MAL'S POV
Pagsapit pa lamang ng umaga ay may bumungad na sa aming lahat.
"ANNOUNCEMENT," Nahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon sa halos lahat ng speakers dito sa campus. Maging ang ibang mga estudyante ay nahinto sa kanya-kanyang ginagawa. Ang mga ingay kanina ay tuluyang nawala upang bigyang pansin ang boses ni Dean Chicago. "ASHLEE GENOVESE AT RIMMON LUCCHESE AY NATAGPUANG PATAY KANINANG MADALING ARAW HABANG NAKASABIT SA PUNO." Iyon ang panimula niya na nagpagulat sa lahat. "BILANG KAPARUSAHAN SA PANGYAYARI, ANG SINUMANG MAY GAWA AY PUPUGUTAN NG ULO PAGKATAPOS NG IMBESTIGASYON."
Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig. Pinatay si Ashlee... Pati si Rimmon? HA! I can't believe this?! Talaga bang nagpapahalata si Mei sa pagpatay sa kanila?! Sinabi ni Ashlee na nabunyag ni Mei ang sekreto nila, at paniguradong may ginawa kay Mei ang dalawang 'yon! At ngayon patay na sila?
"Hahahaha!" Napatawa ako sa kawalan habang sapo-sapo ang aking noo. "Ang akala ko pa naman ay may matinong plano ang babaeng 'yon! Hahahaha! Gusto ba talaga niyang magpakamatay?!"
Kaagad na umingay ang mga estudyante ng sobrang lakas buhat ng narinig mula kay Dean.
"Talaga naman! Una si Sir Danilo---Ngayon naman ay si Ashlee at Rimmon!"
"Isa lang naman ang pwedeng gumawa sa kanila no'n!"
"Sino pa ba!? Eh simula lang naman ng pumasok si Mei rito sa loob meron nang p*****n kahit hindi pa dumarating ang katapusan!"
"Si Mei na 'yun! Bakit kailangan pang mag-imbestiga ni Dean Chicago?! Nagbubulag-bulagan ba talaga siya?!"
Nagsusugat na ang yata ang aking ibabang labi dahil sa pagkakakagat ko. Maraming bulong-bulungan ngunit iisang pangalan lang ang lumalabas sa kanilang bibig.
Sarkastiko akong napatawa. SI Dean Chicago? Ang akala ba niya ay hindi ko malalaman na binigyan na siya ng mga warning mula sa mga opisyal ng Murim School? Kaya ganito na lang ang pagsunod niya sa rules kahit pa nangangati na ang kamay niyang tapusin si Mei.
Matulin kong nilisan ang lugar. Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis para tuhnguhin ang opisina ni Dean Chicago. Hindi puwedeng hayaan ko lang siya na walang gawin pagkatapos nito!
Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko ay nililipad ang aking buhok at palda, halos lumabo ang pangin ko sa mga alikabok na sumasalubong sa hangin. At hindi ko namalayan ang lalaking tumatakbo rin kasalungat sa akin. Nadatnan ko na lang ang sariling bumangga sa kaniya ng malakas. Sa lakas ng puwersa ay parehas kaming natumba sa sahig.
"A-Ah!" Rinig kong daing niya, kumalabog ang katawan niya nang bumagsak.
Mabuti na lang ako at napagaan ko ang sarili kung kaya't hindi ako masyadong nasaktan mula sa pagkakahulog. Akma na sana akong tatayo nang masulyapan ang lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung sino iyon.
"DeCavalcante?" Nagtatanong kong usal. Ang bakas ng sakit ay nasa mukha niya habang hawak-hawak ang kanyang siko. Wala sa sarili ko iyong hinawakan. "Ikaw si DeCavalcante, hindi ba?"
Ang lalaking laging nakabuntot kay Mei at usap-usapang pinoprotektahan niya!
HA! What a timing! Matagal ko na siyang gustong lapitan!
"You..." Nagsalubong ang kilay niya na para bang nakilala na rin ako, hindi tulad ng unang beses kaming nagkabangga. "At ikaw din si Mal, 'di ba?"
Lukot man ang mukha ay unti-unting tumaas ang sulok ng labi ko. "Akalain mo nga naman? Mukhang hindi ka nakabuntot ngayon kay Mei ah? Alam mo na ba ang balita?"
Tumayo ako at pinagpag ang sarili. Nahirapan naman siyang itayo ang sarili at iika na umayos ng tayo. What a loser! Malamig niya akong tiningnan sa kabila niyon.
"Ang malas ko naman at may nakabangga akong gaya mo." Pasiring niyang sabi at akma akong tatalikuran na kinabigla ko pa.
"HA!" Napasinghal ako sa inis at akma siyang susugurin nang mapansin ang mga estudyanteng nagsisipagdaanan. Tsk! "Malas ba dahil simula ngayon wala nang magpoprotekta sa'yo?"
Napalingon siyang muli sa akin nang hindi nababago ang reaksyon. "Says who? Says a person who couldn't still grasped a thing about her? That's lame."
Hindi ako nakapagsalita kaagad. Napaawang ang labi ko. Bakit ba lagi nilang ginagamit si Mei para insultuhin ako?! Magsasalita na sana ako nang may mga estudyanteng dumaan sa gilid namin at nagbubulungan.
"Mei Yezidi is certified killer!" sabi ng isa.
"Yeah, hindi na kailangan ng witness! Alam naman ng lahat na siya ang gumawa no'n!"
"Remember nung kay Si Danilo? Hindi ba't siya rin ang pumatay!?"
