Trap Hindi ko maiwasan ang magtaka dahil halos mag iisang oras na naming tinatahak ang kalsadang ito na napakadilim dahil wala man lamang kaming maaninag na liwanag na nanggagaling sa mga posteng nakahilera sa gilid ng kalsadang ito. "Nasaan na ba tayo?" kunot noong tanong ko sa mga ito. Tiningnan naman ako ng mga kasama ko at maging sila ay nagtataka na rin sa nangyayari. "I don't know!" kunot noong sagot din naman nitong si Khail. Maging ang iba ay ganon din naman ang isinagot. Hindi alam. "I thought this way is a shortcut." litong ani naman nitong si Aldeo. Nandito parin pala ito hanggang ngayon. Dahil ng magtungo kami sa Almaree ay nakita na lamang namin ang sasakyan nito ay butas ang apat na gulong at basag-basag ang salamin nito. At dahil wala siyang magawa dahil sira na nga a

