Halos mag-iisang oras na hindi pa rin kami makarating sa finish line dahil sa mga humaharang sa 'min. Hindi ko na nga alam kung saan ba nanggagaling ang mga ito? Wala akong magawa kundi ang umiwas na lamang. Yun naman lagi e, kung alam mong hindi mo kaya umiwas kana lang para hindi kana masaktan. Pero anak ng kalabaw kanina pa ako umiiwas dito hindi pa rin ako tinatantanan ng mga 'to. Bigla akong napalingon nang makarinig ako ng sigaw kasabay ng pagbagal ng sports car na sinasakyan ni Rae, sumabay ito sa 'kin kaya naman medyo binagalan ko na lamang ang pagpapatakbo ko at ibinaba ang bintana nitong sinasakyan ko ganon rin naman ang ginawa nito.
"Azey, Follow my instructions." sabi lamang nito kaya naman nagtaka ako. Bakit kailangan kong sundin ang sasabihin niya e magkakalaban kami dito? Sa huli mas pinili ko pa rin namang makinig sakaniya.
"Okay! Spill it out, Rae,"
"Have you seen the mini tablet in front of you?" tanong nito habang mabagal pa din ang pagmamaneho.
"Yeah,"
"Good. Now, click the red botton on the right side. Azey, Then put your right tumb finger at the screen."
Patuloy na sabi nito kaya naman agad ko ring ginawa ang pinapagawa nito. Napanganga na lamang ako ng matapos kong pindutin ang kulay pulang bilog ay bigla na lamang itong gumalaw at medyo lumaki ito, may lumabas din ditong finger prints na kulay asul. Ginawa ko ulit ang sunod na sinabi ni shie inilapat ko nga dito ang right tumb finger ko. Agad itong umilaw ng kulay green sa mga gilid-gilid nito. Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na din ito sa pag ilaw kasabay ng paglabas ng mga letra.
Passcode Activated
Agad rin namang nawala ang mga letrang iyon at bumungad sakin ang mga mukha ng mga kaibigan ko sa malaking screen. Nagkasya silang lahat dito sa screen? Hindi literal na nasa loob sila ng monitor. Tsk! conference call it is...
"Hello there! Azey," agad namang sabi ni Riyah sa monitor habang ikinakaway pa nito ang kanang kamay.
"Pano niyo nalaman 'to?" agad ko ring tanong sa mga ito. The fudge! Sa'min ang sasakyan na 'to pero wala akong alam tungkol dito.
"Riyah, just discovered this thing a while ago." pag singit naman ni Jaes sa kabilang linya. Kahit ganun pa man ang nangyari hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha, hindi ko akalain na kahit pala mga boses namin ay puwedeng marinig ng bawat isa. What a brilliant idea.
"So anong pinaka purpose ng pag uusap na 'to?" singit naman ni Aki.
"Stay connected with each other, don't let your guard down. We're not the one who's fighting here ... we just need to run by using our cars. Be Safe," makahulugang litanya ni Jaes. Seryoso pa rin ito hanggang ngayon pati sa pagsasalita nito ay ganun pa rin.
"What do you mean? Jaes," hindi ko maiwasang magtanong nagtataka talaga ako kung bakit ganito ang sinabi nito samin.
"Ohhhh! What do you mean?" pakantang sinabi rin ni Riyah sa kabilang linya. Nasapian na naman. Tsk!
Hindi na nakasagot pa sa tanong ko si Jaes dahil nagulat na lamang kami ng biglang may nagsipaglaglagan na mga palaso sa aming kinalulugaran. halos mapamura ako dahil sa gulat kitang kita ko rin ang mga kasamahan kong pawang umiilag sa mga palasong nag babagsakan galing sa itaas. Samot saring mura na rin ang naririnig ko sakanilang lahat. Pagewang gewang na rin ang mga sinasakyan nila kakailag sa mga ito. Masyado na rin mabilis ang pagpapatakbo nila at parang konting konti na lang maaari na kaming magkahiwahiwalay sa pagmamadaling umiwas dahil baka isa samin ay tamaan ng bagay na iyon. Hindi ko inaasahan na may palaso palang tatama sa harapan ng salamin nitong kinasasakyan ko kaya naman bigla ko na lang kinabig ang manibela pakaliwa ng sobrang bilis at hindi man lang iniisip kung tama lang ba ang ginawa kong pagliko. Napalakas pa ang mura ko ng muntikan ng mahulog sa bangin ang sinasakyan ko mabuti na lamang nailiko ko rin ito ng mabilisan. Nakarinig din ako ng ilan pang mura sa mga kasama ko dahil sa nangyari.
"What the heck! Azey, that was a risky stants." Khail said with a serious tone.
