Hold On “Guys are you ready?” mabilis na tanong ni Riyah sa'min ng dumating kami sa sinasabi nitong lugar. “Yeah! Siguraduhin mo lang hindi tayo mapapahamak sa gagawin nating ‘to.” agad namang ani ni Aki sa gilid nito. “Oo naman no. Tara na baka hanapin na tayo ng mga boys na ‘yon.” kampanteng ani pa nito. Ilang minuto na nga ba kaming naglalakad sa masukal na daanang ito? Thirty minutes? Yeah, thirty minutes ganoon katagal. Bakit ba nakita ng babaeng ‘yan ang lugar na to? Nakakaloka talaga yang si Riyah. Kung anong maisipan, siyang gagawin. “Hoy Riyah! Seryoso ka ba talagang alam mo ang pasikot-sikot rito?” yamot ng tanong rito ni Red. “Ahm! Actually—” maputol pa nga ang sasabihin nito ng bigla itong barahin ni Rae. “Huwag mo kaming ma actually-actually d'yan.” ani nito at ma

