sa tahimik. Hindi kaya mapanis saliva nito? Crush ko pa naman siya. Shhhhh lang kayo d'yan. "Any plan?" Hindi nakatiis ng tanong ko. Tumingin lang naman sila sa 'kin na para bang bored na bored na sa mga nangyayari. Goodness, ilang minuto na lang magsisimula na ang paandar ni kuya Jacob buti pa yung kabilang grupo masinsinang nag uusap ng mga gagawin. Ayaw pa rin nilang mag salita kaya naman napairap na lang ako. "Jaes, What the hell tutunganga na lang ba tayo dito?" Inis kong tanong sa kapatid ko kaya naman napatingin ulit ito sakin. Duh! ang concern ko dito ayaw kong maglinis ang dami pa namang kalat dito. Si jaes na lang ang tinanong ko alangan naman si cutie Raiden ang tanungin ko baka mapahiya lang ako sa hindi pag pansin nito sakin. Kawawa naman ang dyosa kong mukha. At kong si Mikhail naman ang kausapin ko? Nahh, huwag na lang nag iinit na agad ang ulo ko dito. Wala pa rin sumasagot sa 'kin kaya mas lalo akong naiinis. "Bakit ba ako napasama sa grupong 'to!?" inis na reklamo ko. "Ask yourself." "Tinatanong ko na nga." sabi ko naman na hindi napansin na may sumagot pala sa sinabi ko. "Tanga talaga. Tsk," Para namang biglang uminit ang ulo ko ng marinig ko na naman ang linyang yon kaya naman napatingin ako sa harapan ko at ang walang hiya umirap lang. "Hoy! bakla kaba?" Nagiging hobby na kasi ang pang iirap. "What the heck! I'm not gay. You stupid creature." Hysterical pang sabi nito. Defensive eh! "Ows, hindi nga ba?" Pang aasar ko pa dito, dahil mukhang wala talagang balak silang mag plano mang aasar na lang ako. "Yeah! I'm not, akala mo ba nakalimutan ko ng muntik mo na akong mapatay?" Inis na inis ng sabi nito. Hindi pa rin niya nakakalimutan yon! Kasalanan ko bang hindi man lang siya umiwas? "Kasalanan mo na yan hindi ka umilag." Baliwalang sabi ko naman rito na lalo pa niyang ikinainis lukot na lukot na nga ang noo nito habang masamang nakatingin sakin. Mag sasalita pa sana ito ng tinawag na kami ni kuya Jacob mag uumpisa na raw kaya tumayo na lang kami. Doon na ako kinabahan dahil wala naman kaming plano. Kinalabit ko si Rae kaya napatingin naman ito sakin. "Anong feeling ng walang plano ang ka team mo?" tanong ko dito habang naglalakad kami palapit kila kuya Jacob. "It sucks." sabi naman nito. Napatango tango na lang ako. I feel you Rae. *** Kanina pa kami nagtatago dito sa pinagpatong-patong na hollowblocks habang hinihintay umatake ang tatlong Reapers. Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ni kuya Jacob at ito ang pinagawa sa 'min pinagtitripan lang yata kami nito eh! Gaano ba kahirap ang mag palipat lipat? Sa mga nagkalat na hollow blocks? Hiwahiwalay ang mga ito tapos sa tantiya ko may mahigit sampung hakbang bago ka makarating sa pangalawang hollowblocks na yun. Nang makalapit kami kila kuya Jacob Sinabi nitong sumunod kami sakaniya kaya ayun sumunod naman kami, tapos dinala kami nito sa may likod ng building kung nasaan nakalagay ang mga armas. Kaya naman pala kami pinapunta rito dahil ito ang ipapagawa sa 'min. Sus chicken! Lumingon ako sa kabila kung nasaan sila Aki, nakatago na rin ang mga ito mukhang kampante lang sila. Sige kayo na may plano. Nakarinig kami ng sigaw hudyat na mag sisimula na ang kalokohang binuo ni kuya Jacob. Nagulat ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok mula sa malayo kaya napayuko na lang ako. s**t! Hindi ko inaasahan na baril pala ang gagamitin nila. Paano kung mamatay kami? Paano kung matamaan kami ng bala? Paano kung bigla na lang akong bumagsak at wala ng buhay? Goodness! Ayoko pa mamatay no. "Hindi kayo makakaalis d'yan kung magtatago lang kayo ng magtatago." Tuloy pa rin ang pag papaputok nila sa 'min kaya napapayuko na lang kami mahirap na baka matamaan pa no. "Ang sabi mo kanina magtago lang kami. Ha?" balik na sigaw rin naman ni Riyah. Oo nga naman may punto siya dun. "Sige magtago ka lang ng magtago para hindi kayo makarating sa finish line." Sigaw din ni kuya Jacob pabalik, yeah! May punto din siya dun. Natigilan ako ng may humawak sa braso ko paangat kaya napatingala ako dito. Si Jaes lang pala, ng tuluyan na kong nakatayo at hinawakan na nito ang pulsuhan ko at sinenyasan akong tumakbo nauna na pala si Rae sa 'min tumakbo kaya tumakbo na rin ako napapasigaw pa nga ako dahil kami yung pinapatamaan ng ibang Reapers. Gosh! Pag natapos lang 'to lagot kayo sa 'kin. Huh! Agad agad kaming nagtago at naghintay pa ng ilang minuto bago ulit lumipat sa ibang puwesto. Mygosh! Ang dami ng tumutulong pawis sa mukha ko. s**t talaga makapagbabad na nga lang sa bathtub mamaya. Puro sigawan na lang ang naririnig ko pati na rin ang masakit sa tengang mga paputok. Ano ba, lagi na lang ba kaming hahabulin ng bala? Bakit ko ba napasukan 'to? Baka ito pa ang ikadali ng buhay ko. Jusko ayoko pa mawala sa mundong ibabaw mahal ko pa ang buhay ko. Marami pa akong pangarap. Mag aasawa pa ako. At— "Stop day dreaming. Stupid," buwiset na lalaking 'to. Kanina pa ako napupuno dito. Ha! "Ano bang problema mo?" Inis ko ng sabi dito habang tinataasan siya ng kilay. "Tara na," Asar nitong sabi sa 'kin saka ako hinila upang tumakbo. Napasigaw ako ng muntikan na akong tamaan ng bala. Tatamaan na talaga sa 'kin yang lalaking yan. Sobrang hingal na hingal na ako pagod na talaga ako kakatakbo. Gusto ko ng mag pahinga. Gusto ko ng matulog. Gusto ko ng kumain dahil nagugutom na ako. Lagot ka sa 'kin Riyah mamaya. Huwag ka lang mag papakita sa 'king babae ka. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD