Chapter 25

1425 Words
MEI'S POV Naglakad ako patungo sa tagong punishment room. Ngunit malayo pa lamang ay tanaw ko na ang mga estudyanteng nakahilera sa gilid ng daanan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang iba ay nakangisi, ang iba ay masama ang mukha. Deretso akong naglakad sa gitna nila. Walang pakialam at deretso ang tingin ko sa pulang pintuan ng punishment room. Ngunit hindi pa man ako nakakaabot doon ay mayroon nang humarang sa akin. Malamig ko siyang tiningnan. Habang siya ay ngising-ngisi sa akin ng nakaloloko. Nilalaro ng isa niyang daliri ang dulo ng kanyang buhok. Hinarap ako ng malapitan, natutuwa akong tinitigan. "How's hell, sister?" Ngisi niyang tanong. "Mal." Malamig kong sambit sa kaniyang pangalan. Nang-aasar ang kanyang mukha at walang pahintulot na hinaplos ang aking buhok. "Talaga nga namang napabilib mo ako sa ginawa mong 'to?" Ngisi niya, subalit siya ang mukhang naaasar. "Akalain mo 'yon? Nagagawa mo na ring mapaikot si Chicago sa mga tricks mo. How great was that?! Hahaha!" Tinabingi ko ang aking ulo. "Talaga bang si Dean Chicago lang ang napaikot ko?" Malakas siyang humalakhak, gumaya ang mga estudyanteng nasa aming gilid at tutok na tutok sa aming pag-uusap. Muli niyang pinaglaruan ang dulo ng buhok niya, nakangisi at masama ang tingin sa akin. Pulang pula ang kanyang labi dahil sa kapal ng lipstick. Nababagay naman sa kaniya ang kulay, pero mukha siyang malandi. "O, hindi ko na aaksayahin ang oras mo, Mei." Maarte niyang sabi saka tinuro ang pintuan ng punishment room. "Pumasok ka na. Naghihintay na sa'yo ang impyerno." Hindi na ako tumugon sa kaniya. Akmang hahawakan ko na ang door knob ng pintuan nang hatakin ako ni Mal sa braso at mabilis niyang pinatama ang kaniyang kamao sa aking panga. "OWWW!!!" Iisang tinig ng mga nakakita. Napunta sa gilid ang aking ulo dahil sa lakas ng sapak niya sa aking pisngi. Hinawakan ko ang aking labi nang pumutok ito at dumugo. Kasabay niyon ang tawanan ng lahat. Tumingin ako kay Mal na ngayon ay mukhang nasisiyahan at naginhawaan. Nasapak niya ako at tumawa ang lahat dahil sa ginawa niya. Ganoon lagi ang gusto niyang senaryo. Ang magmukha akong mahina at siya ang malakas. Siya ang masusunod, at ako ang taga sunod. Ganoon ang gusto niya. Ngumisi ako sa paraang hindi niya gugustuhing makita. Nawala naman ang ngisi niya sa labi nang matitigan ako. "Nice punch, Mal. It almost hurt me." mas lalo pang tumaas ang labi ko. "Almost." Umamba siyang sasapakin ulit ako nang saluhin ko ang kamao niya nang walang kahirap-hirap. Napasinghap ang lahat sa gulat, maging siya ay nabigla sa ginawa ko. Madiin kong hinawakan ang kamao niya. Binaon ko ang aking mahahabang kuko sa kaniyang mga daliri, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. Ngunit hindi niya iyon pinahalata. Binitawan ko ang kamao niya at umatras upang talikuran siya. Tuluyan kong pinihit ang door knob ng silid. Bago pumasok ay muli ko siyang nilingon, masama ang tingin niya sa akin ngunit nginitian ko lang siya. "b***h!" Pahabol niya pang sigaw bago ako tuluyang pumasok sa silid. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng punishment room. Hindi pa rin nagbabago ang pintura ng mga pader. Naghalong itim at pula ang kabuuan nito. Kulay dilaw ang iilang ilaw sa loob ngunit madilim pa rin ang tingnan. Maraming kagamitan ang nakamamatay dito. Ngunit ang matalim na latigo pa lamang ang naranasan ko noon. Tandang-tanda ko pa ang unang beses na nakapunta ako rito sa loob. Pinarusahan ako ng walang kasalanan. Pinarusahan ako dahil lamang sa kagustuhan ng lahat. At ang parusang iyon.. ay pang-gagahasa. Isang beses lamang ako nakapunta rito, ngunit walang sawa nila akong binaboy. Paulit-ulit, walang segundo ang pinapalagpas. Sila ay mga hayop na kating-kati sa isang putahe. Masakit na alaala iyon. Ngunit ngayong inaalala ko, wala na akong maramdamang sakit. Ang sinisigaw lamang ng puso ko ay walang iba, kundi paghihiganti. "Remembering the place, Mei Yezidi?" Umalingawngaw ang tinig ni Dean Chicago. Nilingon ko siya sa kaniyang trono. Nakaupo siya sa malaking upuan na kulay ginto. Hawak-hawak niya sa isang kamay ang baso ng gintong alak. Mayroong makahulugang titig sa akin ang kanyang mga mata. Iyong parang naaaliw siya sa akin gayong wala pa akong ginagawa kundi titigan siya. "Dean Chicago." Malamig kong sambit. Ngumisi siya sa paraang nang aakit. "Miss this place?" Hindi ako sumagot aa kaniyang tanong. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin habang iniinom ang gintong alak. Napansin ko na mayroong apat na gwardya sa aming gilid. Hindi ako gumalaw nang haplusin niya ang aking dibdib sa paraang hinding-hindi ko magugustuhan. Inulit-ulit niya iyon at naaaliw siya sa ginagawa. Hindi tumagal ng minuto at tinanggal niya ang butones ng coat ko. Sa mga mata niya, nananabik siyang hubaran ako. Habang ako ay pinakatitigan siya sa bawat haplos niya sa aking katawan. "Remember this, huh?" Walang anu-ano'y dumapo ang kamay niya sa aking hita. Tinabingi ko ang aking ulo. "Hindi ka ba naaasiwa? Dean Chicago." Madiin kong tanong. Ngumisi siya. "Bakit ako maasiwa sa'yo, iha? Hindi pa rin kumukupas ang hubog ng katawan mo." Dinilaan niya ang ibaba ng kaniyang labi. Ang mga kamay niya ay patuloy sa pagdapo sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Ang tanong ko, hindi ka ba naaasiwa sa sarili mo, Dean Chicago?" Ngumisi ako. "Kulubot na ang katawan mo, pero di hamak na mas kulubot ang pagkatao mo." Ngumisi rin siya. Hinaplos ang aking buhok. "You're so beautiful young lady. Hindi nawawala sa memorya ko ang bawat hubog ng katawan mo." Dean Chicago, ang nangunguna sa lahat ng kademonyohan ng paaralang ito. "Hirap o Sarap?" Makabuluhan niyang pagtatanong sa akin. Tinitigan ko siya sa mata. Isa siyang halimaw na nahuhumaling sa akin. Nakakadiri. "Tinatanong kita. Mamili ka." Pilit akong ngumiti. "Iyan ang tanong mo sa akin noon. Pinapili mo ako sa pagitan ng dalawa, pero sa huli, ang gusto mo ang nasunod." Humalakhak siya. "Talaga nga namnag naaalala mo!!" "Hindi ko 'yon makakalimutan," ani ko. "Dala-dala ko lahat hanggang sa hukay." Lalo siyang humalakhak. "Kapag pinili mo ang hirap, walang katapusang hampas ng latigo 'yon, iha. Hanggang sa mamatay ka." Ngumisi siya. "Pero kapag pinili mo ang sarap.. Isa o dalawang posisyon lang ang gagawin natin ng sabay." Dahan-dahan akong umiling-iling.. "Balang araw, pagsisisihan mo lahat ng ito, Dean Chicago. Pagsisisihan mo." Napangiwi ako at inalala ang bawat detalye sa nakaraan ko. Lahat ng iyon, babalik sa kaniya. Ibabalik ko lahat. "Humanda ka, Dean Chicago." Malamig kong wika. "Sa oras na dumating 'yon, hinding-hindi mo makakalimutan ang pangalan ko." Humalakhak siya at ginawang katatawanan ang sinabi ko. "Kung balak mo lang din akong ipagagahasa mo lang din ako, iha.. Magagalak pa akong tanggapin 'yon!" Ngumisi ako at sinabayan siya. "Sino ba nagsabing ikaw ang ipagagahasa ko?" Napawi naman ang halakhak niya. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi ako ng todo. "Di hamak na maganda ang hubog ng katawan ni Wendy Chicago kaysa sa akin." Nag iba bigla ang timpla ng mukha niya. "Huwag mong idadamay ang anak ko." Madiin, nagbabanta niyang sabi. "Iisang dugo ang nananalaytay sa inyong dalawa. Matalik ko siyang kaibigan.. Pero dahil ikaw ang ama niya.." Ngumisi ako, binitin ang aking sinabi. Malakas na sampal ang inabot ko kay Dean Chicago pagkatapos ko iyong sabihin. Ngunit hindi sapat ang sampal niya para mapatumba ako. Muli ko siyang nginisihan. "Tinuturing niya pa rin akong kaibigan, Dean Chicago. Pwedeng-pwede kong pagsamantalahan iyon nang makaganti sa'yo." Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi. Pero sadyang matanda na siya at kaunti na lang ang lakas para mapatumba ako. Muli ko lang siyang nginisihan. "Gusto mo bang malaman kung sino ang totoong delikado rito?" "Manahimik ka!!" "Hindi ikaw, Dean Chicago," ngumisi ako. "At mas lalong hindi si Mal." Galit siyang dumampot ng mahaba at matinik na latigo. Lumapit sa akin ang apat na gwardya. Malalaki ang katawan nila at walang pwersang hinila ako upang ipunta sa mga nakabitay na bakal. Pinuwersa nilang itaas ang mga braso ko at pinulupot sa aking kamay ang mga bakal. Hindi ako nagpumiglas, hinayaan ko silang ipulupot sa aking mga paa ang iba pang mga bakal at kadena upang wala akong takas. Si Dean Chicago ay pumwesto sa aking likuran. Pinagapang siya sa likod ko ang latigo at buong lakas akong hinampas. "Ito ang nararapat sa'yo!!!" sigaw niya at muli akong himapas. Napapaliyad ang aking katawan. Wala akong maramdamang sakit ngunit ang katawan ko ay nagrereklamo sa kaniyang hampas. Sigurado akong nagdudugo na ang aking likod dahil sa matinik na latigong humahampas dito. Tumaas ang sulok ng aking labi, naranasan ko na ito dati, hindi ko na hahayaang maulit ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD