ASHLEE'S POV
"Come on, Rimmon! Hindi mo ba ako na-miss?" Nakanguso at naglalambing kong pagtatanong sa kaniya.
"Of course I miss you! I miss you so much, Ashlee." pinagapang niya ang sariling mga kamay paikot sa aking baywang.
Ngumisi ako. "Prove it."
"Yeah?" Walang anu-ano'y nasasabik niya akong sinunggaban ng halik na kaagad ko ring tinugunan.
"Hmm, that's right.." mapanukso kong daing nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Hmm, I love you, Ashlee." sambit niya nang maghiwalay ang aming mga labi.
"I love you too, Rimmon. Ilang araw rin tayong hindi nagkita at miss na miss na kita." Lumaki ang ngiti ko nang yakapin niya ako nang mahigpit. Niyakap ko rin siya nang ganoon kahigpit ngunit kaagad iyong naputol nang may tumunog sa aming likuran. Kaagad akong nataranta at napalingon. Subalit mabilis ding kumalma nang makita ang naglalakad na pusa.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Pfft! Masyado kang kabado! Relax lang, Ashlee. Walang makakakita sa atin dito."
Hinarap ko siyang muli at napaikot ng mga mata. "I know! I just can't help it!"
Sino ba namang makakapag-relax sa ganitong sitwasyon? Para kaming mga daga na nagtatago ng relasyon sa loob ng Murim School. Seryoso, bakit ba kailangang nasa rules ang bawal makipag-relasyon ang mga estudyante? It's not a big deal!
Bumalik lang ako sa reyalidad nang muli kong maramdaman ang mga kamay ni Rimmon na humihimas sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan na madalas lumalayag sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sarap sa ginagawa niyang iyon. Nakita ko pa ang ilang beses niyang pagtilap sa sarili niyang mga labi. Hindi nagtagal ay labi niya na ang gumagapang sa leeg ko.
"You're seriously making out behind this building?" Nangibabaw sa lugar ang pamilyar na boses ng lalaki.
Natigilan kami ni Rimmon sa ginagawa at muling napalingon. Nakita namin si Rhett na nakangisi habang pinapanood kami. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat subalit kaagad ding napalitan ng inis!
"Rhett!" Iritado kong singhal sa pangalan niya.
"Bro? Wala ka bang ibang magawa?" Nandoon din ang inis ni Rimmon. "'Wag mo kaming pakialamanan!"
"Heh!" Mas lalong napangisi si Rhett. "Alam niyo ba na malapit na mag-curfew? Nagsisimula nang maglibot ang mga guwardiya. Kung balak niyo lang din naman pa lang magpahuli, bakit hindi na lang kaya mag-s*x sa harapan nila?"
Sabay kaming napabuntong-hininga ni Rimmon at walang nagawa kundi ang bumalik sa dorm. Ang kuwarto ni ng mga lalaki ay nasa unang palabag habang nasa pangalawa naman ang amin kung kaya't naghiwalay na kami ng landas ni Rimmon.
Sa paglalakad ko sa hagdanan ay hindi ko inaasahang makakasalubong pababa ang pamilyar na babae! Napaintag ako sa gulat magsalubong ang mga paningin namin.
"M-Mei..." Garagal na boses kong tawag sa kaniya.
Nakatitig siya sa akin at walang makikitang emosyon! Ganoon na lang ang bilis ng pagdagundong ng puso ko.
"Mei.." Muli kong naiusal, hind malaman kung ano ang unang sasabihin. Nablangko ang utak ko dahil sa biglaang pagsulpot niya.
Wala siyang imik na naglakad patungo sa akin hanggang sa isang hakbang na lang sa hagdanan ang pagitan namin. Nasa itaas siya habang ako ay nasa ibaba kung kaya't ganoon ko na lang tingalain ang tangkad niya.
"Naniniwala ka ba sa kasabihang," Tumaas ang gilid ng labi niya habang nakayuko sa akin. "Walang sekreto ang hindi nabubunyag?"
Napapalunok akong nagsalita. "A-Anong ibig mong sabihin?" Nahahalata sa boses ko ang pagnginig ko sa takot!
N-Nakita kaya niya kami ni Rimmon? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya!
Gamit ang hintuturong daliri ay tinuro niya ang leeg ko. "Bakit hindi mo takpan ang pamumula niyan?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang lalo pang pagtaas ng kanyang labi. Ngumisi siya sa paraang hindi ko na gugustuhing makita pa!
"M-Mei..." Dinig na dinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko! "Don't you dare tell anybody about what y-you saw." Tinaliman ko siya ng titig. "Binabalaan kita!"
Unti-unting tumabingi ang leeg niya. Lumalim ang paraan ng pagtitig niya sa akin at wala ng ikakakabog pa ang dibdib ko! "Ako pa ngayon ang babalaan mo?"
Ilang beses akong napakurap-kurap. Nang hindi na makayanan ang tensyon ay nagmamadali ko siyang nilagpasan. Takbo-lakad ang ginawa ko para marating ang kuwarto namin!
Napakalakas kong binuksan ang pintuan at kinalabog para isarado. Ang mga tao sa loob ay napatalon sa gulat dahil sa pagdating ko. Nakita ko si Vee at Mal na may pagtataka habang nakatingin sa akin.