"Damn, don't do that again Azey, be careful the next time ... Mom and Dad will gonna kill me if something bad happens to you."
pasigaw na sabi sakin ni Jaes habang may seryosong mukhang nakatingin sa monitor. Napangiwi na lamang ako habang napapakamot pa sa ulo ko nag peace sign na lamang ako sa kanila. Nakita ko rin kung paano sila sabay sabay na nagsipag-ilingan sa inasta ko.
"Raiden ilag." sigaw ko ng may papalapit sakaniyang palaso. Agad din naman syang nakailag dahil napansin nitong may tatama nga sakanya.
"Thanks." maikling sabi lang nito at binigyan lang ako ng maiksing pag sulyap. Okay lang ... okay lang kung mabilis na pag sulyap lang ang ibigay mo sakin, basta ang mahalaga sinulyapan mo pa rin ako.
Nagpatuloy ulit kami sa mabilisang pagpapatakbo ng mga sasakyan. Hindi ko na alam kung ilang minuto na kaming ganito lang ang ginagawa. Sa bawat may tatama samin ay wala man lang kaming magawa kundi ang umilag na lamang naaasar na nga ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin namin maaninag kung nasaan ba ang finish line?
"Hindi na ba matatapos 'to?" napatingin ako sa screen ng biglang umimik si Aki. Sa tingin ko ramdam na talaga nito ang pagod.
"We never know, Aki." segunda naman ni Red.
"Gosh! I'm so tired— What the fudge! Who the ugly face shoot in my way?"
Angal naman ni Riyah, kasabay ng pagpapaputok ng baril sa kaniyang harapan. Agad rin naman syang nakailag kaya hindi natamaan ang sinasakyan niya. Kitang kita ko dito na iritang irita na ito dahil magkasalubong na ang mga kilay nito. Napailing na lamang ako sa isipin na halos lahat kami dito'y nauubusan na ng pasensya.
Bukod sa mga palasong pinaulanan samin kanina ay sunod sunod naman kaming nakakarinig ng kung anu anong tunog na masakit sa pandinig. Hindi ko alam kung saan 'yun nanggagaling? Basta ang alam ko lang sobrang lakas nito, para bang gusto na nitong sirain ang pandinig naming lahat na para bang inilalayo kami sa aming konsentrasyon sa pamamagitan ng hindi maipaliwanag na tunog. Mayroon pa nga na bigla na lamang may sisigaw na mga tao na para bang nagkakagulo ang mga ito kasabay ng nakakahilakbot na tunog. Halata mo pa sa mga iyon na nag sisipagtakbuhan ang mga ito dahil naririnig ang kanilang maiingay na mga yapak dahil sa kanilang pagtakbo. At ang pinaka nakakabahala sa lahat ay yung marinig namin ang tila pagsabok ng kung ano, tila naramdaman namin iyon dahil yumanig rin ang kinaroroonan namin ngayon. Dinig ko na rin ang mga mura ng mga kasama ko dahil sa kumusyon na yun.
Sa tagal namin dito, parang ngayon ko lang napansin na may mali dito. Paanong nakakarinig kami ng mga ganung bagay kahit hindi naman iyon dito nag sisimula? at isa pa iyong isipin na kapag bumabagsak na sa simento ang mga bagay na iyon ay bigla na lamang nawawala ang mga iyon? Katulad na lamang kanina na akala ko may nabangga ako at bigla na lang nawala sa paningin ko. Hindi kaya? Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa nabuo kong kungklusyon. Nahampas ko rin ang manibela dahil sa ngayon ko lang iyon napansin. Sana pala kanina ko pa inisip ang bagay na yun! Agad kong kinuha ang atensyon ng mga kasama ko kahit hindi ko na alam kung nasaan na ba ang mga ito. Hindi rin naman nagtagal halos sabay sabay rin silang nag tanong.
"Any problem? Azey," tanong agad sakin ni Aki.
Nagtaka ang mga ito ng bigla na lamang akong napangisi. Lalo pa hindi ko man lang sinagot ang tanong ni Aki.
"Hindi ko gusto yang ngisi mo, Azey." bungad naman ni Drix habang nakangiwi pa ito.
"What's on your mind?" seryosong tanong naman ni Jaes hindi nito inaalis ang tingin sakin na para bang may gusto syang malaman.
"We need to go back." sabi ko lang sa mga ito na lalong ikinapagtaka nila.
"What? Seriously,?!" komento naman bigla ni Robi.
"Malayo na ang narating natin, bakit pa tayo babalik?" angal naman ni Henry.
"I said, we need to go back! Kailangan nating bumalik kung saan tayo nag umpisa. Maliwanag?" seryosong sagot ko sa mga ito.
