MEI'S POV
"MEI-MEI!!"
Napahawak ako sa aking braso nang daplisan ito ng matulis na bala ng pana. Kaagad na nagdugo iyon na kinangiwi ng aking labi. Hinawakan ko sa kamay si Fenriz na nagyon ay bakas ang pagkabigla. Walang sabi-sabing kumaripas ako ng takbo habang kaladkad siya.
"M-Mei!" Hinihingal niyang usal ngunit hindi ko siya pinansin at binilisan pa ang takbo, tiyak na naroon pa ang lalaking iyon na siyang sana'y papana sa kaniya.
Nang natatanaw ko na ang gusali ng dormitoryo ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo, batid kong hingal na hingal siya subalit hindi ko siya binitiwan at hindi ako huminto. Nang marating tuluyan naming marating ang lugar ay agad siyang napahawak sa kaniyang magkabilang tuhod at habol ang hininga.
"Nasaan ang kuwarto mo?" Agad na pagtatanong ko.
Nag-aalala siyang nag angat sa akin ng paningin, ang hingal ay nandoon pa rin. "T-Tinamaan ka..." Nakagat niya ang labi habang tumitingin sa aking braso.
"Wala ito." Umiling ako. "Nasaan ang kuwarto mo?"
Hindi siya sumagot, sa halip ay mabilis niya akong tinangay papasok sa isang silid. Napahawak ako sa aking braso nang dumarami na ang paglabas ng dugo mula dito.
"Fenriz---Mei!" Gulat na bungad sa amin ni Freon sa loob ng silid. Pinasadahan niya ako ng tingin at napapalunok na tumingin sa aking sugat. "A-Anong nangyari?"
Napatingin ako kay Fenriz na natatarantang may hinahanap. "Nasaan na ang first aid kit?!" Litong-lito niyang tanong.
"N-Nandito!" Si Freon ang nagmamadaling kumuha sa itaas na cabinet.
Agad iyong kinuha ni Fenriz at mabilis akong hinatak upang ipaupo sa malambot na kama. Sa itsura niya ay para na siyang hindi mapakali. Tinaas niya ang mahabang manggas ng daster ko at bumungad doon ang preskong dugo.
"N-Nakakainis ka!" asik niya habang pinupunasan ang aking braso ng puting tela. "Freon! Kumuha ka ng tubig!"
"S-Sandali lang." Maging si Freon ay nataranta sa pagsunod.
Pinagmasdan ko si Fenriz habang panay ang punas sa aking braso na walang tigil sa paglabas ng dugo. "M-Masakit ba? Ang lalim ng sugat mo, Mei."
"Ayos lang ako. Daplis lang naman." Tugon ko na kinasalubong ng mga kilay niya.
"M-Mukha bang daplis 'yan!?"
"Daplis naman talaga, Fenriz." Mahinahon kong sabi.
"Tingnan mo nga oh! Ayaw tumigil ng d-dugo!" Ibang tela naman ang pinampunas niya. "Freon 'yung tubig, nasan na!?!"
"S-Sandali, heto na!" Inilapag niya ang maliit na palanggana ng tubig.
Agad na nilublob ni Fenriz ang maputing tuwalya at hinugasan doon saka muling ipinahid sa aking braso. "M-Masakit?" Umiling ako.
"Hindi."
Napailing siya at tinuloy na lamang ang lilinis ng braso ko at maging ang sugat sa palad ko ay nilinis niya nang walang pagtatanong kung anong nangyari doon. Hindi naman ganoon karami ang dugo, sakto lang para matawag na daplis. Mayroon siyang inilagay na alcohol doon.
"Aray masakit!" Reklamo ni Freon na animo'y siya ang nilalagyan ng alcohol.
Napapapikit din si Fenriz na parang siya ang nakakaramdam ng sakit sa aking sugat. Napailing na lang ako hanggang sa lagyan naman niya ng kung ano-anong gamot ang aking sugat at sa huli ay binalutan ng puting bendahe.
Pinakatitigan ko siya nang ilang sandali nang lumapit naman sa akin si Freon. "Mei, ayos ka lang?"
Si Fenriz ang sumagot. "Mukha ba siyang ayos? Huwag mo ngang kausapin si Mei, galit kami sa'yo, Freon."
