Alas sais pa lang ng umaga'y ginising na agad kami ng nakakabinging tunog ng kampana na nasa labas. Kahit labag sa kaloob-looban ko ang bumangon sa malambot na higaan ay wala akong magawa dahil paulit-ulit pinapatunog ng kung sinong taong nasa labas ang nakakairitang kampana.
Padabog kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa may sabitan nito pati na rin ang bathrobe. Padabog ko ring sinara ang pintuan ng banyo ng makapasok ako sa loob para maligo. Tamad na tamad akong naligo dahil sobrang inaantok pa talaga ako, parang hinihila ako ng malambot na kama pabalik sa pagkakatulog.
Nararamdaman ko rin ang pagkirot ng mga parte ng aking katawan. Dahil sa bugbog ito sa pag iinsayo mula pa noong nakaraang linggo. Halos mag dadalawang linggo na rin kami sa lugar na ito, at halos mag dadalawang linggo na rin akong nakakaramdam ng pagod dahil sa mga pinag-gagawa rito. Torture, yeah! Torture talaga 'to para sa 'min.
Nakakaloko 'to, parang pinaparusahan kami ng mga kasama ko sa mga pinag-gagagawa namin. Para kaming sumasabak sa giyera araw-araw dahil sa mga trainings na pinapagawa sa 'min nila kuya Jacob at ate Yumi, Hindi ko nga alam kung sinasadya ba nilang pahirapan kami? O talagang natutuwa silang pahirapan kami ng sobra-sobra? Nasaan ang hustisya? Kailan ba matatapos 'to? Kailan ba kami babalik sa Manila? Baka na drop-out na kami sa University? Ilang linggo na rin kaming hindi nakakapasok sa eskwelahan.
Matapos kong maligo nagbihis na rin ako kaagad upang magtungo sa baba. Baka nandoon na rin sila? At baka ako na lang ang hinihintay? Ayokong masermunan ni kuya Jacob ang sungit pa naman non. Last day pa naman namin ngayon sa trainings, baka ma-extend pa pag nahuli ako.
"I can't do this anymore. I'm so tired." Riyah said.
"Kayanin mo, last day na natin 'to ngayon ka pa ba susuko?" Sabi naman ni Aki sa tabi nito.
"Oo nga Riyah, kaya mo yan. Kaya natin 'to... sama-sama nating tatapusin ang laban na itong sinimulan natin."
Wow ha!
"Red, May ganun talaga?" Hindi ko na napigilang sabihin.
"Humuhugot kaba, Red?" litanya naman ni Riyah.
"Ah, hindi. Shut up kana lang."
Sabi naman ni Red matapos simangutan ito. Napailing-iling na lamang kami sa mga naririnig. Nakakapagod na nga 'tong ginagawa namin eh, puro kalokohan pa rin.
"Tumigil na nga kayo dyan. Ang overreacting niyo kala nyo naman kayo yung nasa gitna na nakikipaglaban eh, nakaupo lang naman kayo." Saway bigla ni Rae kila Red kaya napatigil na rin ang dalawa sa kabaliwan.
***
"Aww" Daing ko.
"Hey, Azey are you okay?" nag aalalang tanong naman sa 'kin ni Aki.
"Okay lang." sabi ko na lamang habang hawak-hawak ang braso ko na tinamaan ng Arnis. Walangya ka, Robi masakit yon ha!
"Uh, Azey sorry. Hindi ko sinasadya." sigaw ni Robi sa 'kin. Hindi pala sinasadya ha. Agad ko itong hinampas ng Arnis gamit ang kanang kamay ko. Gantihan lang, nginitian ko pa ito ng nakakaloko ng mapangiwi ito kamuntik pa niyang mabitawan ang Arnis na pinatamaan ko.
Dahil doo nag umpisa na muli itong sumugod para hampasin rin ang hawak kong Arnis. Sunod-sunod itong tumira at halatang ayaw akong tigilan hanggat hindi nito napapatamaan ako. Wala akong ibang ginawa kundi dipensahan ang sarili ko.
Parati kong bina-blocked ang mga tira nito kapag sumusugod at pag hindi naman ako na rin mismo ang unang sumusugod napapa-atras lang din ito sa ginagawa ko habang napapangiwi.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti pag napapansin kong nahihirapan na rin ito sa laban naming dalawa. Mabibigat ang mga hampas ang ibinibigay ko rito para ramdam na ramdam niyang hindi ako mag papatalo kahit na lalaki pa siya.
