The Two Secret Passage
Tatlong araw na ang nakalipas mag mula ng matapos ang aming training. Bukas ng hapon babalik na kami sa Manila dahil kailangan na ulit naming pumasok sa paaralan masyado na daw kaming maraming naliban sa klase ang sabi nila Mom kaya naman heto at uuwi na kami.
Sa ngayon wala kaming ginagawa kaya matapos naming mag tanghalian ay nag tungo agad ako sa'king kuwarto para makapag pahinga. Habang tahimik akong nakaupo sa'king higaan ay may napansin akong kakaiba sa kanang parte ng aking silid, napansin kong tila ba may isang line na parihaba na nakaukit dito. Sa unang tingin parang wala lang ito, ngunit nagtaka ako dahil ito lang naman ang parteng may guhit. Dahil sa pagtataka agad akong lumapit dito para makita itong mabuti. Hindi nga ako nagkamali isa nga itong guhit.
Pinakatitigan ko pa ito ng mabuti, dahan dahan kong itinaas ang aking kanang kamay at dinala ito sa mahabang linya. 'di sinasadyang naisandal ko pa ang isa kong kamay sa gitna nito ay bigla na lamang itong tumunog sa hindi ko malamang dahilan. Nagulat na lamang ako ng mabuksan ito at tumambad sa'kin ang isang makipot at madilim na pasilyo.
Hindi na sana ako papasok sa loob dahil madilim iyon, ngunit tila hinihila naman ako nito papasok sa loob. Dahan dahan akong humakbang upang makapasok dito. Dahil masyadong madilim dito'y humawak na lamang ako sa magkabilang pader para hindi ako madapa. Nang nasa dulo na ako ng pasilyo ay tumambad naman sa'king mata ang isang hagdan pababa. Hindi gaya sa pasilyong dinaanan ko kanina ay madilim ngunit ito naman ay may nakakabit ditong dim light na sa tingin ko'y sa ilalim ng hagdan na ito ng gagaling ang mumunting liwanag na iyon.
Dahan dahan akong humakbang pababa sa hagdan. Ang hugis ng hagdan na ito ay pabilog dahil habang tinatahak ko ang pababa ay paikot-ikot ito. Nakakahilo man dahil sa hagdan na ito'y pinagpatuloy ko pa rin ang pag baba dito. Matapos ang isa pang hakbang ay tumigil muna ako ng sa ganon ay mapagmasdan ko ang bagay na nasa aking harapan. Pagtataka ang agad na gumuhit sa napakaganda kong mukha dahil sa nakikita. Paanong nagkaroon ng ganito dito?
Kung kanina parang ordinaryong pinto lamang ang nandoon, ngunit dito ay tila hindi ito pang karaniwan gaya ng inaasahan ko. Isa itong dobleng pinto na gawa sa bakal. May nakita rin ako sa kaliwa nito na may kalakihang box na gawa rin sa bakal, habang sa gitna naman nito ay may mga fingerprints na nakaukit na may kulay asul ang nakapaligid dito.
Lumapit pa ako dito para mapag masdan pa ito ng malinaw. Iniangat ko ang kaliwa kong kamay at inilapit ito sa isa sa mga fingerprints. Pinatong ko dito ang aking kamay at ganun na lang ang pagtataka ko ng sumakto lang ito sa'king palad. Mayamaya pa ay unti-unti ring bumukas ang bakal na pinto patungo sa kanan. Nang pumasok ako sa loob nito ay siya rin namang agad ang pag sarado nito. Hindi ko na lamang pinansin ito dahil natuon na ang magaganda kong mata sa harapan ko.
Sa sa aking nakikita'y hindi ko maiwasan ang mamangha. Hindi ko akalain na may ganito palang klaseng silid sa mansyon na ito. Napagtanto ko rin na isa itong basement.
•••