"Grabe ka naman, Wolfie!" Napakamot siya sa kaniyang batok. "Sorry na," Tumingin siya sa akin. "Pasensya na, Mei." Tianguan ko lang siya na kinaliwanag ng mukha niya at biglang umupo sa aking tabi. "Pwede niyo na bang ipaliwanag sa akin kung anong nangyari sa inyo sa labas?"
Napabuntong-hininga si Fenriz. "Meron nagtangka sa amin! Talagang lumalabag sila sa rules! Sino ba ang mga 'yon, Mei?" Naguguluhan niya akong binalingan.
Napangiwi ako at nagsinungaling. "Hindi ako sigurado." Tumayo ako at akma sanang maglalakad patungo sa pintuan nang pigilan ako ni Freon.
"Hindi ka muna aalis dito, baka nandoon pa ang mga 'yon!"
"Babalik na ako sa sarili kong kuwarto. Inaasahan mo bang, dito ako matutulog kasama niyo ni Freon?" Ngunot kong tanong sa kaniya.
Natigilan siya. "H-Hindi ah! Kaya nga sabi ko ay hindi muna! At saka paano kung saktan ka ng kung sino man 'yon? "
Nagpakawala ako ng hininga. Para namang magagawa niya. "Aalis na ako, Fenriz. Huwag kang lalabas dito hanggat hindi sumasapit ang umaga." May hinablot siya sa loob ng aparador at hinarang iyon sa akin.
"Suotin mo muna 'tong jacket ko para matakpan ang galos mo."
Tinanggap ko iyon at walang anu-ano'y sinuot. "'Yan na? Aalis na 'ko." Muli kong paalam.
Lumapit agad sa akin si Fenriz na nakasimangot. "Hahatid na kita sa kwarto mo--"
"Hindi. Kaya kong bumalik nang mag-isa. Mas alalahanin mo ang sarili mo."
Akma na sana akong aalis nang muli niya pang habulin ang pulsuhan ko. "S-Salamat pala sa ginawa mo, Mei..."
"Hmm..." Tumango ako. "Matulog ka na." Bumaling naman kay Freon. "Freon, huwag mo siya hayaang lumabas."
"Yes ma'am!"
Muli akong bumaling kay Fenriz. Nakanguso siya sa akin at nginiwian ko naman siya. Sandali ko pa siyang pinakatitigan bago tuluyang talikuran. Binuksan ko ang pintuan at walang lingon-lingon na lumabas doon.
Mabilis akong naglakad paalis sa gusali ng dormitoryo imbes na bumalik sa sariling kuwarto. Sumalubong sa akin ang presko at malamig na hangin. Naikuyom ko ang sariling kamao nang mamataan ang mga aninong naglalakad. Nakakapagtaka rin na halos dalawang guwardiya lamang ang nakita kong naglilibot sa buong campus.
Halos liparin ko ang ikatatlong palapag ng building. Madilim na madilim at iilang ilaw lamang ang nandoon.
Ngumisi ako nang mayroong mga yapak ng paa ang umaalingawngaw pababa sa ikatatlong palapag. Halatang nagmamadali itong tumakas. Ngunit natigilan din siya at awtomatikong napahinto sa pagtakbo nang makita niyang nakatayo ako sa dulo ng hagdanan.
"M-Mei." Napapalunok niyang usal sa aking pangalan.
Tumabingi ang aking ulo, sinusuri ang kabuuan niya. Nakatakip ang kanyang ilong at bunganga ng itim na maskara, tanging mga mata lamang ang nakalabas. Purong itim ang kasuotan at talaga namang hindi makikilala ang kanyang itsura. Ngunit dahil sinambit niya ang aking pangalan, nalaman ko kung sino ang nagmamay-ari ng kaniyang tinig.
Ngumisi ako. "Rimmon."
Nangatog ang kanyang tuhod, napaatras ng isang hakbang sa itaas na hagdanan. Madiin ang pagkakakapit siya sa isang pana sa kanyang kamay. Habang nakasukbit naman sa kanyang isang balikat ang mga balang panama nito.
Humakbang ako ng isa sa hadganan. "Mukhang hindi matatapos ang gabi nang hindi dadanak ang dugo ah?"
Umatras siya ulit ng isang beses sa hagdanan, kamuntikan pang mapaupo sa panginginig.
"M-Mei.."
"Nag-iisip ka ba talaga, Rimmon? Talagang bumalik ka pa?"
"Back off!"
"Talagang sinusubukan mo ako." Napangisi ako.
"Ang lakas ng loob mong..." Humakbang pa ako na kinaatras niya. "Panain ang lalaking iyon sa harapan ko."
"HA! Ang akala mo hindi ko nakita ang ginagaw niyo kanina! Isa rin pala kayo sa lumalabag sa rules! Kaya ano pang silbi kung magsusumbong ka!!"
Kaunti na lang at makakarating na kami sa pang apat na palapag dahil sa paunti-unting pag akyat sa hagdanan.
"Tatanungin kita," Sumeryoso ako. "Kung bibigyan ka ng tiyansang panain ulit si Fenriz... Saang parte iyon ng katawan niya?"
Natigilan siya at matunog na lumunok. Humigpit ang pagkakakapit niya sa kaniyang pana. "Patas na tayo, Mei Yezidi!!!" Malakas niyang tugon.
"Hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig." Humakbang muli ako. "Saang parte mo siya balak panain?"
Hiningal siyang bigla na parang napagod sa pagtakbo gayong kausap niya lang ako. Batid kong kinakabahan siya ng husto.
Mas sumeryoso ako. "Kaunti lang ang pasensya ko, Rimmon." Naikuyom ko ang kamao. "Sagutin mo ang tanong ko."
"Saan pa ba sa tingin mo?!" pagsigaw niya. "Malamang ay papanain ko ang ulo ng lalaking 'yon!!" Asik niya at bago pa man ako makakilos ay kumaripas na siya ng takbo.
Nagtungo siya sa ikaapat na palapag, ngingiti akong sumunod sa kaniya. Tumutunog ang mga sapatos namin sa makintab na sahig. Napakabilis niyang tumakbo, sapat lamang upang maabutan ko.
Hinablot ko ang malaking pana na nakahawak sa kaniyang kamay mula sa likuran. Nagugulat siyang lumingon sa akin, at malakas ko siyang sinalubong ng sapak sa mukha. Matunog siyang bumagsak sa sahig, dahilan upang magkalat ang bala ng mga pana sa iba't ibang parte ng palapag.
"S-s**t, s**t!" Daing niya habang hawak ang kanyang panga.
Habang nakatumba pa siya ay mabilis akong dumampot ng palaso, ipinuwesto iyon upang maging isa at itinutok sa kaniya ang matalim na dulo ng pana.
Nanlalaki ang mga mata niya, umiling-iling sa akin, wala pa man ay nagmamakaawa na ang kaniyang mukha.
"D-Don't you do it..." Pinilit niyang tumayo, tinutok ko sa kaniyang ulo ang pana kaya muling siyang napayuko. "M-Mei..."
Inunat ko pa ang pana upang lumakas ang makuhang pwersa. Sa oras na binatawan ko ito, tiyak na babaon sa kaniyang puso. Ngunit ano nga ulit iyon? Sa ulo dapat niya pupuntiryahin si Fenriz?
Itinaas ko at tinutok ang palaso sa kaniyang ulo. Nanigas siya, namutla ang mga labi. Nanginginig na rin ang dalawa niyang palad.
"N-No... Seryoso mo ba talagang lalabagin ang rules?!!"
Ngumisi ako. "Matagal nang walang silbi ang mga rules na kinatatakutan niyo..." Inunat ko pa ang pana. "Simula nang patayin niyo 'ko."
Nanlaki ang mga mata niya, hinahabol ang hininga sa sobrang kaba. Handa na akong binatawan ang palaso upang ipatama sa ulo niya. Nang bigla namang mayroong umalingawngaw na tinig.
"K-Kill him and I'll f*****g kill you!!!" Garagal na tinig ng babae.
Hindi ko napigilana ang mapatawa! Dahan-dahan kong ibinaba ang unat na unat na pana. Unti-unti akong lumingon sa aking kaliwa. Napangisi ako nang makita kung sino 'yon.
"Ashlee... Sinama ka pala ni, Rimmon?" Natutuwang ani ko. "Mukhang sinunod nga ni Rimmon ang payo ko, ah?" Tinutok ko rin sa kaniya ang pana. "Mabuti kung gano'n."