Hindi ko nga alam kung bakit siya ang kalaban ko ngayon sa training na 'to? Basta ang alam ko lang tinawag kami ni kuya Jacob para sa close combat gamit ang Arnis na gawa sa kawayan.
Noong una parang pinagbibigyan lang ako nito kaya nainis ako't bigla ko itong hinampas ng pagkalakas-lakas kaya naman napasimangot itong tumingin sa 'kin. Nginisihan ko lang naman siya tapos kinindatan na lalong kinasimangot nito. Narinig ko rin ang pagtawa ng mga kasama ko na nakaupo sa gilid habang pinapanood kami.
"May galit ka ba sa 'kin, Azey?" nakasimangot pa talagang tanong ni Robi.
"Wala. Masyado mo lang kasi akong minamaliit kaya naiinis ako." sabi ko dito matapos ko itong irapan na ikinangiwi niya.
"Oh sige, e'di hindi na. Seryoso na 'to."
Sabi pa nito habang napapataas pa ang kilay. Nagsimula ulit itong sumugod at natitiyak kong seryoso na talaga ito dahil sa biglang pagbilis ng mga galaw nito kaya naman heto na naman ako tanging depensa na lang ang nagagawa.
Oo sa pagka-seryoso na nito ngayon nahihirapan na din ako. Pero medyo lang, medyo lang dahil maganda ako! Mas binilisan ko na rin ang pagsugod rito. Tingnan natin ngayon kung sino ang matatalo.
Sa kakasugod ni Robi hindi na nito napansin ang kung anong gagawin ko kaya naman nagulat ito ng ilayo ko ang sarili ko sakanya ng kaunti pagkatapos ng huling tira nito humakbang ako para magamit ko ang kaliwang paa ko para sipain ito ng malakas sa bandang tyan habang nakatagilid ako rito dahilan para mapahawak ito sa kaniyang tyan.
Hindi ko pinansin ang pagdaing nito pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko ng makatayo ito ng diretsyo agad kong hinampas ang hawak nitong Arnis ng malakas dahilan para ma-out of balance siya at matumba itinutok ko agad dito ang hawak kong Arnis sa kanang kamay mula sa kaniyang leeg, habang nakahawak din ang kaliwa kong kamay sa may bandang dibdib nito upang hindi ito makatayo nakadagan rin ang isa kong paa sa may tyan nito habang ang isa'y nakaluhod sa sahig.
Matapos non tinulungan ko rin naman itong makatayo. Nginitian ko pa ito ng pagkatamis-tamis na ikinasimangot naman nito.
"Naisahan mo ko doon ha!" Napapailing-iling pang sabi nito.
"Syempre, maganda ako." Nakangiti kong sabi dito na ikinatawa na lang nito.
***
Matapos mag tanghalian pinag pahinga lamang kami ng ilang sandali at mag papatuloy muli sa pag ti-training. Hindi ko alam kung ano naman ang gagawin namin mamaya. Matapos kasi ng laban namin kanina ni Robi ay pinabalik muna nila kami dito sa mansyon para mananghalian. At ang sabi pa maghapon kaming mag ti-training.
Para saan ba 'tong ginagawa namin? Para saan ba 'tong paghihirap namin? May ibig sabihin ba ang lahat ng ito? Hindi ko na alam, dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila sinasabi kung para saan ba talaga ito. Ang dami ko na tuloy tanong na hindi naman masagot-sagot. Sige, sabihin na nating nasasagot naman pero hindi naman lahat. Anong akala nila sa 'min manghuhula? Nasisira ang beauty ko rito eh.
Natigil ako sa pagpipindot ng phone ko ng may naramdaman akong kumalabit sakin. Tiningnan ko ito at tinanong.
"Problema mo?" Ang magandang katulad ko hindi dapat iniistorbo ng wala lang.
"Pinapatawag na tayo sa West ground."
Sagot naman ni Henry na nasa tabi ko na pala. Tumango na lamang ako para sa pagsang-ayon. Ang West ground ay ang tinatawag na Racing Field. So, ito ang susunod naming training? Exciting hindi ko tuloy maiwasan ang mapangisi.
"Oh, Oh hindi ko gusto yang ngiti mo Azey." Komento naman ni Robi habang napapangiwi.
"Bakit ano bang masama sa pag ngiti ko?" Para talaga silang ewan, na-excite lang naman ako sa naiisip ko.
