FENRIZ'S POV
Buong araw ay napakatahimik sa campus. Tila ba'y normal na normal lang ang inaakto ng lahat, tulad na lang din noong una kong maranasan ang katapusan. Subalit ngayon ay napapansin ko na kung paano maging aligaga ang lahat.
Ang mga mata nila ay wala sa pokus, hindi rin natural ang pakikipag-usap nila sa ibang mga estudyante na hindi nila ka-grupo. Lahat ay nagmamasid-masid lang na para bang may mga pinupuntirya na sa kanilang mga isipan.
Napapansin kong lahat iyon dahil ganoon sila kung makatingin sa akin. Sa tuwing may nakakabangga ako o kaya naman nakakasabay sa paglalakad ay kakaiba ang paraan nila ng pagtingin sa akin kung kaya't hindi ko maiwasang kilabutan.
Malamang ay ako na ang puntirya nila dahil panay ang dikit ko kay Mei. At ahil baguhan lang ako, paniguradong madali lang nila akong mapatay lalo na kapag nagtulungan sila!
Pinunasan ko ang malamig na pawis sa noo ko. Natatakot ako, at naiisip ko nang magtago lang sa kuwartong sinsabi ni Wendy hanggang sa matapos ang araw at bumalik na si Mei!
Pero hindi maaari, alam kong sa oras na humingi ako ng tulong kay Wendy, mayroon 'yong kapalit, na hindi ko pa alam kung ano. Binalaan na rin ako ni Freon tungkol sa babaeng 'yon. Sinabi niyang halos lahat ng mga estudyante na kasabayan niya ay alam na dalawa ang mukha niya. Ibig-sabihin ay maaari mang matamis ang ngiti niya sa tuwing kaharap ako, hindi ko masasabi kung anong itsura ang meron siya sa tuwing nakatalikod ako.
"Tanghalian na!"
Hindi gaya ng mga nagdaang araw, hindi kami magkakasabay nina Freon, Eunecia at Wendy na kumain sa canteen. Nagkaroon kasi kami ng usapan ni Freon, na huwag nang magsabay sa araw na ito nang sa ganoon ay hindi sila madamay sa akin. Bagaman nag-aalala siya at gusto akong tulungan, ang priority niya parin ay si Eunecia.
Mahirap nang mag-protekta sa isang tao, paano na lang kaya kung dalawa pa? At ayoko rin namang maging pasanin nila at maging pabigat. Kung nandito lang si Mei... edi sana grupo kaming lalaban.
Samantalang si Wendy naman ay hindi na makita sa campus, malamang ay nagtatago na 'yon!
Lumipas ang ilang oras na hindi pa nangyayari ang katapusan. Halos lahat ay hindi na kaya pang magpanggap na natural. Maging ako nagiging aligaga na, hindi malaman kung saan pupunta para kaagad na makapagtago o makatakbo sa oras na tumunog ang kampana.
Subalit lumipas pa ang ilang oras at dumilim na ang kalangitan nang hindi parin tumutunog ang kampana. Hapunan na kung kaya't kinakailangan muli naming kumain. Nanatili akong kumakain ng mag-isa, hindi malayo sa puwesto nina Freon at Eunecia.
Paminsan-minsan ay nagpapalitan kami ng senyasan at nag-uusap gamit ang mga mata. Maging sila ay mukhang kinakabahan dahil sa tagal ng katapusan. Sa loob ko naman ay dinarasal ko na huwag na sana iyong matuloy!
Natapos na ang hapunan, subalit hindi kami maaaring bumalik sa aming dormitoryo, nakakandado ang pintuan niyon upang hindi roon magkalat ang mga dugo.
"Hi, DeCavalcante."
Nanginig ako nang mangibabaw ang pamilyar na boses na iyong sa aking likuran habang naglalakad sa madilim na hallway.
Mal Yaotzin!
Ang kapatid at mortal na kaaway ni Mei!!
Mariing napapikit at napaasik sa sarili. Bad timing! Mukhang papatayin niya 'ko!
Kailangang kong makaalis bago pa tumunog ang kampana!
"Hey, hey, hey!" Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin! Takbo-lakad ang ginawa ko at naramdaman ko ang malapit niyang presenysa sa likod ko kaya't tuluyan na akong napatakbo.
