La Morgan Flair Dragonade Kaagad kaming naalarma ng makarinig kami ng kaluskos mula sa kung saan. Tahimik kaming nagmamasid ng sa ganun ay makita namin ang kung sino mang tao sa gitna ng kadiliman nitong lugar na aming napuntahan. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari sa aming lima lalo pa’t wala na kaming masasakyan dahil sa sira na yon at hindi na mapapakinabangan pa. At isa pa, wala rin kaming back up na maaaring tumulong sa'min dito. Napalingon ako sa bandang kaliwa ko dahil may humawak sa aking palapulsuhan. Kinunutan ko ito ng noo dahil hindi man lang ito nag paliwanag kung bakit ba ako nito hinawakan? Hindi lang hawak ang ginawa nito kundi mahigpit itong nakakapit sa aking pulsuhan, na para bang ayaw nitong malayo ako sa kaniya. “Bakit?” nagtataka ko pang tanong dito. Mas m

