MEI'S POV Kasabay ng pag-agas ng tubig sa gripo ang paglabas ng mga dugo sa likuran ko. Kakaiba nga naman ang latigo ni Dean Chicago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang iniwan niyang markha. Kaunti na lamang ang panahon na kailangan kong tiisin. Kaunting buwan na lamang ang aking hihintayin. Ibabalik ko ang sakit na naramdaman ko noon, Dean Chicago. Niligo ko ang katawan sa napakalamig na tubig na umaagas sa gripo. Ang tubig na dapat malinaw ay nahaluan ng kulay pula. Hindi lamang ito ang una o pangalawang beses na naligo ako sa sariling dugo. Kaya naman lumalakas ang pagkadesperado kong bumawi ng buhay sa mga gumawa sa akin nito. Lahat ay nadadaan sa tamang panahon. Matatapos din ang lahat ng 'to sa pagdating ng araw na pinakahihintay ko. "Mei? Nandiyan ka ba sa loob?" Ku

