Chapter 24

1669 Words
MEI'S POV "Um," Wari'y natatakot na lumapit sa akin si Wendy. "Mei," Hininto ko ang pagsusulat sa aking kuwaderno at deretsong tumingala sa kaniya upang masalubong ang mga mata niya. Umayos ako ng upo. "Hm?" Napapikit siya at napayuko. "K-Kasi si Da--Dean Chicago..." Napalunok siya. "Pinapatawag ka niya sa punishment room." Sinarado ko ang kuwaderno at ibinaba ang hawak na ballpen. Maingat ko itong pinasok sa itim kong bag. "P-Pupunta ka ba, Mei?" Pinakita niya ang pag-aalala sa kaniyang tinig at mukha. Sarkatisko ko siyang tiningnan. "Natural. Hindi ba't kasasabi mo lang na pinapapunta ako?" "P-Pero... hindi ba't paparusahan ka do'n? W-Wala ka namang kasalan, hindi ba?" "Ano ngayon sa'yo?" Nangilid kaagad ang mga luha sa dalawa niyang mata. "M-Mei, syempre kaibigan kita... kaya nag-aalala ako." Tinaliman ko siya ng tingin dahil sa narinig at 'di masikmurang akto niya. Talaga namang doble ang pagmumukha ng babaeng ito. Magsasalita sana ako nang lumapit sa amin ang grupo nila Vee. Masama ang tingin sa akin ngunit may mga ngisi sa labi. "Kaibigan mong killer?!" Sigaw ni Vee kay Wendy. "Really, Wendy? Puwede bang huwag kang maging balimbing at kilalanin kung kanino ka papanig?! 'Yang babaeng 'yan ay lumabag na sa batas ng ilang beses kahit mag-iisang buwan pa lang siya rito!" "Huwag ka ngang makisali sa usapan!" pagsigaw ni Wendy sa kaniya. "Ayaw ko lang ng away, Vee. Umalis ka rito!" "Duwag!" Tinulak pa si Wendy dahilan upang mapaatras siya. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang aming mga kaklase na nagsisipagdatingan at nanonood sa aming tatlo. Malamig kong tiningala si Vee na ngayon ay nakangisi sa akin. "Mei Yezidi, huh?" Mayabang niya akong pinasadahan ang tingin. "Akala mo ba espisyal ka rito? Palibahasa ay dinadaan-daan mo kami sa mga laro mo ay iniisip mong malaya ka nang magagawa lahat ng gusto mo nang walang limitasyon? Gano'n ba? Hahaha! Sinong nagmumukhang talunan ngayon, Mei Yezidi? Sino nang natatakot sa'yo?" Humakbang ako ng tatlong beses upang harapin siya subalit awtomatiko siyang napaatras at napaintag. Natatawa akong suminghal. "Ngayon alam mo na kung sinong natatakot parin sa'kin?" Nagsalubong dalwa niyang kilay at nagkiskisan ang knaiyang mga ngipin habang tinataliman ako ng tingin. "Wala ka nang puwedeng gawin ngayon, Mei! May nilabag kang batas, kaya dapat mo 'yong panagutan! Hindi ba't katumbas na kaparusahan sa ginawa mo ay ang ulo mo? HAHAHA!! Ano ka ngayon?!!" "Tumigil ka nga, Vee!" Sumigaw si Wendy. "Hindi ikaw si Dean Chicago para magpakalat ng ipaparusa sa kaniya dahil unang-una, hindi pa kumpirmado na siya ang mag gawakina Ashlee at Rimmon niyon!" "Oh f**k that, Wendy!! Talagang nagbubulag-bulagan ka pa?! Nagtatanga-tangahan?? Wala nang iba pang gagawa ng bagay na 'yon kundi siya lang!! Dapat maputol ang ulo niya dahil sa ginawa niya---" "Sino ka para sabihin kung anong nararapat?! Hindi ba't noong kayo ang lumabag sa batas----isang taon na ang nakakalipas ay walang nangyaring parusa sa inyo?!" Ganoon na lang ang galit sa mukha ni Wendy kasabay ng pamumula ng kaniyang buong mukha. Subalit bigla siyang natauhan sa nasabi at kaagad natakpan ang kaniyang bibig, nagugulat na bumaling sa akin. "P-Pasensya na, Mei... H-Hindi ko sinasadyang ibalik iyon..." Dahil sa komusyon na ginagawa nilang dalawa ay ganoon na lang karami ang mga taong nagsisipag-pasukan sa loob ng aming silid, habang may iilan pang nanonood sa labas. "H-Hindi ko lang kasi matanggal ang ginawa nila sa'yo... M-Mga