Already Knew Nagising ako nang marinig ko ang pagtatalo ng kung sino, hinayaan ko munang nakapikit ang aking mga mata para mapakinggan ang kanilang pinagu-usapan. Sa tingin ko’y tila nag tatalo-talo sila. “Ano ba kasing naisip niyo para gawin yon? Tingnan niyo tuloy ang nangyari... nasa ospital ngayon si Azey at hindi pa nagigising.” dinig kong mungkahi ng lalaki. Sa boses palang niyon ay alam kong si Jaes iyon. “Tatlong araw na siyang tulog. Ayos lang ba talaga siya?” what the hell! Tatlong araw? Kaya pala ramdam ko ang labis na pagkauhaw. “Maayos naman raw si Azey sabi ng doctor e. Side effect lang daw yan ng pinainom sa kaniyang gamot.” mabilis namang turan ni Aki. Ilang minutong katahimikan ang lumipas sa loob ng silid na inuukupa ko ngayon ng muling umimik si Jaes. Seryoso an

