MEI'S POV Umihip ang malakas na hangin at binalot ng lamig ang buong paligid. Ang tunog ng mga dahong kumakaliskis sa mga puno ang siyang namayanig at wala ni isang boses ang maririnig. Deretso at walang emosyon kong nilalabanan ang nakalolokong titig sa akin ni Mal. Sa mga mata niya ay pawang naglalaro ang 'di malilimutang alaala ng aking nakaraan. Nakakabingi ang katahimikan ngunit nababasag iyon sa tuwing tumatama ang pala sa putikan. Hindi lamang si Vee ang siyang naghuhukay, tumutulong na rin ang iba pang mga estudyante at nagmamadali silang gawin iyon. Bumawi ako ng titig kay Mal at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Ganitong-ganito ang mga mukha na nakikita ko noon. Ganitong-ganito ang itsura at panahon. Halos walang pinagkaiba subalit may iilan lamang ang hindi ko ng