Iba ang mukha ni Mal kay Mei. Laging kalmado at walang emosyon ang mukha ni Mei at puwede na siyang maging kamukha ni Buddha, samantalang si Mal ay laging nakalukot ang mukha at puno ng emosyon---ang masama pa ro'n ay galit siya lagi o kaya'y sarkastiko.
"STOP!!"
"Ano ako, tanga?!" Tinulin ko ang pagtakbo!
"Tanga ka kasi wala ka namang matatakasan!!" Sigaw niya pa pabalik!
Nagkiskisan ang mga ngipin ko at muling sumigaw habang panay ang takbo. "T*ngina mo kung gano'n!" Nag-bad finger ako sa kaniya mula sa likuran.
"HA!!" Narinig ko pa ang malakas niyang singhal.
Nagpaikot-ikot ako sa malaking espasyo ng quadrangle. Naaagaw naming dalawa ang atensyon ng mga estudyante. Bwisit 'tong babaeng 'to! Ngayon mas lalo nila akong pag-iinteresan!
"AAAAAAHHHH!!!"
Napatigil ako sa pagtakbo at kaagad napalingon. Nakita ko rin si Mal Yaotzin na huminto at lumingon sa likuran niya. Lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nabaling sa isang babae na naglalakad sa pinakasentro ng quadrangle. Pero ang nakakagulat ay ang duguan niyang katawan at paulit-ulit niyang pagsigaw na talaga namang nakakabingi at nakakakilabot!!
Mayroong makaling bakal ang nakatusok sa tiyan niya habang patuloy siyang naglalakad. Para akong nanigas sa kinatatayuan habang pinapanood iyon.
Kahit pa alam ko na na brutal ang mga p*****n, sadyang hindi ko kayang sikmurain iyon! Napaka-creepy!! Pakiramdam ko ay masusuka ako!
"WHAT THE HELL?!" Kaagad na galit na sumigaw si Mal.
"Hindi pa tumutunog ang kampana, ah!!!"
"Sinong may gawa nito?!"
Nangibabaw ang mga ingay ng mga estudyante, puno ng pagrereklamo at galit. Ilang beses na lumalabas sa bibig nila ang pangalan ni Mei, na paniguradong siya raw ang may gawa, pero kaagad din nilang kinokontra dahil nakakulong ngayon si Mei sa punishment room.
"ATENTTION!" Umecho ang malakas na boses ni Dean Chicago sa mga speakers. "MULA SA PAG-UUTOS NG NASA ITAAS, ANG KATAPUSAN SA ARAW NA ITO AY HINDI MATUTULO---"
Natabunan ang mga sinasabi niya nang biglang tumunog ang kampana!!
Bumakas ang pagkagulo sa mukha ng mga estudyante, maging ako ay naguluhan. Pero kaagad din iyong nawala dahil sa sunod-sunod na pagkalampag sa kampana! Ang siyang simbolo na simula na ang p*****n!!
"AAAAAAAHHH!!!!!!" Parang mga baliw ang mga estudyante habang nagkakagulo!
Kasabay niyon ang biglaang pagpapaulan ng mga pana na nagmumula sa mga itaas ng building!! Napaawang ang labi ko sa bawat paglipad ng mga palaso sa iba't ibang bahagi ng lugar! Ang bibilis at talagang nakakatakot!
"AAAHH!!!" Napatingin ako sa sumigaw na lalaki nang matamaan ito sa hita! Napaatras ako sa kaniya dahil sa nakitang mga dugo mula roon!
Agad na naagaw ang pansin ko nang mas dumarami pa ang pagpapaulan ng mga pana sa amin!!
"AAAAAAAAAHHHH!!!" Nagpapanic na sa kakasigaw ang lahat!
Hindi tulad ng nauna, walang mga armas ang nakakalat sa semento ng quadrangle. Kung kaya't walang mga sandatang magamit ang mga estudyante. May mga panang tumatama sa mga estudyante! Ang ibang mga estudyante ay gumagapang sa sahig at ang iba ay mabilis na nagsisipagtakbuhan at nagsisipagkalasan! Ni hindi nila magawang umatake sa kapwa estudyante dahil sa pangyayaring iyon!
Marahil ay nasa dulo ako at sulok ng quadrangle ay hindi umaabot sa akin ang mga nagliliparang palaso sa ere. Kalapit ko si Mal na siya ring hindi natatamaan at pinapanood ang pangyayari.
At bago pa ako makakilos upang sana ay umalis ay mayroon ng pana ang dumaplis sa aking pisngi!
"AHH!" Nanlalaki ang mga mata ko at humawak sa aking pisngi. Tumutulo na ang kakaunting dugo! Daplis lamang 'yon pero uminit ang pisngi ko sa sakit. Ni hindi ako nakagalaw at tuluyan ng nanigas sa kinatatayuan! A-Ang akala ko ay hindi ako aabutin!!!
Siguro ay dahil sumigaw ako, kaya napalingon muli sa akin si Mal. Lukot na lukot ang mukha niya. Pero nakita ko kaagad ang pagtalim ng mga mata niya at kakaiba pang kislap niyon!!
Oh no...
Tumaas ang mga balahibo sa katawan ko! Napapalunok akong humawak sa aking dibdib para kapain ang whistle na kwintas ko.
M-Mei..
Alam kong malabong-malabong mangyari! Pero...
Nang mahawakan ko iyon sa wakas ay buong lakas akong umihip, dahilan upang mangibabaw ang tunog ng pito sa lugar!
"TSK! Ano ka? Tumatawag ng aso?!" Napaka-sarkastikong tanong ni Mal habang napapahawak sa magkabila niyang tainga.
"OO!!" Mabilis ko siyang tinalikuran at humarurot ng takbo patungo sa gubat!!
Walang kasing-lakas ang dagundong ng puso ko! Para itong deja vu! Ganitong-ganito ang senaryo noong una kong maranasan ang katapusan!
Wala akong makita. Nararamdaman ko lang ang mga natutulis na dahon na tumatama sa mukha at mga braso ko! Wala akong oras na indain iyon dahil sa halimaw na humahabol sa akin!!
Papatayin niya ako!! Talagang papatayin ako ni Mal Yaotzin!!
Naramdaman ko ang sobrang lapit na niyang pagsunod sa akin!
Mariin ko pang kinagat ang dila ko at walang anu-ano'y tumigil sa pagtako ng matulin at biglaang lumuhod saka niyuko ang aking ulo!
"AAHH!!" Dahil sa biglaan kong pag-preno na iyon ay hindi kaagad siya napahinto, sa halip ay natalisod siya sa akin gaya ng inaasahan!! Bumalentong siya sa lupa, napagulong at napadaing!
Bago pa siya makabangon ay kaagad na akong tumayo, at sinamantala ang opurtunidad na iyon upang matuling tumakbo pabalik sa quadrangle.
Ngunit ganoon na lang din ang panlalaki ng mga mata ko, maging ang paghinto ng mundo ko nang makita ang papasalunong na palaso sa akin pagkalabas ko pa lang ng gubat! Parang slow motion ko iyong nasaksihan na lumilipad sa ere. Kung gaano katulis ang dulo nito---tiyempong-tiyempong tatama sa aking ulo!
Napapikit ako ng mariin. Patay na 'ko!!! Patay naaaa!!! Pikit na pikit ang aking mga mata ngunit nagdaan ang ilang segundo, wala akong naramdaman...
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Halos sumabog ang aking dibdib nang bumungad sa'kin ang isang babae sa aking harapan. Deretsong nakatingin sa akin, seryosong-seryoso. Kaagad na nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa maruming semento!
Agad na nangilid ang aking mga luha, nakasuot siya ng itim na daster, ang manggas niyon ay umaabot hanggang pulsuhan niya. Ganoon na lang din ang pagkakalat ng hibla ng mga buhok niya na siya pang tumatama sa mukha ko dahil sa posisyon namin.
"M-Mei-Mei.." halos ibulong ko ang paraan ng pag-usal sa kaniyang pangalan.
Hindi ko inaasahang hahawakan niya ang aking pisngi na ngayo'y tinutuluan ng kaunting dugo dahil sa daplis ng pana.
"Masakit ba?" Walang 'sinlamig ang tinig niya.
Wala sa sarili akong tumango, hindi napigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. "B-Bakit ngayon ka lang?" Nagawa ko pa iyong tanungin sa gitna ng mga nangyayari sa paligid namin.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay inilahad niya ang maputla niyang kamay sa akin. "Sumama ka sa'kin, Fenriz."