FENRIZ'S POV "Wolfie, anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Freon nang makarating ako sa quadrangle. Umamba akong sasagot nang dumating si Sir Dan at akbayan ako. "Kasapi na natin siya, Villa Gonza." Tugon nito sa kaniya. Bumakas ang gulat sa mukha ni Freon."Huh? Pero... Bakit? Paano?" Napakamot sa batok si Freon. "Anong problema? Mukhang namang ayos 'tong si De Calvacante. Magsisimula na ang ensayo, tingnan natin ang galing mo, ayos ba?" Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Yes, sir!" masunurin ko pang tugon. Lumipat sa ibang mga estudyante si Sir Dan para kausapin sila. Sinundan ko siya ng tingin bago hinarap si Freon na hindi makapaniwala. "Pasaway ka talaga!" Asik niya at binatukan ako. "Ano ba!" "Gagoka! Hindi mo alam ang pinapasok mo, Wolfie! Gusto mo na bang mamatay?!" "Ma

