Chapter 20

840 Words
The Underground Secret’s Marahan akong naglalakad dahil hindi ako mapalagay sa sahig na aking nilalakaran. Pakiramdam ko anumang oras maaaring malaglag ang isang katulad ko sa ilalim nito, goodness! Paano bang nagkaroon ng ganitong uri ng silid sa mansyon na ito. Kung sa itaas nito ay gawa sa salamin ang lahat, maging pati na rin dito sa underground basement ay isa ring salamin. Ano nga bang aasahan ko? e pangalan pa nga lang ng mansyon na ito ay hindi na dapat ipagtaka na ganitong uri ng disenyo ang maaaring gawing istraktura nito. Sa tingin ko malawak din ito dahil kada lakad ko ay siya rin namang bungad sakin ng mga pinto. Bawat silid na naririto ay may kanya-kanyang laman. Sa unang napuntahan ko ay isang malawak na library na punong puno ng mga libro. mapaluma man o bago ay naroroon din. Sa ikalawang pintuan naman ay isang control room na punong puno ng makabagong computer ang nasa loob niyon. Sa dami ng computer dun ay hindi ko na binilang ang mga ‘yun. Para saan pa? Alam ko namang hindi biro ang dami nun at isa pa... ang magandang kagaya ko ay hindi kailangan mag bilang. Hindi sa, hindi ako marunong mag bilang ha. Ang akin lang napakaganda ko naman para maging taga-bilang ng mga teknolohiya na iyon. Sa pagi-isip ko’y hindi ko inasahan na mababangga pala ako. Agad akong napa-aray ng tumama ang maganda kong noo sa matigas na pintuang gawa pa rin sa salamin. Nasipa ko na lamang ito dahil masakit talaga ang pagkakatama ko dun. Minsan kailangan mo rin mag ingat para hindi ka nagmumukhang tanga, kahit na maganda ka. Tsk, sa inis ko’y padabog kong binuksan ang pinto ng makapasok ako sa loob ay ganun na lamang ang gulat ko, Oh, my goodness! Ang silid na ito’y punong puno ng dikalibreng baril. Kahit sa mga pader nito ay may mga nakasabit na mahahabang baril na halatang hindi ito pangkaraniwan. Habang sa mesa naman nito na natatakluban ng puting tela ay mayroong nakalatag na maliliit na baril. Sa isa pang parte ng silid naroroon ang iba’t ibang uri ng bala. Saan nanggaling ang mga ito? Kumpara sa mga baril sa kabilang building ay mas marami ang bilang nito. Napakayaman naman nila sa baril tsk, nang mabusog na ang aking magandang mata sa kakatingin ng mga baril ay napagdesisyunan ko na rin lumabas. Gusto ko nga sanang kumuha ng kahit isa man lang sa mga yon ay kaso lang ng mahawakan ko na ito’y bigla naman nagkaroon ng redlight sa loob ng silid na ito sa takot ko ay muntik ko pang maitapon ang baril sa ere, buti na lamang napigilan ko pa ang sarili ko. Naglakad akong muli patungo sa pinakadulo ng pasilyo, isa na namang pinto ang bumungad sakin. Agad ko rin itong binuksan, sa pag angat ko ng aking ulo’y agad ko rin nakita ang isang palasong gawa sa ginto. Nag iisa lang ito doon na nakasabit habang may telang kulay pula na nag sisilbing harang nito sa likuran. Kahit hindi ako umalis sa kinatatayuan ko’y kitang kita ko na agad ang iba’t ibang uri ng mga armas. Sa tuwing tatama ang ilaw sa dulo ng mga iyon ay makikita mo agad na hindi biro ang talas nito. “What are you doing here? Azey,” halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nag salita sa gilid ko. “You, what are you doing here?” balik tanong ko dito. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko dahil sa taong ‘to, “How did you get here?” seryosong tanong pa rin nito. “Pumasok sa pinto.” wala sa sariling sagot ko dito. “Tsk, sandali nga! Pumasok kaba sa kuwarto ko? Kaya ka nakapasok dito?” Mas seryosong tanong pa nito na nakapag pasimangot sakin. “Duh! Ano namang gagawin ko sa kuwarto mo? FYI nasa loob ako ng kuwarto ko kanina kaya lang may napansin akong kakaiba sa dingding ng silid ko, e hindi sinasadyang may nahawakan ako... then boom! Nakarating na ako dito. — bakit ba kailangan ko pang mag paliwanag sa'yo? Nanay ba kita? Tatay or what?” Nasisira ang beauty ko dahil sa Khail na‘to. Ano rin bang ginagawa nito dito? Hindi naman ito agad nag salita parang natigilan pa ito dahil sa sinabi ko. Napatingin pa ito sakin kaya naman hindi natiis ng aking kilay na tumaas, napairap naman ito. Dahil hindi pa rin ito umiimik ay napaisip na rin ako ng may makuhang sagot sa pagi-isip agad akong napatingin dito. “Huwag mong sabihing konektado ang kuwarto natin patungo sa basement na ‘to,” mabilisang sabi ko dito. “Yeah...” seryoso pa ring tugon nito kaya naman napangiwi na lang ako. “Sasabihin ba natin ito sa kanila?” seryoso na ring tanong ko dito. Agad naman itong umiling kaya nagtaka ako. “Why?” “Hindi ko pa alam, pero mas mabuti pa sigurong huwag na muna natin itong ipaalam sa iba.” •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD