FENRIZ'S POV
"Tama na ang katititig sa salamin! Gwapo ka na, Wolfie." Nanunuksong sabi ni Freon.
Hindi ko siya pinansin at naglagay ng perfume sa buo kong katawan. Nandito kami ngayon sa dorm at nag aayos ng sarili para sa dinner.
"Tama na ang pagpapabango! Hindi ka naman aamuyin ni Mei-Mei mo." Pang aasar na naman niya sa akin.
"Nababaliw ka na Freon. Kanina ka pa ah!" Napipikon kong usal. "Wala ka talagang kasawaan."
Palibhasa ay ina-assume niya na ako ang may gusto ko kay Mei at hindi ang kabaliktaran! At pakiramdam ko rin na ngayong nabunyag ko na ang sekreto niya at ni Eunecia ay kumakapal na ang mukha niya.
Natatawa naman siyang nagsuklay ng buhok. "Siguro ganito talaga 'yung feeling kapag inspired ka. Yung kilig ko ay tumatagal ng buong araw. Tsk! Nababaliw na talaga ako." Ngumisi siya. "Kay Eunecia."
Napasabunot ako ng buhok! "Ang corny! Ang corny! Ang cornyyy!! AHH!!"
"Hahahaha! Parang hindi ka corny kapag si Mei na ang kaharap mo ah! May pa-Mei-Mei ka pa ngang nalalaman diyan!"
Muling bumalik sa alaala ko ang kahihiyan na nasabi ko kay Mei kahapon ng tanghali sa canteen!
Ang ganda mo talaga, Mei...
Ang ganda mo talaga, Mei...
Ang ganda mo talaga, Mei...
Kaagad kong naramdaman ang pagdaloy ng init sa aking dalawang pisngi at binaling ang sama ng loob kay Freon. "Mukhang kailangan mo na ng zipper para masarado 'yang bibig mo!" Sa kaniya ko man sinabi ay sarili ko ang pinapagalitan ko! How can I say things like that! So shameless!
"Nah! Hindi ko ititikom 'tong bibig ko, hahalikan ko pa si Eunecia."
Umasim ang mukha ko. Wala talagang limitasyon ang bunganga niya. Grabe! Hindi na ako makapaghintay na masanay sa kaniya ngayon pang lumalabas na ang true colors.
"Paano kaya kung isang araw mag kiss kayo ni Mei?" Kuryoso niyang tanong sa akin. "Bilis-bilisan mo kasi ang galaw."
Sa pikon ay binato ko siya ng hawak na perfume. "Aray Wolfie! Nakakasakit ka na ah?" natatawa niyang sabi na umaaktong nasasaktan.
Lalo lang akong napasimangot. Inayos ko na lamang ang suot kong pink na sweater. Ito ang paburito kong kulay ng sweater.
"Tara na, Wolfie." Anyaya ni Freon. "Nakakahiya naman kung ang mga babae pa ang pinaghihintay natin."
Natauhan naman ako at nagmamadaling kumilos. Sabay na kaming lumabas ng dorm at naglakad paalis. Ang lamig talaga rito sa Moorim tuwing sumasapit ang gabi. Nang narating namin ang canteen ay kaagad kong hinanap si Mei at hindi ako nabigong gawin 'yon.
Nandoon siya nakaupo sa pinakasulok ng canteen kasama sina Eunecia at Wendy. Agad naman kaming pumila ni Freon para kumuha ng pagkain bago lumapit sa gawi nila. Kanina pa kaya sila nandoon? Sila pa ang pinaghintay namin ni Freon!
"Eunecia." Kaagad tinabihan ni Freon ang pinsan--este kasintahan. Tinanguan lang siya nito na para talagang walang relasyon.
Napatingin naman ako sa kinauupuan ni Mei na ngayon ay kumakain na ng tahimik. Parang walang pakialam sa paligid. Nakita niya bang nandito na ako?
Napanguso ako nang maisip 'yon. Naupo ako sa upuan na katabi ni Wendy na ngayon ay kumikinang ang mga mata habang nakatitig sa akin. "Ang presko mo ngayon, Fenriz. Bagay na bagay sa'yo ang kulay rosas."
Napakamot ako sa ulo nang purihin niya ako. Hindi ko pa nakakausap nang matagal si Wendy. Noong sabay kaming kumakain ay paminsan-minsan lang kami nagpapalitan ng salita. At dahil alam kong hindi maganda ang pakikitungo ni Mei sa kaniya, hindi ko rin siya masyadong kinikibo.
"Salamat, Wendy."
Napatingin ako kay Mei upang malaman kung anong magiging reaksyon niya pero nanatili siyang kumakain. Nakasuot siya ng puting plain na dress pantulog, at bagsak na bagsak ang itim niyang buhok na para bang paulit-ulit na sinuklay.
Naupo ako sa tabi ni Wendy habang si Freon ang katapat ko. Katabi naman ni Freon si Eunecia na ang katapat nito ay si Wendy. Habang ang nasa sentrong upuan naman na para bang padre de pamilya ay si Mei. Malapit sa kaniyang gilid ay si Wendy at Eunecia.
"Ang bango-bango mo rin, Fenriz!" Muling naagaw ni Wendy ang atensyon ko sa papuri niyang 'yon, marahil ay dahil malapit sa akin.
"Salamat." Hindi komportable kong tugon saka sumulyap kay Mei Mei. "Salamat naman at napansin mo."
Ikaw Mei-Mei! Ikaw ang gusto kong makaamoy no'n! Hindi si Wendy!
"Fenriz."
Nanigas ako sa kinauupuan sa isang banggitin lamang ni Mei ng pangalan ko. Napalunok pa ako nang magtama ang paningin naming dalawa at nakaramdam ng hiya dahil kanina ko pa siya tinitingnan! AHH! It's supposed to be the other way around! Sinanay niya akong tinitingnan niya ako!
"B-Bakit?"
Ngumuso siya sa plato ko. "Paabot ng tomato juice." Malamig niyang utos sa akin. "Kinuha mo 'yan para sa'kin, 'di ba?"
Bigla naman akong napasimangot. Napatingin ako sa tomato juice na nasa tray kong plato na siya pang kinuha ko sa counter para ibigay sakaniya. Walang gana ko iyong inabot 'yon sa kaniya.
Tomato juice lang pala. Mabuti pa 'yon napapansin niya.
"Pfft!" Napatawa si Freon subalit agad niya 'yong dinaan sa ubo, nagpapanggap na nabilaukan. Alam ko nang napansin niya ang pagkadismaya ko kaya't sinamaan ko lang siya ng tingin.
Tinuon ko na lamang ang atensyon sa pagkain. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako kay Mei Mei na wala pa ring pakialam sa mga taong nakapalibot sa kaniya.
Nang muli akong sumulyap sa kaniya ay nakatingin na siya sa isang table ng grupo ng mga kalalakihan. Kuryoso din naman akong tumingin doon.
Bahagyang napataas ang kilay ko nang makita ang isang lalaki na nakatingin din sa kaniya at bigla na lamang nag iwas. Naningkit ang mga mata ko. Bakit ka nakatingin kay Mei Mei? Who the heck is he?!
Naningkit ang mga mata ko sa pamilyar na mukha na iyon. Saka ko napagtanto na iyon ang lalaking nag-angas sa akin noon sa hall way! Ang mayabang na lalaki na tinatanong kung ako ba ang pinakahuli sa ranggo. Ano nga ulit tinawag ni Freon do'n? Mammon... Rammon? Rimmon?
"Fenriz." Naagaw ang atensyon ko sa pagtawag sa akin ni Mei.
Napabaling ako sa kaniya. "Bakit na naman?"
Tumayo siya kaya't napatingala kaming apat sa kaniya. "Tapos ka na bang kumain?"
Nalilito akong tumingin sa pagkain ko. Hindi ko pa nauubos lahat pero agad-agad akong tumango-tango. "I'm done!" Tutal hindi rin naman masarap. Bakit ko pa uubusin?
"Sumama ka sa'kin." Aniya.
Narinig ko ang mahinang pagsipol ni Freon. Hindi na ako nakapagsalita nang nagpaunang maglakad palabas ng canteen si Mei. Dali-dali naman akong sumunod hanggang sa marating namin ang sulok ng labas. Huminto siya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin ako. Hinarap niya ako na kinalunok ko naman.
"Fenriz..."
"B-Bakit?" Tumikhim ako para ayusin ang boses ko. "Ano namang ginagawa natin dito?"
"May ibibigay ako sa'yo." Mas lumapit siya sa akin na halos sampung pulgada na lang ang pagitan namin sa isa't-isa.
Natigilan ako nang inunat niya ang dalawa niyang braso at walang kahirap-hirao na abutin ang leeg ko. Ganon na lang kabilis ang pintig ng puso ko nang maramdaman ang malamig na bagay na sumabit sa leeg ko. May sinuot siya sa aking kwintas. Nang matingnan ko iyon ay saka ko nakita ang kulay silver na whistle.
"Huwag mong tatanggalin ang bagay na ito sa'yo." Seryoso niyang sabi. "Kung manganib man ang buhay mo, 'wag kang mag-aalinlangan na pumito."
"H-Ha?" Napalunok ako nang pakatitigan niya ako. "Bakit mo ako binibigyan ng ganito? Ano 'to? Saan ba galing 'to?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Sa'kin 'yan. Hindi ba't nababahala ka sa tuwing 'di tayo magkasama?"
Nanlaki ang mga mata ko. "W-Wala akong sinasabing gano'n! S-Syempre natatakot lang ako baka may umaway sa'kin! P-Pero hindi dahil hindi tayo magkasama kaya ako---"
Pinitik niya ang noo ko na kaagad kong tinakpan. "Sundin mo na lang ang sinabi. Tsk!"
Napanguso ako. "Binigay mo ba sa'kin 'to dahil may umaaligid na sa'tin?"
Ngumisi siya. "Kahanga-hanga ang talas ng isip mo, Fenriz."
Nanatili akong nakakip sa aking noo para hindi niya makita ang pamumula ng mga pisngi ko. "Pero wala pang katapusan. Kahit saktan nila tayo... sila ang mapaparusahan."
"Hmm..." Dumaing siya. "Hindi sa lahat ng sitwasyon, gano'n ang kalalabasan.
Napanguso ako. "Nakakatakot naman..."
"Hindi mo kailangang matakot 'pag ako ang kasama mo."
"Psh! Bakit naman?"
"Sila ang matatakot sa akin."
Binaba ko ang mga kamay ko at yumuko. "Alam ko... pero ako hindi. Hindi ako natatakot sa'yo."
"Alam ko. Didikit ka ba kung oo?"
"Ayaw mo ba sa'kin?"
Napangiwi ang mga labi niya. "Hindi."
"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Anong ibig mong sabihin? Makakausap mo ba ako ngayon kung hindi kita pinapansin?" Tugon niya na kinatauhan ko.
"Eh simula kahapon nung dinner, bihira mo lang ako tingnan at kausapin... bakit?"
"Hmm..." May ngisi sa daing niya. "Sabihin na lang nating nahihiya ako nang sabihan mo akong maganda."
Nanlaki ang butas ng ilong ko at napaangat ng tingin sa kaniya. "Mei-Mei!"
"Bakit?" Gano'n na lang kalaki ang ngisi niya!
"P-Pwede bang 'wag mo na akong asarin? Oo na sinabi ko 'yon! Eh ano naman? T-Totoo naman eh! Wala namang malisya... W-Wala namang masama na purihin ng isang gender ang opposite gender! Si Wendy nga pinuri ako kanina eh!" Amang ko.
Unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya at unti-unti niya akong tiningnan ng sobrang lamig! Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo sa braso ko at saka napagtanto na may mali sa sinabi ko!
AHH!! I shouldn't have brought up that Wendy!
"A-Ano... Ano nga pala... Sabi mo ipito ko lang ang whistle na 'to tuwing nanganganib ako tapos pupuntahan mo na 'ko." Natataranta kong pag-iiba ng usapan. "P-Paano mo naman maririnig? Lalo na kapag nasa malayo ka?"
"Edi lakasan mo ang paghipan sa pito na 'yan nang marinig ko. TSK!" Madilim na mga mata niya pang tugon! Nanginig ako at napahawak sa pito.
"Para ka pa lang aso niyan... lalapit kapag pinituhan." Tatawa sana ako sa sarili kong biro nang makitang walang pinagbago sa reaskyon niya.
"Talaga ba, Fenriz?" Napahiyaw ako nang hawakan niya ang kwintas sa leeg ko! "Akin na 'yan. Hubarin mo."
"AHH!!" Ilang beses akong napaatras para layuan siya. Niyakap ko ang kwintas sa leeg ko. "Biro lang e! T'saka binigay mo na, wala nang bawian! Bakit mo pa bibigay kung babawiin mo lang rin pala!"
Seryoso niya akong tiningnan at bumuntong-hininga. "Binigay ko 'yan dahil ayaw kong mawala ka, Fenriz. Pero kung imbes na salamat ang matanggap ko gaya ng salamat na binigay mo kay Wendy sa papuri LANG niya---Bakit hindi ko na lang bawiin?"
Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang labis na init na dumaloy sa buo kong mukha ganundin ang pagdadabog ng dibdib ko!
"Mei-Mei..." Sandali ko pang pinroseso ang sinabi niya at hindi na kinayanan pang humarap sa kaniya. "AAAAAHHH!" Kumaripas ako ng takbo patungo sa dorm at walang anu-anong umakyat sa aking kama para lang magpagulong-gulong!!
MEI-MEEEIII!!!
Why are you doing this!