"Pero bakit nga? Nababaliw kana ba?! Pano kung mas malala na naman ang abutin natin dun kung babalik pa tayo?" seryoso ring sabi ni Khail sa kabila ng pananahimik.
"Walang mawawala kung susubukan." determinadong sabi ko pa rin sa mga ito. Hindi pa ba napapansin ng mga ito na isa lang itong ilusyon?
"Kung gusto mong magpakamatay, bumalik ka mag isa mo. Tsk," sagot pa rin nito. Napairap na lamang ako dahil mukhang ayaw nilang makinig sa mga sinasabi ko.
"Whatever your plan is, just do it. I trust you. Lil sis," napasulyap ako ng biglang magsalita ulit si Jaes sa kabila ng pananahimik kahit seryoso pa rin ito, tinanguan pa niya ako kaya naman napangiti na lang ako. Mabuti na lang. Siguro napansin na rin nitong may kakaiba talaga dito? Na may mali, hinihintay lang yata nito na may iba pang makapansin e.
Makalipas pa ang ilang minutong pagkakagulo namin dahil ayaw pumayag ng iba, ay sa huli napasunod ko pa rin ang mga ito. Ngayon, tinatahak na naman namin pabalik sa west ground ... so far so good, wala pa namang kakaibang nangyayari pero hindi ibig sabihin nun kampante na kami sa ganitong sitwasyon. Dahil hanggang ngayon nandun pa rin yung kaba naming lahat. Malapit na ulit kaming pumasok sa tunnel ngunit ang nakakapagtaka lang wala pa ring kakaibang nangyayari? Hindi tulad nung tahakin namin ito nung nag uumpisa pa lamang ang laro na to.
Halos nangangalahati na kami sa loob ng tunnel ng bigla naman kaming magulat dahil ang daming taong nag susulputan na lang sa kung saan. Nandun na haharangan kana lang bigla. Tapos meron naman masama ang tingin sayo na akala mo gusto kanang kainin nito ng buo, ang masama pa nakakatakot ang itsura ng ilan sa mga ito. Hindi ko na alam kung saan na ba ako pupunta dahil kada liko ko ay siya rin namang sulputan nila sa harap ko. Ganun rin sa mga kasama ko. Kung hindi nga lang kami nakakapagpreno agad ay magkakabanggaan na kami ng mga kasama ko.
"Sabi ko na e, hindi na dapat tayo bumalik pa dito." sigaw bigla ni Henry nung muntikan na ako nitong mabangga.
"The hell! Wala ba talaga kayong napapansin ha?" balik na sigaw ko rin naman sa mga ito na ikinatingin nilang lahat sa monitor. Sa puntong ito nakuha ko na talaga ang kanilang mga atensyon.
"Anong ibig mong sabihin, Azey?" takang tanong naman ni Drix. Haynaku! Sabi ko na nga ba wala talagang napapansin ang mga ito. Tsk, kay mamanhid na tao.
"Napapansin na... Mamamatay na tayo." wala sa sariling sagot ko sa tanong nito dahilan naman para magsilakihan ang kanilang mga mata, maliban na lamang kila Jaes at Raiden myloves... sige na nga sama na natin si Khail tsk.
"Nababaliw kana ba talaga ha, Azey?" sigaw naman ni Robi sakin, kita ko dito kung gaano na ito namumutla. Tsk,
"Stop shouting, will you? Sisirain niyo ba talaga ang pandinig ng kapatid ko?" halatang hindi na nakatiis si Jaes na huwag mag salita, halata na rin dito ang sobrang seryoso na rin nito. Sabay pang napalunok sila Drix ng marinig nila ang sinabi nito. Yan kasi e,
"Azey, Do you think this s**t is only a ... hologram?" seryosong tanong ni Jaes o mas tamang sabihin na paninigurado nito. Dahil dun napangisi na lang ako.
"Bingo! Kuya Jaes," ngisi ko pa rin dito, hindi na rin ito nakatiis dahil napangisi na rin ito habang napapailing pa.
"Guys, Listen ... ngayon alam niyo ng lahat na isa lang itong gawa sa teknolohiya, kaya hindi imposibleng walang kumukontrol sa loob nito. nakakapagtaka naman siguro yung mga bigla na lang nag susulputan tapos bigla na lang mawawala kapag bumabagsak ang mga ito sa semento." lahat sila nakatingin lang sakin ng seryoso ng malaman na nila ang lahat ng ito'y gawa lamang sa teknolohiya o hologram.
"Ngayon, kung may nag papagana nito sa loob? Hindi rin imposibleng walang device na makakapagtanggal nito mula dito sa labas." makahulugang sabi ko pa sa mga ito. Nakita ko na ring napangisi na rin si shie.
•••