wala silang konsensya!" Sinubukan niyang abutin ang kanang kamay ko para sana'y hawakan, subalit kaagad ko iyong iniiwas at malamig siyang tinitigan. "HAHAHAHA!" Bumulalas ng tawa si Vee, napabaling kaming lahat sa kaniya. "Look who's talking here! Wendy?!" Ang panggigigil ay bakas sa buong mukha niya. "Anong klase ka?? Talagang pinapanindigan mo ang pagiging balimbing, ano? Hindi malaman kung saan kakampi? O gusto mo lang talaga na ikaw ang bida rito?! Kung talagang may pag-aalala ka kay Mei noon pa man dahil magkaibigan kayo---bakit wala kang ginawa noong malaman mo ang plano tungkol sa kaniya? Sige nga?" Natigilan si Wendy at hindi nakapagsalita. Mas lumaki ang ngisi ni Vee. "Ano? Iyak-iyak ka na naman? Mapagkanulo kong klase ng kaibigan at walang sinuman ang hindi nakakaalam tungkol doon! Wala kaming problema sa'yo kahit pa anak ka ni Dean Chicago at pabor na pabor dito, kaya puwede be? Do as a favor and stop acting like everything is your business!!" Tumingin ako kay Wendy na ngayon ay yukong-yuko, pinipigilan na umiyak. Humakbang naman ang pamilyar na babae sa tabi ni Vee nang may nag-aalinlangan na itsura, "Vee, baka masamain ang alitan niyo ni Wendy at makarating kay Dean, kaya tama na 'yan. Hindi naman siya ang kaaway natin, kaya huwag mo na siyang tuunan ng pansin." "Megan, pinipilit niyang makisali sa usupan namin ni Mei, e! Ayan tuloy, ako na naman ang mananagot nito!" Napaasik siya. "Bakit kasi ang hilig-hilig niyang magbait-baitan? Nagsasabi pa siya na kaibigan niya si Mei? HA! Siguro hindi niya lang matanggal na talaga namang peke siya dahil wala siyang ginawa para mapagtanggol ang babaeng 'yon!" Tuluyang bumuhos ang luha ni Wendy. "A-Anong magagawa ko, ha? Sige nga? Estudyante lang din ako dito sa loob na sumusunod sa mga patakaran!" "Anak ka ni Dean Chicago! Hindi ka namin katulad na walang kahit anong koneksyon sa may mga katungkulan. Pabor na pabor ka! Pero mas pinili mo paring walang gawin... at bakit ba hindi mo 'yon kayang aminin sa sarili mo?!" "Vee..." Hinahatak ni Megan si Vee para siya'y awatin. "A-Ang kapal mo para magsalita!" Humikbi siya "H-Hindi naman mangyayari iyon kay Mei kung hindi dahil sa kademonyohan ninyo!" Mas lumala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Malalim akong napabuntong hininga saka napasinghal. Lahat ng atensyon nila ay napabaling muli sa akin. "Mag sigawan lang kayo." Malamig kong sabi. "May kailangan pa akong puntahan." Natigilan si Wendy, agad na humarang sa akin nang akma akong aalis."H-Hindi pwede! 'Wag kang pumunta sa punishment room!" Pakiusap niya. "Kilala kita Wendy. Alam kong naging totoo ka sa'kin. Kaya hindi mo kailangang magpaliwanag sa iba, naiintindihan kita." Nalasahan ko ang dugo sa aking dila pagkatapos iyong sabihin. Nanginig ang mga labi niya at mabilis na yumakap sa akin. Umiyak siya sa aking balikat. "M-Mahal kita, Mei. Kaibigan kita! S-Sorry dahil nanahimik ako. Sorry kasi wala akong nagawa para sa'yo.." Kumalas siya at tumingin sa akin. "Sana mapatawad mo ako." Tumaas ang sulok ng aking labi at malamig na tumigin sa gawi nina Vee. Nawala lamang ang aking pag ngisi nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Mauuna na ako, Wendy." Muli kong paalam. Pinunasan naman niya ang sariling mga luha. Akma na sana akong maglalakad nang may kamay na humatak sa akin palabas ng classroom sa hindi ko inaasahan. Napalunok ako nang makita ang malapad na likod ni Fenriz, maging ang umaalon niyang buhok. FENRIZ'S POV Nagmamadali akong nagtungo sa classroom at hindi ako nabigo nang makita roon si Mei sa bungad ng pintuan. Kaharap niya si Wendy ngunit nang tatalikuran na niya ito ay mabilis akong kumilos upang hawakan ang kamay niya at hatakin papalabas ng classroom. Kinaladkad ko siya hanggang sa makarating kami sa likod ng building at malapit sa gubat kung saan hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Hinarap ko siya nang may nangungusap na mga mata. "M-Mei.." Kalmado siyang tumitig sa akin. "Bakit?" Hinawakan ko ang kamay niya. Ganoon na lang kabilis ang pagtibok ng puso ko. "M-May kailangan akong sabihin sa'yo, Mei." "Ano?" Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang mag ingay na naman ang speaker. "ANNOUNCEMENT," boses ni Dean Chicago. "MEI, PUMUNTA KA NGAYON SA PUNISHMENT ROOM." Bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod ko. Pinaharap ko siya sa akin nang nangungusap. "Hindi ka aalis, Mei. Please dito ka lang." Nangangamba kong pakiusap. Sa halip ay umiling siya. "Narinig mo naman ang pinag-uutos ni Dean Chicago, hindi ba?" Kaagad akong binalot ng takot. Kabisado ko ang laman ng student handbook, paniguradong papatayin si Mei!! Hindi malayong si Mei ang may gawa niyon sa dalawang estudyante lalo pa dahil sa nangyari kagabi. At dahil siya na ang pinaghihinalaan ay pinapapunta na siya agad sa punishment room para sa kaakibat niyon! "Mei-Mei..." Mahigpit akong humawak sa kamay niya. "D-Dito ka lang," "Narinig mo si Dean." Binawi niya ang kaniyang kamay. "Pinapapunta niya ako." Muli akong humawak sa kamay niya. "H-Hindi mo parin ba alam? Hindi ka lang niya basta-basta paparusahan do'n!! Papatayin ka nila, Mei..." Nabasag ang boses ko. "H-Hindi ko kakayanin dito sa loob... kapag w-wala nang magpoprotekta sa'kin..." "Fenriz," Sinalubong niya ang mga mata ko. "Para namang maiiwasan ko si Dean Chicago kahit pa manatili ako rito. Kailangan ko paring sumunod sa inuutos niya." Umiling-iling ako, nagmamatigas! "D-Dito ka lang." Sa oras na umalis ka, hindi na kita ulit makikita! "N-Nabanggit sa akin ni Freon, nakakatakot daw ang punishment room... hindi ba't punong-puno 'yon ng mga pang-torture na kagamitan?" "Oo, ganoon ang kwartong 'yon. Pero mas nakakatakot kung harap-harapan mong makikita." Kalmado niya pang tugon! Hindi ako makapaniwala. Baka naman hindi niya naiintindihan na mamamatay na siya?! Desperado kong hinawakan ang magkabila niyang braso at saka siya inalog-alog! "Mei-Mei!! Papatayin ka nila!! N-Naiintindihan mo ba?! Kapag nawala ka, paano na 'ko? L-Literal na mamamatay ako 'pag wala ka!!" Nag-init ang mga mata ko pagkatapos iyong sabihin. Malamang ay nag-aalala ako para sa sarili ko, pero hindi iyon ang tanging rason kung bakit hindi ko kayang mamatay siya sa ganitong paraan! Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag o paano ko sasabihin sa kaniya! Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Hindi nila 'yon magagawa, Fenriz. Babalik ako pagkatapos." Umiling-iling ako. "P-Paano kung hindi ka makabalik?" "Babalik ako, Fenriz. Hindi pa katapusan. Parusa lang 'yon." Pagkumbinsi niya pa sa akin. Nag-tiim bagang ako. "'Yung parusa mo, kamatayan!!" "Hindi nila ako mapapatay. Kakayanin ko." Ni hindi siya nababahala! Hindi ko siya maintindihan! Tipid niya akong nginitian. Ginamit niya ang dalawang daliri niya para kurutin pa ang kaliwang pisngi ko! "Mei-Mei!" "Marami na akong pinagdaan, Fenriz. Lahat 'yon kinaya ko. Kaya magtiwala ka sa sinabi kong," tinitigan niya ako sa mga mata. "babalik ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD