FENRIZ'S POV "Nasaan si Mei?" Takang tanong ni Freon sa amin nang marating namin ang canteen. "Hindi ko alam," Tugon ni Eunecia. "Sasabay ba sila sa'ting magtanghalian ni Wendy?" Bumalangkas ang inis ni Freon nang mabanggit ang babaeng 'yon. "Pakialam ko kung sasabay sa'tin 'yung babaeng 'yon. T'saka hindi ba't sinabihan na kita na huwag dumikit-dikit sa kaniya?" Napalabi siya. "Alam mo rin naman na hindi ko magagawang iwasan siya dahil binabalaan niya ako tungkol sa relasyon natin." Parehong sumama ang mga mukha namin ni Freon at nang magkatinginan ay kaagad kaming napaiwas sa isa't-isa. Kumuyom ang kamao ko dahil sa kahihiyan sa nangyari sa nakaraang linggo. Huli kong tanda ay ininom ko ang bote ng juice na pinipilit sa akin ni Wendy. Kahit na may paghihinala roon ay hindi ko naisi