Sobra ang panlalambot ng mga tuhod ko at wala sa sarili akong napabagsak ng upo sa sahig. Hingal na hingal ako na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro!
"Ashlee?! Anong nangyari sa'yo?" Narinig ko ang paglapit ni Vee sa gawi ko.
"What the heck, Ashlee?"
Naghahabol ng hininga ko silang tiningala, ramdam na ramdam ang sariling pamumutla. "S-Si Mei..."
"Ano?" Nandoon ang madiing tinig ni Mal. "Anong nangyari?"
"N-Nakita niya 'ko! N-Nakita niya kami ni Rimmon!" Hinawakan ko ang pang-ibabang pajama ni Mal at natatakot na tumingala sa kaniya. "P-Paniguradong isusumbong niya kami... mapaparusahan kami... papatayin niya kami!!!"
Sandali niyang pinroseso ang ibig kong sabihin at kaagad nalukot ang kaniyang mukha. "Don't tell me you're still dating Rimmon secretly? What the f**k, Ashlee? Hindi mo ba talaga kayang pigilan 'yang kalandian mo?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw niya sa akin. "M-Mal---"
Nandidiri niyang inalis ang kamay kong nakakapit sa kaniya at galit na umatras. "At talagang ikaw pa mismo ang nagpapahamak sa sarili mo? Nakita kayo ni Mei? Tapos ngayon takot na takot ka pa?! HA!"
Nakuyom ko ang sarili kong kamao at kaagad nangilid ang mga luha ko. "M-Mal! Tulungan mo 'ko! Malamang isusumbong niya ako kay Dean Chicago! P-Pero 'di ba nakikinig sa'yo si Dean? P-Please help me, I don't want to be punished!!!"
"Seriously, Ashlee? What have you done!" Giit pa ni Vee at napailing-iling. "Alam mong bantay-sarado ni Dean Chicago ang grupo natin! Sa tingin mo ba magagawang pakiusapan ni Mal ang matandang 'yon?!"
Nakikiusap akong tumigala kay Mal. Magkasama na kami simula pa nang una kaming pumasok sa eskwelahan na 'to! Kaya kahit tratuhin niya ako na parang isang basahan, hindi naman niya siguro akong hahayaan mapatay ni Mei! Ang babaeng kinagagalitan niya ng husto!
"M-Mal! Please! Isang kahihiyan kung ang babaeng 'yon ang sisira sa'tin! H-Hindi ba? Mal? Kaya tulungan mo 'ko! Pinatay na niya si Terra, paano na lang kung ako na ang isusunod niya---"
"Well you're f*****g useless, Ashlee!!" Bulyaw niya bigla na kinagulat ko pa. Gano'n na lang ang pagkalukot ng mukha niya, galit na galit akong tinitigan, "Napakawalang kwenta mo sa grupo natin! Pabigat ka pa! Sana nga ikaw na lang ang inuna niya kaysa kay Terra!"
"W-What?" Nanlalaki ang mga mata akong dahan-dahan na napatayo, hindi makapaniwala siyang tiningnan. "A-Anong sinabi mo? I know you're treating me like s**t but I can't believe you're saying this!"
"Dahil 'yon ang totoo, Ashlee! Napakaduwag mo pa! Alam mo bang may tiyansang madamay ang grupo sa kasalanan ng isang miyembro?! Mainit na nga ang dugo ni Dean Chicago sa'kin, dadagdagan mo pa!"
"Ah! So ito 'yung kinagagalit mo? Na mainit ang dugo sa'yo ni Dean Chicago? Na hindi mo na siya napapasunod magmula nang dumating si Mei?! Na wala ka nang karapatahn para mapatay ang babaeng 'yon, yun ba?!" Galit na pabalik kong bulyaw.
No wonder lagi niyang binubuntong ang galit niya sa akin nitong mga nakaraang linggo! Laging masama ang loob niya at bigla-bigla na lang nagdadabog at kami ni Vee ang ginagawang punching bag!"
"Kung sabagay! Kung wala ang tulong ni Dean Chicago at ng grupo...hindi mo naman talaga matatalo si Mei eh---!!" Kaagad na tumagilid ang ulo ko sa malakas na pagsampal niya sa mukha ko!
"Oh my god! Stop! Stop!!" Pumagitna sa amin si Vee. "Mal, Ashlee, kumalma kayo! Si Mei ang kalaban, hindi ang isa't-isa! Hindi natin siya pwedeng hayaan na may masira o mapatay sa'tin!"
"HA! Bakit hindi!" Iritadong singhal ni Mal. "Siya ang lumabag sa rules, bakit siya ang aayos! Kung talagang may dulot ka sa grupo, patunayan mo! Dahil hindi lang ako ang dapat bumubuhat lagi sa inyo!"
Nakagat ko ang ibaba kong labi at napayuko nang husto. Ilang minuto ang lumipas na katahimikan ang nanaig sa pagitan naming tatlo. Saka lamang ako nakapagdesisyon.
Mukhang hindi ako tutulungan ni Mal. Pero alam kong hindi ako pababayaan ni Rimmon. Tutal kaming dalawa ang nakita ni Mei. Kailangan namin siyang mapatahimik bago niya pa mabunyag ang sekretong paglabag namin sa rules.