"Masamang masama!" sabay nilang sigaw sa 'kin kaya naman hindi ko maiwasan ang mapairap. Ang sakit sa tenga.
"Whatever! Tara na nga." Tumayo na rin ako para matigil na ang mga 'to sa ka-OA-han nila.
Maingay kaming nakarating rito sa West ground. Pulos kuwentuhan ang pinagkaabalahan ng mga kasama ko rito. Ewan ko ba d'yan hindi man lang yata nakakaramdaman ng pagod samantalang kanina pa kaming alas syete ng umaga nag umpisang mag training. May mga lakas pa rin sila pagdating sa mga kalokohan eh.
"Woah!" napatingin ako kay Drix ng bigla itong napatigil sa paglalakad kamuntik pa nga akong mabunggo sa likuran nito kung hindi lang ako nakaatras.
"Problema mo?"
Parang ewan kasi. Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil napatingin na rin ako sa kanina pang tinitingnan na nito. oh my goodness! Ang gagandang Sport Cars naman nito, agad-agad akong napalapit sa mga nakahilerang Sport Cars iba't ibang kulay ang nandito pulos magaganda, sa palagay ko gawa itong lahat sa mamahaling materyales dahil sa hindi ito pang karaniwan lang.
Sa lahat ng kotse'ng nakahilera rito ay mas nagustuhan ko ang kulay pulang ducatti kaya agad ko 'yong pinuntahan. Ganun na rin naman ang ginagawa ng mga kasama ko ang iingay pa nga nila habang binubusisi ang kanilang natipuhan. Hindi sinasadyang napatingin ako sa harapan ng plate number nito, may naka engrave dito. Denveraj Cars Inc. Wait! Samin 'to hah. Dahil sa nabasa ko napagtanto kong sa 'min nga ang lahat ng sasakyan nandirito... isa ito sa mga company ni Dad. Hindi ko lang alam kung alam ba ito ni Jaes? Pero sa tingin ko alam naman siguro. Imposible namang hindi.
Napalingon ako sa taong kumalabit sa 'kin napag-alaman kong si Jaes pala ito. Tiningnan ko lang naman ito hinihintay na may sabihin ito sa 'kin.
"Denveraj Cars Inc. Si Dad ang may-ari nito diba." so may alam nga talaga siya.
"Yeah, the 1st company he owned." Napatango tango naman ito sa sinabi ko.
"Ayan na ba napili mo?" turo nito sa pulang Sports Car sa tabi ko.
"Yep, Sa'yo?"
"Nice choice. The one with the colour royal blue is mine." sabi naman niya sabay turo sa kulay royal blue na nasa tabi lang ng pulang Sports Car. napatango-tango naman ako sa napili nito maganda rin sobrang kintab.
"Hanggang saan kaya ang bilis nito? Kung sa kay Dad galing 'to hindi ito basta-basta." komento ko pa rito.
Hindi na ito nakasagot pa sa sinabi ko dahil inutusan na kaming magsipasok sa sasakyan ng matapos mag bigay ng mga detalye ni kuya Jacob sa mga kailangan naming gawin. Paunahan sa finish line... but this time may twist! What kind of twist is that? Akmang bubuksan ko na ang pinto nito'y may sinabi pa muna si Jaes sa tabi ko.
"Careful, lil-sis."
Mahinanag sabi nito sa 'kin kaya naman napangiwi ako dito. Tumango na lang ako para hindi na ulit ako paalalahanan pa. Mataman akong naghihintay sa go signal ni kuya Jacob mula sa labas. Prenteng nakahawak lang ako sa manibela at ang paa ko naman ay nakaapak sa may gas. Nakita kong itinaas ni kuya Jacob ang kaniyang kamay sa ere habang naroon ang maliit na pistol napansin ko ring kakalabitin na nito ang gatilyo kaya naman pinatunog ko na ang makina nitong sasakyan. Puro ingay na lang ang naririnig ko dahil sa kanikanilang ginagawa sa sasakyan. Hindi ko maiwasan ang mapangisi dahil sa excitement, this is it!
Napabaling ako ng tingin sa kaliwa ko hindi naman masyadong tainted ang salamin kaya makikita mo kung sino ang nasa loob nito. Napairap na lang ako ng makitang si Mikhail pala ang nakasakay don. Napalingon din ito sa 'kin kaya naman nagkatinginan kami nakita ko pa itong biglang umirap.
Nagulat na lang ako ng biglang pinaputok ni kuya Jacob ang hawak na maliit na pistol hudyat na nag sisimula na ang race. Hindi ko agad napaandar ang sinasakyan ko kaya naman medyo nahuli ako sakanila. Napailing na lamang ako sa nakikita ko, mas nag uunahan kasi ang dalawang kotse na minamaneho nila Jaes at Mikhail, halata mong parehong ayaw mag patalo sa isa't isa sinusundan rin naman sila ng isa pang Sports Cart na kulay dilaw mabilis rin itong mag patakbo kaya konti na lang maaabutan na nito ang dalawa.
Anong akala niyo kayo lang ang nag lalaban dito? Uh-oh! Mabilisan kong inapakan ang gas upang bumilis pa lalo ito halos nasa 170kph na ang bilis nito. Diretsyo lang ang tingin ko sa unahan nalalagpasan ko na rin ang ibang mga nauna sa 'kin kanina. Hindi ko masyadong makita kung sino ang mga nasa loob ng kotse dahil sa bilis ng pag papatakbo namin dito.
Ilang minuto na rin na ganoon ang nangyayari nauungusan ko sila sandali at humahabol rin naman kaagad. Mas dinagdagan ko pa ang bilis ng pag papatakbo ko nasa hulihan na ako ng kulay itim na Sports Car. Hinanapan ko ng butas ang daraanan ko para kahit papaano may malulusutan akong makakapag bigay ng kahit konting espasyo dito sa sinasakyan ko. Sa paghahanap ko napangiti na lang ako. So, puwede pala akong dumaan sa gitna. Inapakan ko ang preno ng marahan para mas mauna ang nasa unahan na dalawang sasakyan, hindi nga ako nag kamali dahil parehong binilisan ng mga ito ang pag papatakbo. Lihim akong napangisi sa nakita.
Mabilis kong inapakan ang accelerator at diretsyong tumingin sa harapan ni hindi ko na magawa pang kumurap naririnig ko rin ang ingay sa labas gawa ng gulong ng sinasakyan ko at ng iba pa. Ginalaw ko ng pakanan ang manibela para makadaan sa pagitan ng dalawa pang Sports Car sa unahan. Narinig ko pang napamura at sumigaw ang nasa loob niyon kaya naman napahalakhak na lamang ako.
Nang malagpasan ko ang mga ito'y napansin ko ang napasukan ko pala ay isang tunnel na sa tingin ko'y kasya ang nasa higit na sampu pang mga sasakyan dahil sa laki nito. Sa gulat ko'y mabilis kong naigilid ang sasakyan na minamaneho ko dahil sa may bigla na lamang lumitaw na kung ano sa harapan ko. What's that? Hindi ko alam kung ano yon dahil nong iginilid ko ang sasakyan nawala bigla iyon. Hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin yon, nag patuloy akong muli sa pagtahak ng daan palabas sa tunnel na ito.
Nasa likuran ko na rin ang iba pa na mga kasama ko. Napa-preno agad ako ng may lumitaw na tao sa harapan ng kotse, dahil sa ginawa kong 'yon agad rin nag preno ang nasa likuran ko. Narinig ko pa itong sumigaw at nag mura sa nangyari. Well, it's not my fault anyway.
"The heck! Bakit ka ba bigla na lang nag preno? Muntik na yung nasa likuran mo ha."
Dinig kong sigaw ni Drix na nasa gilid ko na pala napansin ko ring nakababa na pala ang salamin nito kaya naman ibinaba ko rin ang sa 'kin.
"Eh, kasi may tao. May napansin ka ba?" Balik ko ring sigaw rito. Imposible namang ako lang ang nakakita.
"Wala akong napansin. Ano ka nababaliw? Nasa gitna tayo ng race mukha bang may maliligaw na tao rito?" Pero hindi eh, meron talaga.
Sasagot pa sana ako ngunit hindi na rin natuloy dahil narinig ko na ulit ang ingay ng mga sasakyan mula sa labas. Mukhang pare-pareho lang silang walang nakita. Dahil kung meron man kanina pa nag sipag babaan ang mga ito. Napailing na lamang ako at nag patuloy na muling magmaneho. The hell is that? Hindi naman siguro ako namamalik-mata lang? Nakita ko talaga eh. Nag patuloy muli ako sa pagmamaneho ng walang imik, mabilis na ulit kaming nag papatakbo ng mga sasakyan palabas ng medyo madilim na tunnel. Hindi ko alam kung saan na kami papunta nito hanggang sa makarating kami sa finish line.
•••