FENRIZ'S POV "Sumama ka sa'kin, Fenriz." malamig niyang anyaya. Napatitig ako sa walang emosyon niyang mukha. Hindi ko maitatanggi na namiss ko siya ng sobra kahit na halos tatlong araw ko lang siyang hindi nakikita o nakakasama. Gusto kong kausapinj siya kung okay lang ba siya at ano nang nangyari sa kaniya, pero alam kong hindi ito ang tamang oras at panahon. Patuloy pa rin ang pagpapaulan sa amin ng mga pana! Nagulat pa ako nang hatakin niya ako bigla at kaladkarin palayo. Namamangha kong pinagmasdan ang kaniyang likuran. Kung hindi puting daster, itim naman ang lagi niya lang suot-suot. Nililipad din ang buhok niyang bagsak na bagsak. Ni hindi ko alintana ang mga lumilipad na mga pana sa amin dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Mabilis ang mga pangyayari pero ngayong kasama ko siya

