Insignia Isang linggo na rin ang lumipas magmula ng makalabas ako sa hospital ngunit kahit ganoon ay hindi parin masyadong naghihilom ang aking tinamong sugat na dahil sa naging engkuwentro sa labas ng university. Makita ko lang ang organisasyon na ‘yon hindi ako magdadalawang isip na ubusin sila. Sobra sobrang puwerwisyo na ang kanilang ginagawa sa amin. Hindi pa ba sila kontento sa kung anong mayroon sila? At ano bang kailangan ng mga ‘yon at hindi sila matahimik sa mga lungga nila? Hintayin lang talaga ng mga impaktong ‘yon na tuluyang gumaling ang mga sugat ko. Hinding hindo ko sila tatantanan. Ako pa mismo ang maghahanap sakanila at kahit saang kuta pa sila nagtatago wala akong pakealam. I will haunt them all no one will survive. I'll make sure their going to face hell. “Hoy Azey!

