MEI'S POV "Find Mei Yezidi Cleveland," Nahinto ako sa pagtakbo at napatingin sa itaas na speaker. "Kill her!" Sandali akong natigilan at mariin na napisil ang malalim na sugat sa aking tagiliran. Maging ang sarili kong paghinga ay mayroong panginginig. Nagpakawala ako ng hininga at tumingala sa kalangitan. Ang tubig ulan na bumabagsak sa aking mukha at ang hampas ng hangin ay talagang napaka lamig. Basang basa na ang suot kong huniporme maging ang buo kong katawan at tuluyan na akong binalot ng lamig at ginaw. Walang kasing dilim ang kalangitan at halos wala akong makita kung hindi man madaraanan ang mga ilaw. Nasa kabilang banda ako ng building at balak kong tawirin ang pagitan nito upang marating ang gubat. Ngunit kanina ko pa hindi magawang kumilos dahil nagpakalat-kalat ang mga estu