Napalingon ako sa mga babaeng iyon na agad ding natigilan sa pagbubulungan nang mapatingin sa pwesto namin. Nang humarap naman ako kay Fenriz ay masama na ang timpla ng mukha niya. Hinayaan ko maglakad papalayo. Kumpara kanina ay binilisan niya ang pag-alis kahit na iika pa rin siya.
Muli akong napasinghal at tinuloy ang paglisan patungto sa opisina ni Dean Chicago. Nang marating ay kaagad kong binuksan ang malaking pintuan nang walang katok-katok at malakas iyong sinarado dhilang upang kumalabog.
Ang matandang lalaki sa loob ay napatalon sa gulat mula sa kaniyang kinauupuan at nang magtama ang paningin namin ay mabilis na sumama ang kaniyang mukha.
"MAL YAOTZIN! Ikaw na naman?!"
"Sino pa ba, Dean Chicago?" Naupo ako sa katapat niyang upuan na pinaggigitnaan ng lamesa. "So ano na? Anong plano mo kay sa babaeng 'yon?"
"TSK! Ilang beses ko ba kailangang sabihin na wala ka sa lugar para mangialam!!"
"Wala ba? Come on, Dean Chicago!! Ilang araw na lang at malapit na mag-katapusan! Kapag ako na naman ang naging una sa ranggo, makikita mo na ang lugar ko sa eskwelahang ito! Sisiguraduhin kong mapapatalsik ka, Dean Chicago!" Matapang ko pang banta.
Labis na bumalangkas ang galit sa mukha niya! "Iyon ay kung magiging una ka pa sa ranggo, Mal Yaotzin!"
"HA! At ano namang gagawin mo para hindi iyon mangyari? Lalabagin mo ang batas? Hindi ba't hindi ka nga malayang gumawa ng kahit ano rito sa loob dahil may warning ka na mula sa itaas?"
Lumaki ang mata niya. "Paano mo..." Sinapak niya ang ibabaw ng kaniyang lamesa. "Talaga bang sinasagad mo ako?! Nangingialam ka sa opisina ko!!"
"Ako agad? Bakit hindi mo kuwestunin ang anak mo na siya lang pinagkukunan ko ng impormasyon?" Sarkastiko akong napatawa. "Kita mo? Hindi lang naman ako ang may gusto na mawala si Mei sa mundo kaya hindi kami makakapayag na wala kang gawin!"
"Puwes bakit hindi mo rin alam na kasama sa warning na iyon ang pagtanggal sa akin ng karapatan na hawakan ang estudyanteng iyon?!"
Nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahan ang sinabi niya. Ang sinabi lang sa akin ni Wendy ay may warning na sulat ang binigay kay Dean Chicago subalit hindi ang tungkol sa bagay na iyon.
"ANO?! Bakit nila 'yon ginawa?! Anong---"
"Nahukay na nila ang nangyaring paglabag sa batas noong nakaraang taon. Masuwerte at hindi pa pugot ang uo ko ngayon, Mal Yaotzin! Subalit iyon na ang una't-huling warning na ipapataw sa'kin! At para matigil ang mga komosyon, ang anumang mga bagay na tungkol sa estudyanteng 'yon ay wala na sa kontrol ko o ng sinumang guro bilang parusa! Sinabi nilang nagiging patas lang sila!!"
Napatayo ako sa mga sinabi niya. Ganoon na lang ang pagtaas-baba ng dibdib ko at pandidilim ng aking paningin.
"Ang ibig mo bang sabihin... kahit na pumatay si Mei nang hindi pa nangyayari ang katapusan... wala siyang magiging kaparusahan?" Nanginginig sa galit ang dalawa kong kamao. "Kahit sino... kahit sino puwede niyang patayin tapos kami walang puwedeng gawin?!"
Nagtiim-bagang siya. "Kahit na ganoon na nga ang puwedeng mangyari, hindi ko parin 'yon hahayaan. Hindi alam ni Mei ang tungkol sa bagay na 'to. Kaya't ihihiwalay at ikukulong ko siya sa punishment room bago magkatapusan nang sa gayon ay hindi na siya makapinsala ng iba."
"Hindi!!" Napasigaw ako sa galit. "Paanong hindi niya alam ang tungkol sa puwede na niyang gawin, Dean Chicago?! Bobo ka ba?! E kaya nga ang lakas ng loob niyang patayin sina Sir Danilo, Ashlee at Rimmon nang hindi napaparusahan!! Alam na niya, Dean Chicago!! At sino pa sa tingin mo ang isusunod niya?! Hindi malayong mapatay ka niya at makakalusot parin siya!!"
"Sa palagay mo ba kasing-hina mo ako?! Kung may una man siyang mapapatay, ikaw 'yon! Ano bang binatbat ng lakas ng babaeng iyon sa akin? Piliin mo ang mga salitang iinsultuhin sa akin, Mal Yaotzin!"
Mariin kong natikom ang aking bibig at nilalabanan ang galit sa aking dibdib. Narinig ko ang buo niyang pagpapakawala ng hangin.
"Kung gayong alam na niya, hindi parin mababago ang desisyon ko na ikulong siya sa punishment room dahil hindi rin ako makakapayag na pumatay na lang siya basta-basta." Buong loob niyang sabi.
Mukhang hindi rin nag-papatinag si Dean sa isiping wala na siyang karapatan na hawakan ang babaeng iyon...
Hindi na ako tumugon pa sa isiping iyon din ang mas mabisang gawin ngayon. Naiinis ako sa sarili dahil pakiramdam ko ay masyado niya akong naloko. Paano nga namang papatay si Mei basta-basta nang may kaakibat na parusa? Ang akala ko talaga ay ito na ang magiging katapusan niya ngunit masyado akong inosente sa mga nangyayari!
Mei Yezidi! She's in a great advantage.